Pages:
Author

Topic: NBA discussion, betting and etc. - page 76. (Read 34288 times)

legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 08, 2022, 09:25:09 AM
Grabe, napaka-intense ng ending ng laro kanina ng Jazz kontra Warriors. Hindi naglaro kanina para sa Jazz si Markkanen at ganoon din naman si Steph Curry, Wiggins at si Green para sa Warriors. Laging naghahabol yong Warriors sa fourth quarter na akala ko pa nga ay matatambakan na ng Jazz yong Warriors kasi ganda ng pinakita ni Clarkson sa fourth pero naungosan pa rin ng Warriors ang Jazz sa mga huling minuto at lumamang ng 4 points yong Warriors with 24 seconds to play.

^^ bet ko para bukas. Gandang laro to, magbabalik na si Lillard pero tingin ko tatalunin pa rin sila ng Nuggets.

Parang hindi kapanipaniwala yung nangyari sa laban na yun, grabe sure win na yun sa Warriors pero yung lineup na pinasok ng coach ng Jazz kakaiba talaga, antibay nung depensa hindi ko lang alam kung wala bang contact kasi yung pagkaka dapa ni Jordan Poole parang meron nung last steal ng Jazz, pero na let go na ng ref kaya yun nga nasilat pa yung warriors.

Good luck na lang sa tatayaan mo bukas parang sa tingin ko tama ka na mahihirapan ang Blazer kahit na magbalik pa si Lilard.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
December 08, 2022, 06:59:17 AM
Grabe, napaka-intense ng ending ng laro kanina ng Jazz kontra Warriors. Hindi naglaro kanina para sa Jazz si Markkanen at ganoon din naman si Steph Curry, Wiggins at si Green para sa Warriors. Laging naghahabol yong Warriors sa fourth quarter na akala ko pa nga ay matatambakan na ng Jazz yong Warriors kasi ganda ng pinakita ni Clarkson sa fourth pero naungosan pa rin ng Warriors ang Jazz sa mga huling minuto at lumamang ng 4 points yong Warriors with 24 seconds to play.

^^ bet ko para bukas. Gandang laro to, magbabalik na si Lillard pero tingin ko tatalunin pa rin sila ng Nuggets.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
December 07, 2022, 08:12:24 AM

Speaking of Anthony Davis, nadale yong pusta ko kanina laban sa Cavs. Akala ko na-injured na naman siya dahil 1 point lang ang na-score at 8 minutes lang yong nilalaro nya. Ni-research ko kung ano ang injury nya, buti nalang at wala siyang injury, flu-like symptoms lang kaya siya lumabas sa laro. Nakapagtataka lang kung bakit siya pinayagan na ganon yong sitwasyon nya.

Quote
After exiting game early in the first quarter of Tuesday’s game against the Cavaliers, Anthony Davis was ruled out due to flu-like symptoms. His status vs. the Raptors is still unknown.

Andaming nadale dito sigurado kasi ang init ng run ng lakers tapos sa first quarter nandun si Davis pati siguro ung mga nag aabang ng live
bet dale din kasi biglang nilabas at hindi na binalik si Davis

kaya yun ang naging kapalaran ng lahat ng pumusta para sa Lakers pareho yung ML at handicap walang pag asang manalo.

Di bale andami naman na available na game bukas kaya mas chance na makarecover, pili na lang ulit ng medyo matibay tibay na team
or baka pde ung mga over and under.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
December 07, 2022, 12:18:57 AM
Congrats pala kabayan! Nakapitas ka na naman dahil pasok yung Celtics bet mo, hindi lugi kahit wala ang reliable center nila na si Al Horford. Di na ako sumabay dyan kagabi dahil di ko matansya kong bakit underdogs sila laban sa Raptors. Sinilip ko ang rason kung bakit, tanging si Marcus Smart lang naman ang probable bukod kay Williams III at wala ng iba.

Salamat kabayan, nakatsamba ulit. Yong nga ang inaalala ko kung bakit sila bahagyang underdog buti nalang at naglaro si Smart, kung nagkataon na hindi siya naglaro malamang natalo sila, 18 points pa naman yong ambag nya kahapon.

Kitams? Abot pala hanggang sa panahon ni Wilt Chamberlain ang ginawa ni AD, sa nabasa ko naman ay siya ang puma-pangalawang Lakers na manlalaro na nakakuha ng back-to-back 40+ points since Kobe Bryant's era way back 2003. At matapos ang halos dalawang dekada, ngayon lang ulit ito nangyari.

Speaking of Anthony Davis, nadale yong pusta ko kanina laban sa Cavs. Akala ko na-injured na naman siya dahil 1 point lang ang na-score at 8 minutes lang yong nilalaro nya. Ni-research ko kung ano ang injury nya, buti nalang at wala siyang injury, flu-like symptoms lang kaya siya lumabas sa laro. Nakapagtataka lang kung bakit siya pinayagan na ganon yong sitwasyon nya.

Quote
After exiting game early in the first quarter of Tuesday’s game against the Cavaliers, Anthony Davis was ruled out due to flu-like symptoms. His status vs. the Raptors is still unknown.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 06, 2022, 07:44:36 AM
Nakatsamba lang tayo sa Celtics, homecourt kasi at maganda naman pakita nila sa homecourt kaya kinuha ko na. Nakadale rin ako sa Sacramento, hirap pigilan nitong team na to ngayon.

Ano masasabi nyo sa performance ni AD? halimaw, 55 points at 17 boards. Kakaiba nag galawan nya parang may gustong patunayan sa mga ang criticized sa laro ng Lakers. At muka naman nag response tong mga to dahil sunod sunod na ang panalo.

Congrats sa panalo mo brader. Hindi ako nakapusta kahapon pero kung ako ang tataya sa larong yan, sa Celtics pa rin ako kasi mas consistent na yong Celtics kaysa Nets at wala pa si Simmons sa larong yon.

About kay AD, halimaw talaga ngayon yong mga numero nya at tingin ko, ilang laro pa at ganyan pa rin ang ipinakita nya ay mapag-uusapan na sya sa MVP contender this season. May nabasa akong article na siya pa lang ang nakagawa ng "50 points, 15-rebound on a 70 percent shooting since Chamberlain in '69".

Tingin nyo kung mapupunta pa sa Lakers yong Draymond Green, may pag-asa kaya silang makapasok sa Finals kung wala lang injury sina LBJ at AD?

Celtics +1.5 @1.90 vs Raptors

Baka masundan yong panalo nila kahapon  Cool.

Ayos kahit nag ML ka pasok pa rin sa banga ang lupit ng Boston pinalagan yung good game ng mga stars ng Raptors, pero ang napansin ko eh yung oras ni Griffin 32mins pero tignan mo yung production nya parang prime days pa rin nya, 8 rebs with 13 points, not bad sa beterano ng Celtics.

Parang saktong sakto yung pagkaka hire sa kanya kasi talagang nagagamit at nabibigyan sya ng chance makapaglaro, iba din talaga yung rotation at yung sistema ng Boston kaya kahit sino ang ipasok talagang may pakinabang sa loob.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 06, 2022, 03:21:44 AM
Nakatsamba lang tayo sa Celtics, homecourt kasi at maganda naman pakita nila sa homecourt kaya kinuha ko na. Nakadale rin ako sa Sacramento, hirap pigilan nitong team na to ngayon.

Ano masasabi nyo sa performance ni AD? halimaw, 55 points at 17 boards. Kakaiba nag galawan nya parang may gustong patunayan sa mga ang criticized sa laro ng Lakers. At muka naman nag response tong mga to dahil sunod sunod na ang panalo.

Congrats sa panalo mo brader. Hindi ako nakapusta kahapon pero kung ako ang tataya sa larong yan, sa Celtics pa rin ako kasi mas consistent na yong Celtics kaysa Nets at wala pa si Simmons sa larong yon.

About kay AD, halimaw talaga ngayon yong mga numero nya at tingin ko, ilang laro pa at ganyan pa rin ang ipinakita nya ay mapag-uusapan na sya sa MVP contender this season. May nabasa akong article na siya pa lang ang nakagawa ng "50 points, 15-rebound on a 70 percent shooting since Chamberlain in '69".

Tingin nyo kung mapupunta pa sa Lakers yong Draymond Green, may pag-asa kaya silang makapasok sa Finals kung wala lang injury sina LBJ at AD?

Celtics +1.5 @1.90 vs Raptors

Baka masundan yong panalo nila kahapon  Cool.

Kitams? Abot pala hanggang sa panahon ni Wilt Chamberlain ang ginawa ni AD, sa nabasa ko naman ay siya ang puma-pangalawang Lakers na manlalaro na nakakuha ng back-to-back 40+ points since Kobe Bryant's era way back 2003. At matapos ang halos dalawang dekada, ngayon lang ulit ito nangyari.

Congrats pala kabayan! Nakapitas ka na naman dahil pasok yung Celtics bet mo, hindi lugi kahit wala ang reliable center nila na si Al Horford. Di na ako sumabay dyan kagabi dahil di ko matansya kong bakit underdogs sila laban sa Raptors. Sinilip ko ang rason kung bakit, tanging si Marcus Smart lang naman ang probable bukod kay Williams III at wala ng iba.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
December 05, 2022, 04:56:47 PM
Nakatsamba lang tayo sa Celtics, homecourt kasi at maganda naman pakita nila sa homecourt kaya kinuha ko na. Nakadale rin ako sa Sacramento, hirap pigilan nitong team na to ngayon.

Ano masasabi nyo sa performance ni AD? halimaw, 55 points at 17 boards. Kakaiba nag galawan nya parang may gustong patunayan sa mga ang criticized sa laro ng Lakers. At muka naman nag response tong mga to dahil sunod sunod na ang panalo.

Congrats sa panalo mo brader. Hindi ako nakapusta kahapon pero kung ako ang tataya sa larong yan, sa Celtics pa rin ako kasi mas consistent na yong Celtics kaysa Nets at wala pa si Simmons sa larong yon.

About kay AD, halimaw talaga ngayon yong mga numero nya at tingin ko, ilang laro pa at ganyan pa rin ang ipinakita nya ay mapag-uusapan na sya sa MVP contender this season. May nabasa akong article na siya pa lang ang nakagawa ng "50 points, 15-rebound on a 70 percent shooting since Chamberlain in '69".

Tingin nyo kung mapupunta pa sa Lakers yong Draymond Green, may pag-asa kaya silang makapasok sa Finals kung wala lang injury sina LBJ at AD?

Celtics +1.5 @1.90 vs Raptors

Baka masundan yong panalo nila kahapon  Cool.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 05, 2022, 07:28:16 AM

Parang maganda yang tatayaan mo ha, galing sa talo ang Celtics samantalang asa 4 games winning streak naman itong Nets.

Gusto ko yang ganyang mentality kabayan, mukhang veteran kana sa sports betting. hehe... Syempre babawi yang Celtics, maganda sa kanila kasi slight favorite lang, kaya malaking chance na ma cover ang spread kung sakaling manalo sila. Kaya nilang depensahan si Durant, nagawa na nila yan sa playoffs, kaya hindi malabong manalo ang Celtics.

Hindi naman kabayan nakikibasa lang din ako sa inyo tapos sinusubukan ko minsan kung epektibo sa kin yung mga possibleng rason kung bakit may chance na manalo yung team na tatayaan ko, pero more on tsambahero lang din kabayan hahaha.

Nakatsamba lang tayo sa Celtics, homecourt kasi at maganda naman pakita nila sa homecourt kaya kinuha ko na. Nakadale rin ako sa Sacramento, hirap pigilan nitong team na to ngayon.

Ano masasabi nyo sa performance ni AD? halimaw, 55 points at 17 boards. Kakaiba nag galawan nya parang may gustong patunayan sa mga ang criticized sa laro ng Lakers. At muka naman nag response tong mga to dahil sunod sunod na ang panalo.

Lupit back to back pala panalo mo ha, ung Celtics talagang meron silang sistema para kay KD a nakikita natin na yung talagang core stars nila talagang ssanib pwersa tuwing kalaban ang Nets, congrats pala sayo two hits ka ngayon dahil sa kings.

Sa part naman ng Lakers, maganda yan kasi masyadong na iissue si AD at nung mga nakaraan silang dalawa na ni LeBron ang
usap usapan na dapat na nasa trade list, ngayon medyo tumahimik na kasi madami ng panalo ang Lakers, at ang kagandahan
eh talagang maliban sa pag step up ng mga stars eh ung mga role players tumutulong na sa abot ng makakaya nila.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
December 05, 2022, 05:13:12 AM
Kung nakisama lang yung Piston sarap sana nyang panalo mo, kaya lang 30 points tinambak ng Knicks walang nagawa yung Piston, sayang yung dalawang underdog akalain mo yun talagang pumalag si Luka para malusutan yung defending champ, kung ganito ng ganito ang magiging timpla ng Mavs medyo malayo pa talaga maabot ng team na to.

Dun naman sa Clippers, lupit ng pagkabuhat ni Powell talagang palong palo wala ung tinuturing na big 3 ng Clippers pero hindi naging problema para makalusot sila sa Blazers.

Ayun nga bro e. Kaya nga ako napataya ng Parlay kasi maganda iyong sets ng game nung araw na yan at sigurado ako by 80% to win. 3 digits sana panalo dyan kung nagkataon hehe. Kahit nasa low tier yang Detroit Pistons at 6 pa lang panalo, pumuputok sila minsan at bigatin din mga tinalo nila this season. Kaya tiwala ako maguupset nila NYK pero nagkatamaran na agad kasi tambakan sa simula.

Moving forward, langyang Mavericks to. Alam ko naman na di sila maasahan sa handicap at ilan beses na sila nahahabol kahit malaki lamang pero kung paano tinalo iyong Golden State Warriors nitong nakaraan, na upset naman sila ng Detroit Piston recently.

Nakabawi naman ng konti sa laban ng Warriors at Rockets, -9.5 so ok na ako sa 1.90 odds na panalo.

Kaya maraming inconsistent na teams ngayon, either maganda talaga ang upgrade ng iba at naging kontrapelo o talagang masama lang ang laro ng Mavs at nasilat sila ng Detroit.

Nets vs Celtics bukas, magandang laban, Celtics -2.5 nasa 1.88 sa Stake pa.

Buti nakabawi ka na at sang ayon ako sa sinabi mo na marami talagang unpredictable or silatan na nangyayari sa NBA ngayon, andaming laban na yung tipong ang lakas ng pakiramdam mo na kayang kaya talaga nung tinayaan mo ung kalaban nila pero ang magiging resulta eh sila pala matatalo, magagawa mo na lang eh mag move on at humanap ng mga posibleng game na makakabawi ka.

Parang maganda yang tatayaan mo ha, galing sa talo ang Celtics samantalang asa 4 games winning streak naman itong Nets.

Nakatsamba lang tayo sa Celtics, homecourt kasi at maganda naman pakita nila sa homecourt kaya kinuha ko na. Nakadale rin ako sa Sacramento, hirap pigilan nitong team na to ngayon.

Ano masasabi nyo sa performance ni AD? halimaw, 55 points at 17 boards. Kakaiba nag galawan nya parang may gustong patunayan sa mga ang criticized sa laro ng Lakers. At muka naman nag response tong mga to dahil sunod sunod na ang panalo.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 04, 2022, 09:15:37 AM

Parang maganda yang tatayaan mo ha, galing sa talo ang Celtics samantalang asa 4 games winning streak naman itong Nets.

Gusto ko yang ganyang mentality kabayan, mukhang veteran kana sa sports betting. hehe... Syempre babawi yang Celtics, maganda sa kanila kasi slight favorite lang, kaya malaking chance na ma cover ang spread kung sakaling manalo sila. Kaya nilang depensahan si Durant, nagawa na nila yan sa playoffs, kaya hindi malabong manalo ang Celtics.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 04, 2022, 07:55:33 AM
Kung nakisama lang yung Piston sarap sana nyang panalo mo, kaya lang 30 points tinambak ng Knicks walang nagawa yung Piston, sayang yung dalawang underdog akalain mo yun talagang pumalag si Luka para malusutan yung defending champ, kung ganito ng ganito ang magiging timpla ng Mavs medyo malayo pa talaga maabot ng team na to.

Dun naman sa Clippers, lupit ng pagkabuhat ni Powell talagang palong palo wala ung tinuturing na big 3 ng Clippers pero hindi naging problema para makalusot sila sa Blazers.

Ayun nga bro e. Kaya nga ako napataya ng Parlay kasi maganda iyong sets ng game nung araw na yan at sigurado ako by 80% to win. 3 digits sana panalo dyan kung nagkataon hehe. Kahit nasa low tier yang Detroit Pistons at 6 pa lang panalo, pumuputok sila minsan at bigatin din mga tinalo nila this season. Kaya tiwala ako maguupset nila NYK pero nagkatamaran na agad kasi tambakan sa simula.

Moving forward, langyang Mavericks to. Alam ko naman na di sila maasahan sa handicap at ilan beses na sila nahahabol kahit malaki lamang pero kung paano tinalo iyong Golden State Warriors nitong nakaraan, na upset naman sila ng Detroit Piston recently.

Nakabawi naman ng konti sa laban ng Warriors at Rockets, -9.5 so ok na ako sa 1.90 odds na panalo.

Kaya maraming inconsistent na teams ngayon, either maganda talaga ang upgrade ng iba at naging kontrapelo o talagang masama lang ang laro ng Mavs at nasilat sila ng Detroit.

Nets vs Celtics bukas, magandang laban, Celtics -2.5 nasa 1.88 sa Stake pa.

Buti nakabawi ka na at sang ayon ako sa sinabi mo na marami talagang unpredictable or silatan na nangyayari sa NBA ngayon, andaming laban na yung tipong ang lakas ng pakiramdam mo na kayang kaya talaga nung tinayaan mo ung kalaban nila pero ang magiging resulta eh sila pala matatalo, magagawa mo na lang eh mag move on at humanap ng mga posibleng game na makakabawi ka.

Parang maganda yang tatayaan mo ha, galing sa talo ang Celtics samantalang asa 4 games winning streak naman itong Nets.

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
December 04, 2022, 04:32:20 AM
Kung nakisama lang yung Piston sarap sana nyang panalo mo, kaya lang 30 points tinambak ng Knicks walang nagawa yung Piston, sayang yung dalawang underdog akalain mo yun talagang pumalag si Luka para malusutan yung defending champ, kung ganito ng ganito ang magiging timpla ng Mavs medyo malayo pa talaga maabot ng team na to.

Dun naman sa Clippers, lupit ng pagkabuhat ni Powell talagang palong palo wala ung tinuturing na big 3 ng Clippers pero hindi naging problema para makalusot sila sa Blazers.

Ayun nga bro e. Kaya nga ako napataya ng Parlay kasi maganda iyong sets ng game nung araw na yan at sigurado ako by 80% to win. 3 digits sana panalo dyan kung nagkataon hehe. Kahit nasa low tier yang Detroit Pistons at 6 pa lang panalo, pumuputok sila minsan at bigatin din mga tinalo nila this season. Kaya tiwala ako maguupset nila NYK pero nagkatamaran na agad kasi tambakan sa simula.

Moving forward, langyang Mavericks to. Alam ko naman na di sila maasahan sa handicap at ilan beses na sila nahahabol kahit malaki lamang pero kung paano tinalo iyong Golden State Warriors nitong nakaraan, na upset naman sila ng Detroit Piston recently.

Nakabawi naman ng konti sa laban ng Warriors at Rockets, -9.5 so ok na ako sa 1.90 odds na panalo.

Kaya maraming inconsistent na teams ngayon, either maganda talaga ang upgrade ng iba at naging kontrapelo o talagang masama lang ang laro ng Mavs at nasilat sila ng Detroit.

Nets vs Celtics bukas, magandang laban, Celtics -2.5 nasa 1.88 sa Stake pa.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 03, 2022, 02:58:16 PM
Kung nakisama lang yung Piston sarap sana nyang panalo mo, kaya lang 30 points tinambak ng Knicks walang nagawa yung Piston, sayang yung dalawang underdog akalain mo yun talagang pumalag si Luka para malusutan yung defending champ, kung ganito ng ganito ang magiging timpla ng Mavs medyo malayo pa talaga maabot ng team na to.

Dun naman sa Clippers, lupit ng pagkabuhat ni Powell talagang palong palo wala ung tinuturing na big 3 ng Clippers pero hindi naging problema para makalusot sila sa Blazers.

Ayun nga bro e. Kaya nga ako napataya ng Parlay kasi maganda iyong sets ng game nung araw na yan at sigurado ako by 80% to win. 3 digits sana panalo dyan kung nagkataon hehe. Kahit nasa low tier yang Detroit Pistons at 6 pa lang panalo, pumuputok sila minsan at bigatin din mga tinalo nila this season. Kaya tiwala ako maguupset nila NYK pero nagkatamaran na agad kasi tambakan sa simula.

Moving forward, langyang Mavericks to. Alam ko naman na di sila maasahan sa handicap at ilan beses na sila nahahabol kahit malaki lamang pero kung paano tinalo iyong Golden State Warriors nitong nakaraan, na upset naman sila ng Detroit Piston recently.

Kakaiba trip ng Mavs eh ung akala mo sureball na pagkapanalo lalo na medyo lamang naman talaga sila sa players kumpara sa Piston pero mas maganda nilaro ng Piston eh kaya ayun silat sila sa OT, pero kanina panalo naman yung Mavs at ung mga nagtiwala sa handicap anlayo ng lamang ng Mavs sa NYK well covered kung anoman yung handicap sa pre-game.

Andaming kakaibang resulta kanina kaya malamang tahimik yung mga kabayan natin na nagmamantyag dito baka nadale ng mga
unexpected na upset.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
December 02, 2022, 04:01:34 PM
Kung nakisama lang yung Piston sarap sana nyang panalo mo, kaya lang 30 points tinambak ng Knicks walang nagawa yung Piston, sayang yung dalawang underdog akalain mo yun talagang pumalag si Luka para malusutan yung defending champ, kung ganito ng ganito ang magiging timpla ng Mavs medyo malayo pa talaga maabot ng team na to.

Dun naman sa Clippers, lupit ng pagkabuhat ni Powell talagang palong palo wala ung tinuturing na big 3 ng Clippers pero hindi naging problema para makalusot sila sa Blazers.

Ayun nga bro e. Kaya nga ako napataya ng Parlay kasi maganda iyong sets ng game nung araw na yan at sigurado ako by 80% to win. 3 digits sana panalo dyan kung nagkataon hehe. Kahit nasa low tier yang Detroit Pistons at 6 pa lang panalo, pumuputok sila minsan at bigatin din mga tinalo nila this season. Kaya tiwala ako maguupset nila NYK pero nagkatamaran na agad kasi tambakan sa simula.

Moving forward, langyang Mavericks to. Alam ko naman na di sila maasahan sa handicap at ilan beses na sila nahahabol kahit malaki lamang pero kung paano tinalo iyong Golden State Warriors nitong nakaraan, na upset naman sila ng Detroit Piston recently.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 02, 2022, 01:22:07 PM

Anyway, marami pa namang laro bukas, pero hindi pa ko nakakasilip ng trip kong tayaan.

Dito ka na lang bumawi sa sobrang dami ng laro at malamang maabutan mo din yung live games kung hindi ka nakapag advance bet, medyo kapaan pa yung laban sinisilip ko ung raptors vs nets anliit kasi ng spread kung hindi ako nagkakamali asa @1.7+ ung Nets dito kaya lang medyo matapang din ang Raptors pag pumutok ung mga scorers nila malamang mahirapan ang Nets.

Sa kabilang banda naman medyo nakakatatlong sunod na panalo na ang Nets maganda rin yung distributions ng mga role players kaya hindi masyadong hirap si KD at Kyrie pero syempre sila talagang dalawa ang main scorer ng team lalo na si KD, tignan na lang natin bukas kung maganda ba ulit ang ipapakita nila or mapuputol na yung winning streak nila.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
December 02, 2022, 10:21:44 AM
Ang dami na namang laro bukas, dito muna ako papabor sa mga sure para yung spread nalang po-problemahin ko.
Heat vs Celtics -9 @ 1.91
Bucks -6 @ 1.91 vs Knicks

Congrats kabayan, panalo yong dalawang bet mo kahapon. Muntikan na hindi ma-cover ng Bucks yong spread pero yong Celtics walang kaba dahil two digits yong kalamangan, pati yong bet ko ca Cavs nanalo rin. Kadalasan yong mga nanalo kahapon ay mga llamado sa tayaan, kabaligtaran na naman sa mga resulta noong nakaraang araw.

Mavs -7.5 @1.80 vs Pistons

Isa lang pala yong laro ngayon kaya wala masyadong mapagpipilian.

Salamat kabayan! Naka chamba lang din at naniguro kaunti na mag bet muna sa mga heavy teams hehe. Di ko na nga pinanood ng live dahil parang di ako sine-swerte pagka ganoon hehe. Talo ang Mavericks kabaya kontra Pistons, umabot pa nga sa overtime pero di na pumayag ang Pistons na makuha ulit ng kabila ang lead. Halos si Wood ang Luka lang ang guamalaw sa kanila habang sa Pistons ay halos double digits ang ambag kada players.

Di na ako tumaya kabayan ng nalaman kong iisang laro lang ang mangyayari ngayong araw, pahinga muna dahil mamaya titingin ako ulit kong anong maganda dahil may 11 games para bukas. Good luck kabayan!

Ako tumaya at hindi na pinanood, kampanya na ako na kukuhain na ng Mavs yan at kayang kaya na i cover ang handicap.

Kaya laking gulat ko na matalo sila, at nag OT pa ang game, ibig sabihin eh mukhang hirap na hirap sila sa Pistons nung laro na to. Inconsistent talaga ang Mavs sa ngayon ah.

Anyway, marami pa namang laro bukas, pero hindi pa ko nakakasilip ng trip kong tayaan.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
December 02, 2022, 07:05:07 AM
Ang dami na namang laro bukas, dito muna ako papabor sa mga sure para yung spread nalang po-problemahin ko.
Heat vs Celtics -9 @ 1.91
Bucks -6 @ 1.91 vs Knicks

Congrats kabayan, panalo yong dalawang bet mo kahapon. Muntikan na hindi ma-cover ng Bucks yong spread pero yong Celtics walang kaba dahil two digits yong kalamangan, pati yong bet ko ca Cavs nanalo rin. Kadalasan yong mga nanalo kahapon ay mga llamado sa tayaan, kabaligtaran na naman sa mga resulta noong nakaraang araw.

Mavs -7.5 @1.80 vs Pistons

Isa lang pala yong laro ngayon kaya wala masyadong mapagpipilian.

Salamat kabayan! Naka chamba lang din at naniguro kaunti na mag bet muna sa mga heavy teams hehe. Di ko na nga pinanood ng live dahil parang di ako sine-swerte pagka ganoon hehe. Talo ang Mavericks kabaya kontra Pistons, umabot pa nga sa overtime pero di na pumayag ang Pistons na makuha ulit ng kabila ang lead. Halos si Wood ang Luka lang ang guamalaw sa kanila habang sa Pistons ay halos double digits ang ambag kada players.

Di na ako tumaya kabayan ng nalaman kong iisang laro lang ang mangyayari ngayong araw, pahinga muna dahil mamaya titingin ako ulit kong anong maganda dahil may 11 games para bukas. Good luck kabayan!

OT pero talagang agresibo ang Piston na dominate nila yung game sa extra na oras, kahit napwersa ng Mavs ung OT pero talagang
mas malakas ang pinakitang laro nung Piston.

Hindi kinaya ni Luka yung mga bataan ng Piston lahat willing tumulong at lahat talaga makikita mo na gumagalaw at naghahassle ng
bola, swerte yung mga nag handicap lalo ung mga risk taker na tumaya sa ML

Bukas madaming laro kaya abang abang na muna kung anong game ung medyo maganda ganda ung advantages.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 02, 2022, 01:29:56 AM
Ang dami na namang laro bukas, dito muna ako papabor sa mga sure para yung spread nalang po-problemahin ko.
Heat vs Celtics -9 @ 1.91
Bucks -6 @ 1.91 vs Knicks

Congrats kabayan, panalo yong dalawang bet mo kahapon. Muntikan na hindi ma-cover ng Bucks yong spread pero yong Celtics walang kaba dahil two digits yong kalamangan, pati yong bet ko ca Cavs nanalo rin. Kadalasan yong mga nanalo kahapon ay mga llamado sa tayaan, kabaligtaran na naman sa mga resulta noong nakaraang araw.

Mavs -7.5 @1.80 vs Pistons

Isa lang pala yong laro ngayon kaya wala masyadong mapagpipilian.

Salamat kabayan! Naka chamba lang din at naniguro kaunti na mag bet muna sa mga heavy teams hehe. Di ko na nga pinanood ng live dahil parang di ako sine-swerte pagka ganoon hehe. Talo ang Mavericks kabaya kontra Pistons, umabot pa nga sa overtime pero di na pumayag ang Pistons na makuha ulit ng kabila ang lead. Halos si Wood ang Luka lang ang guamalaw sa kanila habang sa Pistons ay halos double digits ang ambag kada players.

Di na ako tumaya kabayan ng nalaman kong iisang laro lang ang mangyayari ngayong araw, pahinga muna dahil mamaya titingin ako ulit kong anong maganda dahil may 11 games para bukas. Good luck kabayan!
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
December 01, 2022, 04:40:54 PM
Ang dami na namang laro bukas, dito muna ako papabor sa mga sure para yung spread nalang po-problemahin ko.
Heat vs Celtics -9 @ 1.91
Bucks -6 @ 1.91 vs Knicks

Congrats kabayan, panalo yong dalawang bet mo kahapon. Muntikan na hindi ma-cover ng Bucks yong spread pero yong Celtics walang kaba dahil two digits yong kalamangan, pati yong bet ko ca Cavs nanalo rin. Kadalasan yong mga nanalo kahapon ay mga llamado sa tayaan, kabaligtaran na naman sa mga resulta noong nakaraang araw.

Mavs -7.5 @1.80 vs Pistons

Isa lang pala yong laro ngayon kaya wala masyadong mapagpipilian.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 30, 2022, 10:18:22 AM

Trip ko lang mag-parlay against sa mga Favorites. Walang halong analysis but pure gambling lang lol.

Detroit Pistons @ 2.65
Dallas Mavericks @ 2.05
Los Angeles Clippers @ 2.36

Total odds: 12.82

Katuwaan lang at nakakainis kasi iyong mga parlay ko nung nakaraan na maganda ang analysis pero nganga haha. Ang reason pa ng pagkatalo is iyong Favorite sa pre-game. Tinatamad ako mag single bet ngayon e. More on handicap sa live betting ang trip ko ngayon tapos parlay naman sa pre-betting.

https://bitcointalksearch.org/topic/m.61368273

Kung nakisama lang yung Piston sarap sana nyang panalo mo, kaya lang 30 points tinambak ng Knicks walang nagawa yung Piston, sayang yung dalawang underdog akalain mo yun talagang pumalag si Luka para malusutan yung defending champ, kung ganito ng ganito ang magiging timpla ng Mavs medyo malayo pa talaga maabot ng team na to.

Dun naman sa Clippers, lupit ng pagkabuhat ni Powell talagang palong palo wala ung tinuturing na big 3 ng Clippers pero hindi naging problema para makalusot sila sa Blazers.

Muntik na yon ah, laki sana ng panalo kung nagkataon na nanalo yong Pistons.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko sa parlay, ang hirap ipanalo lalo na kung ang ipa-parlay natin ay yong mga underdogs, malaki nga ang returns pero slim naman ang probability kaya stick muna ako sa isa-isang laro bawat araw pero mataas naman ang chance ng profit.

Para bukas, Cavs -3.5 @1.90 vs Sixers. Kulang sa tao ang Sixers sa ngayon kaya magandang bet to para sa akin.

Pwede naman din kabayan pero naka depende lang talaga sa atin kung ano sa tingin natin ang mas pabor sa atin, syempre, at kung ano ang trip natin. Lalo na ngayon at mas madamin tayong palya haha, medyo nakakahingal din tong season na 'to. Hirap talaga hulaan.

Jump to: