Nets vs NOP - Nets babalik to sa winning column, -3.5 @1.83
Gandang laban nito mamaya ahh, ito lang muna sasabayan ko.
Sana lang maglaro si Zion kasi pag hindi mismatch tong laban na to kung kompleto yong big 3 ng Nets.
Magandang laban talaga kung maglalaro si Zion kasi nandun ung pressure para sa big 3 ng Nets, at yung productions ni Zion medyo mabigat yun pag wala sya mamaya sa game nila, sayang gusto ko din sabayan to kahit ML @1.57 kaya lang nadale ako ng never say die ng Ginebra kala ko madali na nilang matatalo ung kalaban dahil import.
Makikinuod na lang muna ako at bawi na lang sa susunod pag may spare na ulit, good luck na mga kabayan!
Walang Zion at Ingram mga kabayan, na report na sila kahapon palang na din na makakalaro si Zion. Di pa malaman kung kailan ang balik nya kaya siguradong iti-take advantage ito ng mga ibang kupunan sa liga habang di pa buo ang line-up nila. Si McCollum nalang ang natitirang reliable at si Jonas, pero yun nga di na matatansya kung makakapanalo paba.
Pansin ko din sa game kanina na di gaanong ganun kapagod ang Nets Big Three, mahaba-haba naman ang nilaro nila pero di rin gaano ka pressured dahil kumpleto sila at makakapag pahinga din in-between.
Dito ako tumitingin sa injury report:
https://www.espn.ph/nba/injuriesHirap kasi hanapin yung wastong mga tip-off ngayon dahil napapansin ko iba-iba ang label bawat article.
Salamat sa info kabayan, hindi kasi ako updated at nadala na ko nung nakaraan kay Giannis nung hindi sya pinaglaro pero wala naman sa injury list, kaya ngayon talagang napapadalas na sa live game na ko susmasabay ng taya para sure ako kung sino ung nasa loob, mahirap pa rin namang matimpla pero kahit papano may laban laban.
Kanina lumaban ung NOP hanggang sa dulo masyado lang talagang mahusay ung coach ng Nets at sa dulo si KD at Kyrie pa rin yung talagang humawak ng bola para ipanalo ung game.
Wala talaga si Giannis sa injury list sa larong yan kabayan, naalala ko na last minute na sya dineklara ni coach Budenholzer na hindi makakalaro. Sa tingin ko ay kaya naman ni Giannis na makalaro sa game na yan pero parang minabuti nalang na ipagpahinga sya dahil wala din naman si Holiday and Middleton sa larong yan. Minsan ay mas mainam naman talaga na mag bet nalang during sa live games, pero sa sitwasyon ko kasi kabayan ay di ako makaka tyempo sa oras dahil busy din gaano tuwing umaga. Swerte na kung may mahahabol hehe.
Salamat sa link kabayan, napakalaking bagay to para sa akin.
Panalo yong Nets kahapon pero hindi madali yong laro nila kahapon dahil naghahabol sila buti nalang at nagkaroon sila ng big run sa third quarter at pumutok na naman uli si Irving sa huling mga minuto sa fourth quarter. Mataas na talaga kompyansa ng Nets sa ngayon sana lang ay tuloy-tuloy na ito hanggang sa play-offs.
New Orleans Pelicans +9.5 @1.85 vs Mavericks
Tingin ko mananalo yong Mavs pero di gaanong tambak kasi nandoon pa naman si McCollum at Jonas na parehong sanay na wala si Zion sa kanilang lineup.
Walang problema kabayan, sayang din naman kasi kung may iilan tayong di makita sa injury list. Malaking bagay na kaya na malaman muna natin kung sino-sino ang maglalaro at sa link din na yan ay andyan na lahat ng teams, so di na tayo mahihirapan.
Sayang yung bet mo kabayan, muntikan na pero di din talaga binigay eh no? Sure na sure yan na mananalo ang Mavs dahil kulang-kulang ang manlalaro ng Pelicans ngayon. Bawi tayo, 2 days din akong di nakapag bet dahil pinagpahinga ko muna sarili ko hehe. Ano, game ulit?
Pelicans vs Wizards -2
Bucks ML vs Knicks
Lakers +10 vs Nuggets