Kwestiyonable iyong ilang games na di naglaro si Kawhi sa Raptors last season. Doon nagsimula iyong load management issue at di talaga purely dahil sa injury. Sa Spurs pa lang nung di sya naglaro at di rin nagreport ng matagal, sinabi na ng doktor na puwede na sya maglaro pero kahit sa praktis di nagpakita. Fully recovered na sya nung pagdating sa Raptors and minor injury na lang on the way.
Dito sa Dallas ibang case, talagang need ni Luka ng pahinga. Alam ng Dallas management yan pero sana balanse lang standing nila. Buti maraming role players ang Mavericks kahit wala si Luka ok ang rotation nila. Importante ang playoffs kaysa sa regular season pero gaya ng sabi ko mahirap maghabol sa Western Conference lalo na pag napunta ka sa crucial spot Rank 6 to 8.