Ok lang naman ang referral kasi nagagamit yan sa mga legit na business pati sa online shopping. Ang kaso nga lang, maging sa scam networking at iba pang uri ng scam, dito nagiging pangit ang imahe ng referral system. Ang akala kasi ng mga tao, yan lang ang basehan para kumita ng pera sa online at doon na natatak ang pag iisip na mali sa karamihan ng mga kababayan natin. Ang mga scammers naman, tinake advantage ang pagka-greedy ng karamihan sa mga kababayan natin. Kaya pati yung mga legit na start up projects na gawa ng mga kababayan natin, damay damay na lahat dahil sa mga hindi magagandang experience nila.
Ang problema kasi halos di matukoy ang legit project at scam project dahil nga pinapasakan nila ng sobrang affiliate system para lang makapangenganyo ng mga taon maghahanap ng mga investors. Magaling din kasi manggaya ang mga scam projects at magpanggap na legit. Meron pang ipapaharap na tao kungyari siya founder pero wag ka pangfront lang pla iyong tao at iba talaga ang may-ari ng scam na kumpanya na ito.
Nang pumutok kasi ang crypto ang daming mga binarian at ponzi schemer ang nagsipagtalunan sa crypto. Kahit nga mismong Bitcoin ginagawa nlang pagkakitaan sa pamamagitan ng pagtayo ng kumpanya then iaaply nila ang binary system o di kay ay ang pyramiding scheme. Sa daming naloko ng mga scammers syempre madadala na rin talaga ang mga investos. Lalagyan na ng label ika nga. Kaya ayan daming skeptical kapag may bagont itatayong project under Pinoy developer. Iniisip na agad pagkakaperahan lang.
Kaya hindi natin masisisi mga kababayan natin kung ang comment nila agad agad ay 'basta pinoy, alam na'. Sobrang pangit ng ganong mindset pero yun ang masakit na katotohanan kasi nga madami ng nabiktima ang mga kapwa nating pinoy na mga scammer. Kahit naman sa totoong pera o peso, sobrang dami paring existing mga scam na dinadaan sa forex, stocks, pati livestock at iba pang legit na negosyo. Sinasabing may mga ganong negosyo ang founder at dinadaanan lang sa token ang funding para sa expansion. Sa sobrang gullible naman ng iba nating kababayan na hindi pa aware sa ganyang scam, sila yung kawawa na laging target ng mga scammers na yan.
Hindi naman talaga lahat scam pero mahirap makahanap sa panahon ngayon ng legit. Lalo na kapag usapang pinoy, sa totoo lang maraming scammer ang nagkalat sa mga social media na kung hindi ka marunong magsiyasat at alamin kung legit ay ma eengganyo ka talaga.
Danas ko ito noon nung panahong maraming crypto projects ang naglalabasan at kapwa pinoy pa ang mga nagpo promote nito. Hindi mo aakalain na scam pala dahil mukhang legit naman lalo na at hindi naman dummy ang mga account na gamit. Kaya lang sa huli talaga ang pagsisisi kapag bigla silang naglaho tangay ang pera mo dahil yung project pala ay nag exist lang para linlangin ang mga investors. Kaya importante talaga na wag basta magtiwala at laging mag research para hindi ka mabiktima.
Kaya maging mapanuri kapag may mga nago-offer sayong mag moon daw ang token ng project na yun. Ako, sawa na ako sa ganyan kahit matagal akong nawala, masasabi ko pa rin na kahit papano na may chance na maging scam ang isang project na pinopromote, mapa kilala mang personality o hindi.