Dumaan lang to sa twitter ko na kapag mas bumaba pa sa $3000 ang isang bitcoin maaaring mag zero ang value nito. Naniniwala ka bang mangyayari ngang ang bitcoin ay bababa hanggang zero? Parang mahirap isiping zezerohin nya ang presyo nya e marami syang followers and believers. Isa ako sa believers ni bitcoin at kahit may matinding naging kritiko sya laban kay bitcash, di ko iniwan si bitcoin kaya di mangyayaring mazezero ito.
Ako po ang isa sa mga naniniwala na maaring bumaba pa ang bitcoin ng mas mababa pa sa $3000. Nasabi ng isang batikang CEO ng Bitmex, na si Arthur Hayes na baba ang presyo nito sa $2500 at mula sa doon unti unti itong tataas patungo sa mas mataas na "All-time-High." Madami ang nagsasabi na sa 2019 tataas ang halaga ng Bitcoin at maaring lagpasan nito ang $20,000. Madami sa mga "Bitcoin Maximalist" tulad ni Tim Draper and nagsasabi na marahil mas malaki pa ang makakamit nito halaga. Kahit na naniniwala ako na tataas pa ng mas mataas ang Bitcoin sa halagang $20,000 duda ako na makakamit nito ang ganyan halaga dahil sa matinding karanasan na nadanas ng mga "retail investors" noong 2018. Mahirap makalimot at kung susuriin natin ang pagtaas at pagbaba ng presyo ni bitcoin sa nakaraang dekada may malaking posibilidad na maka kita tayo ng dalawang taon na "bear Market." Sabi nga nila history repeats itself at sa huling pakakataon na nangyari ang ganitong biglaan pagtaas ng presyo ni Bitcoin tumagal ito ng mahigit sa dalawang taon.
Hindi ako naniniwala na magiging "0" ang halaga ni bitcoin. Ang teknologhiya at makabagong pamamaraan sa palitan ng halaga (exchange of value) ang siya siguridad na hinding hindi maaring mapunta sa 0 ang halaga nito. Bagamat malaki pa ang maaring pwede i-improve ni bitcoin in terms of scalability and transaction cost madaming technology na an nalabas tulad ng Lightning Network para sa "retail investors at Bitcoin Liquid" para sa "institutional investors." It ay ilan lamang sa mga solusyon na ginagawa ng mga "bitcoin developers" upang mapabuti ang bitcoin at magamit natin sa pang araw-araw na "transactions."
Marahil wala nakakaalam kung saan papatungo ang presyo ni bitcoin pero malaki ang aking kompyensa na hindi ito mangyayari dahil sa mga sumusunod na dahilan na nakita ko sa mga nababasa kong balita sa mundo ng crypto:
Una, madaming gobyerno ngayon na kinikilala ang Bitcoin bilang isang makapagong "asset class." Madami sa mga gobyerno na ito ay kasalukuyang gumagawa ng kanya-kanyang batas upang maisama sa mga uri ng "asset" ang bitcoin at ang iba pa nitong kauri. Sa Japan tawag sa kanila ay "Crypto-Asset" na isang bagong kategorya ng Asset, Sa China na alam natin na pinagbabawal ang anumang cryptocurrency trading tinuturing itong "property" na may halaga na na pro-proteksyonan ng kanilang batas. Sa Singapore, Switzerland, Thailand, Malta at kahit dito sa ating bansa may mga acitive effort na ang gobyerno upang bigyan ng "Regulator clarity" ang mga crypto.
Pangalawa, madaming bigating mga banko at traditional financial institutions ang nagiging interesado na sa cryptocurrencies lalo na sa bitcoin at ibang pang mga kauri nito tulad ng Ripple. Masasabing ang 2017 bitcoin bullran na nangyari noon Dec 2017 ay masasabing epekto ng pagpasok ng Bitcoin Futures Market ng CBOE and CME na na approve ng U.S. Commodity Futures Trading Commission. Dahil dito madaming retail investors ang pumasok sa Bitcoin at crypto dahil akala nila papasok na ang mga institutional investors. datapwat hindi nangyari ang pagpasok ng institutional investors ito ang potential na mangyari kung pamasok na ng lubusan ang mg institutional investors. Hindi pumasok ang mga institional investors dahil: kulang pa sa regulatory clarity, kulang pa sa investor proteksyon tulad ng insurance, wala pang subok na custodial service providor noong panahon na yun at wala pang "Venue" kung saan pwede maglaro ang mga bigating investors. Sa pagpasok ng Bakkt, fidelity at Nasdaq sa 2019 makakaroon na ng mga "Venue" kung saan familiar sa mga institutional investor ang systema at mga market participants. Isa din sa matagal na hinihintay ng crypto community ay ang pag approve sa Bitcoin Exchange-Traded-Funds ng SEC. Kung ito ang ma approve madami ang nag sasabi na babalik na ang mga "Bulls" sa mercado.
Pangatlo, hindi hindi magiging Zero ang Value ni Bitcoin dahil madamin sa communidad ang naniniwala sa bitcoin. Ito lamang ang currency na tinatanggap sa halos lahat ng parte ng mundo. Ito lamang ang maaring nating sabihing universal currency dahil hindi ito nangangailangan ng sentrong authoridad na maaring gamitin ito sa sarili nilang agenda or gamiting upang mangapi o manakot. Hanggat may naniniwala sa community na ito ay may halaga hindi hindi ito magiging Zero. Tignan lang natin ang gobyerno ng Venenzuela na kung saan meron total failure ng economiya nila. Ang naging alternative "store of value" at currency nila ay ang "cryptocurrency" tulad ng bitcoin at Dash. Kahit na walang supporta ng gobyerno nagawan ng paraan na magkaroon ng "relatively" stable currency ang Venezuela gamit ang crypto.
Yes, baba pa ito ngunit naniniwala ako ng tataas uli ito ng mas mataas pa kaysa dati. Kahit sabihin natin nag bumaba ito ng mas mababa sa presyo upang maging sustainable ang bitcoin mining, ang mekanismo na nag secure sa bitcoin network may mga, security features naan na pwede i-adjust tulad ng pagbaba ng mining difficulty, mga adjustments na matagal ng nakasama sa "design" ni Satoshi Nakamoto.
Hangga't sa may mga gobyerno sa mundo na gumagamit ng pera para mang api ng ibang bansa, hanngga't sa nagmamanipula ang mga banko sa mercado, hangga't masyadong mataas ang sinisingil ng banko na interest para sa sarili nating pera, hagga't sa hindi patas ang pagtrato ng mga banko sa mga mamayan, hangga't sa may mga bangko na masyado nangengealam sa sarili nating pera hindi hindi mawala ang value ni bitcoin. Mas mauuna mawalan ng value ang ibang cryptocurrency bago mawalan ng tuloyan ng halaga si bitcoin.