Parang kagabi habang nagtatrabaho ako, nasa $76k pa lang ang BTC. Lo and behold, it has breached $84k earlier this day, and has now settled to $80k! Medyo masaya na ang pasko ko dahil dito - medyo lang kasi late na nakabili
Either way, mukhang malaki pa ang potensyal para pumalo ng $100k ang presyo until next month.
grabe! current price ng BTC according to sa coingecko ay nasa $80,748, sobrang tuwa ng mga holder ngayon(hehe), sana mag tuloy tuloy pa to. isang regret ko lang sa current bull run na to ay yung hindi ko pag exchange ng ETH ko to BTC, pero over all masaya pa din sa current na nangyayari. sana kayo rin maganda experience nyo this bull run.
Grabe talaga yung hype nun pagkapanalo ni Trump ewan ko lang kung yun nga talaga pero laki ng impact new ATH nanaman at yung mga holders na talaga nagtyaga at hindi nagpatinag panigurado ansasaya nun mga yun, talagang tyaga at tiwala lang para hindi ka magkamali ng tatahakin hahaha, pero syempre alam naman natin na sa mga ganitong galawan dapat pa rin maging handa sa mga susunod na mangyayari either magtuloy tuloy or magpahinga ng konti at yung mga kuntento na sa kinita nila eh mag release na at mag create ng konting pagbagsak ng presyo.
Siguro parte rin iyon, dahil nagkaroon ng ilang remarks si Trump regarding bitcoin and crypto in general. Positive overall yung naging remarks niya sa crypto, and I think that helped instill confidence sa mga tao na crypto and bitcoin will no longer be heavily scrutinized under Trump's term.
Though siyempre, hindi lang naman crypto at bitcoin ang dapat pagtuunan natin ng pansin sa pagkapanalo ni Trump. Isa na rin dito yung policies niya when it comes to geopolitics, economy, and other such things na makakatulong either directly or indirectly satin dito sa Pinas.
To the moon!