Hindi po masyadong detalyado yung binigay mong impormasyon. Saan ka po ba na-scam sa online o mismong sa personal transaction? Kung na-scam ka online, may mga outlet na pwede kang pagsumbungan pero dapat may sapat na ebidensya ka po na maiprepresenta. Kapag dito sa local o tiga-dito sa Pinas, halimbawa, ang nang-scam sa'yo online ay pwede kang dumulog po sa Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at mag-file ka po ng complaint sa kanila. Pagka-hindi tiga-dito sa atin, o sabihin natin tiga-ibang bansa yung nang-scam sa'yo, punta ka lang sa econsumer.gov at fill in mo lang yung kailangan nila sa form. Para magawa nilang pag-aralan kung valid nga yung report mo o hindi, o kung valid na kasuhan yung gumawa sa'yo noon o hindi.
Kung in case naman na kakilala mo ng personal yung nang-scam sa'yo at magkalapit lang kayo ng tinitirahan, pwede niyo na po yan i-settle sa Barangay at ipasauli niyo nalang yung pera na kinuha sa inyo. Medyo mas malaki po kasi ang gagastusin niyo kung dudulog pa kayo sa korte o sabihin natin ay maghahain pa kayo ng kaso. Sa pagkuha palang po kasi ng abogado, kulang pang pambayad yang 3,100 pesos mo po. At kung ilang hearing pa yung gagawin o dadaluhan niyo, tiyak baka mas mamobrelama pa po kayo sa dami ng kailangan niyong bayaran.