Pages:
Author

Topic: NEW MEMORANDUM OF BIR CIRCULAR NO. 60-2020 (Read 531 times)

full member
Activity: 1624
Merit: 163
June 18, 2020, 01:09:54 AM
#40
According sa kaibigang freelancer na kilala ko, hindi mandatory ang pag-papasa ng mga ganyan especially sa mga small time earners at below 250k ang kita a year. Well, technically kasama tayo dyan pero hindi necessarily na kailangan tayong mag comply agad-agad dyan lalo na sa mga maliit lang ang kita. Mahirap din ma trace ang kita natin at sobrang hassle naman para sa mga small time earners. Bawal naman nilang I-request ng bank account mo due to bank secrecy law. I don't know much pero marami daw na mga freelancers ang hindi nag-cocomply dyan.

Hindi naman ako masyadong against kasi para din naman sa bansa natin yan.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
There are always two sides to this topic, especially those na kinokontra ang Government with a reason na yung POGO is hindi pa ganun ka ayos ang taxation. For me, kung gusto mo mag business ng legal, mapa online man yan o physical store, magandang mag bayad na din ng tax kasi in the end, hindi naman all about corruption ang ginagawa ng Government. We need budget and funds para magpatuloy ang ekonomiya natin at kahit walang pandemic, dapat maging responsable tayo as citizen and taxpayer.

Yep, don't think bout POGOs, mag start tayo sa sarili natin.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
kunting kibot kasi ngayon tax na parang sobrang pinahirapan ung mga tao.

Kung maliit na businesses  Lang naman dpat hindi na nilalagyan ng tax,hindi nman kasi lahat kumikita ng Malaki, ultimo tubig at kuryente natin ang laki ng tax tapos ung napakaliit na negosyo mo at maliit1 na kita mababawasan pa ng tax.
Ok Lang naman sana if nararamdaman ng lahat ung tax na binabayad nila kaso hindi naman.

I don't get why na parang bagong bago ang tax satin dito sa Pilipinas eh every since naman nagka gobyerno tayo nagbabayad tayo ng tax. Also sa Pilipinas we do have an Income Tax Bracket na yung mga taong kumikita below 250,000₱ ay tax exempted  nag improve nga ito dahil dati 200,000₱ lang ang tax exempted but now madami ng covered dito especially sa mga fresh grad na sumasahod below 250,000₱. The tax rate will gradually increase depending on your annual earnings kaya sa tingin ko kung tax burden lang naman ang pag-uusapan mas malaki ang binabayad ng mga business owners. The same thing can be said sa mga online sellers there is nothing new about this requirement kasi dati pa naman kailangan nilang maging registered business bago mag-operate also kaya nila kailangan mag-register para na din ma-monitor kung yung obligasyon nila magbayad ng tax ay tama at ginagawa kasi medyo magiging unfair naman sa iba nating kababayan kung sila nakakalusot sa tax pero yung normal na empleyado o manggagawa ay automatic ng nakakaltasan ng tax.

Ito yung latest about sa recent problems about BIR and Online sellers which I think will hopefully clear some things.

BIR to tax only major online sellers

Napag-usapan na din yan dito sa thread na ito ng pahapyaw. Wa;a silang planong taasan yung current income tax rate para sa mga online sellers pero may plano sila bigyan ng tax burden ang mga digital businesses like Shopee, Lazada, Netflix, Facebook, Twitter which yung last three ay kumikita sa Pilipinas pero di nakakapagbayad ng tax dahil ad revenue lang naman ang kinikita nila dito at hindi sila registered business sa Pilipinas. Ang gusto lamang ng BIR is yung mga online sellers natin eh maging registered business at hindi para sila mapasara.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
I doubt kung kayang i monitor ng BIR ang lahat ng online sellers, majority of the online sellers are just small time sellers, so I guess it's not necessary for them to comply with the BIR which is registering themselves to get an OR to issue for the customers.
This is one of the comment I found on one of the article in regards to online selling:

Quote
Guballa admitted that the BIR found it difficult to collect taxes from the said industry despite the existing tax regulations for online business transactions.

https://www.google.com/amp/s/www.manilatimes.net/2019/10/04/business/business-top/bir-to-close-tax-leakage-from-online-sellers/626392/amp/

It will really be hard for them lalo na kung hindi rin naman mag comply itong mga online sellers na ito. The other memo was issued dated 2013 but until now the issue isn't yet solved I don't know if ever mayroon na silang system na kayang mag track ng mga online transactions but I still doubt the possibility of it as well.

I knew it, as I mentioned in my post, a seller can use their alias, so BIR wouldn't really know the identity of the person selling.
As I have experience being an online buyer, I don't buy in one supplier only, and I just do a small purchase, I'm talking online selling in facebook.

maybe what they can trace are sellers in popular online platforms like Lazada and Shoppee as these platforms can implement a KYC to monitor the transaction of the sellers and when these information are forward to the government, they would know which sellers have big volume of transactions that they can enforce tax collection if it's not complying with the law. 
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Tama ka naman, a law is a law and dapat sumunod lahat ng businesses rito, no matter what the platform and what media you use for your business. But then the bottom line is why wouldn't they focus on implementing a strong rule with regards to bigger companies and businesses, in which in fact they CAN postponed their payment in taxes.
Are you sure na hindi sila nakafocus sa mga big companies?  As far as I know, napupunta  nga sa korte ang paniningil nila sa mga malalaking company na hindi nagbabayad ng taxes.  Iyon nga lang mabagal ang Judiciary system natin.

Yes. And I'm particularly pertaining to the POGOs. I've did a little research recently kaya ko nasabi na bakit hindi bigger companies and businesses ang unahin and ifocus. Here's what I've found in an article:

Quote from: Christia Marie Ramos of Inquirer.net
At present, there are 60 Pogos licensed by the Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Of this number, 50 are online casino operators based abroad while 10 are Philippine-based.
“One hundred percent of the offshore-based licensees are not paying franchise tax. All of them,” Dy told the Senate panel.

Read the full article here: Majority of licensed Pogos failed to pay P50B in taxes in 2019 — BIR official

The fact na they brought up this issue sa Senate panel ay nagpapahiwatig na tinututukan nila itong issue na ito.   Hindi nga lang sila makagawa ng action dahil kailangan pa nila ng mga kinakailangang dokumento like an order from the Judiciary system na magbibigay sa kanila ng go signal kung ano man ang nararapat na aksyon para sa mga POGO's na hindi nagbabayad ng buwis.

After reading the article, masasabi mong sobrang unjust and unfair ng bagong memorandum. Those businesses haven't still paid their full taxes for numerous months from now. Yes, napupunta sa korte and sa hearing, but the investigation was too slow yet the implementation to tax small businesses can happen in less than a month? Alam ko namang hindi pa naman ganoon naiimplement agad ang memorandum, ngunit binigyan na agad ng deadline ang mga businesses.

Hindi ko alam kung alin ang hindi malinaw, those POGO's ay may responsabilidad na magbayad ng tax, same way sa mga maliliit na negosyo like online selling.  In what part na hindi injust ang kautusan?  Nagkataon nga lang na hindi nagbayad ng tax ang mga POGO's sinsabi mo and I bet they(BIR) already filed a complaint sa korte at possible na pinaprocess na ang mga ito kahit na sobrang bagal.  Isa pa, ang pagtatax sa mga POGO's is already implemented samantalang yung memorandum ay iimplement pa lang tulad ng nasabi mo. Kaya hindi ko nakikita ang pagiging biased or unjust ng BIR sa parteng ito.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
I doubt kung kayang i monitor ng BIR ang lahat ng online sellers, majority of the online sellers are just small time sellers, so I guess it's not necessary for them to comply with the BIR which is registering themselves to get an OR to issue for the customers.
This is one of the comment I found on one of the article in regards to online selling:

Quote
Guballa admitted that the BIR found it difficult to collect taxes from the said industry despite the existing tax regulations for online business transactions.

https://www.google.com/amp/s/www.manilatimes.net/2019/10/04/business/business-top/bir-to-close-tax-leakage-from-online-sellers/626392/amp/

It will really be hard for them lalo na kung hindi rin naman mag comply itong mga online sellers na ito. The other memo was issued dated 2013 but until now the issue isn't yet solved I don't know if ever mayroon na silang system na kayang mag track ng mga online transactions but I still doubt the possibility of it as well.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
I doubt kung kayang i monitor ng BIR ang lahat ng online sellers, majority of the online sellers are just small time sellers, so I guess it's not necessary for them to comply with the BIR which is registering themselves to get an OR to issue for the customers.

This is just a memorandum but the implementation would not be soft since online sellers can even use a fake name, they just build their reputation then they will have a lot of customers especially if all transactions are COP or COD.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Regarding about this new memorandum, it says that
all of the people who are conducting any business or earning online is responsible to follow the requirements in the given link below.

https://www.bir.gov.ph/images/bir_files/internal_communications_2/RMCs/2020%20RMCs/RMC%20No.%2060-2020.pdf

Anong masasabi nyo dito mga kabayan?

Lahat ng pinagkakakitaan natin dapat naman talagang merong kunin ang Gobyerno kasi obligasyon natin bilang tao at mamamayan ng isang bansa ang magbigay ng parte ng kita natin para sa pondo ng bansa dahil tayo din naman nakikinabang nito.

Ang hirap kasi sa maraming Pinoy gusto lang kumita pero ayaw naman magbayad ng taxes,naka specified naman kung maliit ang kita mo eh maliit lang din ang babayaran mo.

Pabor ako dito at mag aasikaso na din kami ni misis para maka pag comply dito dahiol sa maliit naming online business.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Okay naman iparegister ang mga online selling business lalo na kung malaki na ang business ng tao at kung nakakapag open na sya for reselling. Pero kung ikaw ay isang maliit na negosyante lamang at nagsisimula pa lang, hindi ka man mag bayad ng tax, dagdag gastos ang pagpaparehistro.

Karamihan kasi ngayon ay napipilitan or gumagawa talaga ng paaraan para kahit papano ay may pagkakitaan habang hindi pa stable ang trabaho ng karamihan. Kaya marami ang nagsisimula na magtinda online which is good nga kasi maparaan sila. Understood naman na ang pagbabayad ng buwis sa mga online seller ay hindi naman applicable sa lahat lalo na kung maliit lang ang kita, pero mukhang hindi naman lahat ay magpaparehistro din. Kasi imbis na ipangdagdag nalang sa capital, ipambabayad mo pa sa pagpaparehistro. Pano kung hindi ka naman mag fu-full time sa only selling at ginawa mo lang ito pansamantala dahil walang pagkakakitaan?
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
I get your point loud and clear. But then the issue is too broad and unjust. Unjust in a way na finofocus nilang hingan ng tax ang small businesses while the big ones still have millions of unpaid taxes. Yes, im pertaining to the POGOs run by the Chineses na siyang hindi padin bayad sa BIR. No wonder kung bakit maraming nagrereklamo sa gustong iimplement na memorandum ngayon ng BIR.

Tama ka naman, a law is a law and dapat sumunod lahat ng businesses rito, no matter what the platform and what media you use for your business. But then the bottom line is why wouldn't they focus on implementing a strong rule with regards to bigger companies and businesses, in which in fact they CAN postponed their payment in taxes.

~
After reading the article, masasabi mong sobrang unjust and unfair ng bagong memorandum. Those businesses haven't still paid their full taxes for numerous months from now. Yes, napupunta sa korte and sa hearing, but the investigation was too slow yet the implementation to tax small businesses can happen in less than a month? Alam ko namang hindi pa naman ganoon naiimplement agad ang memorandum, ngunit binigyan na agad ng deadline ang mga businesses.
Would the timely collection of full taxes from these POGOs and speedy resolution of tax cases make the BIR memorandum requiring online sellers to register fair and just?

The way I see it, this memorandum will remain unjust and unfair to online sellers who doesn't want to register and possibly pay taxes for whatever reason.

Kung ang argument natin against sa memorandum eh "bakit hindi unahin si ganito" at mga emotional appeal, tingin ko walang patutunguhan mga yan. Finding fault over the implementation of tax laws in one industry doesn't excuse others from following the same law either. Maraming opinions makikita online pero wala ako nabasa na actually challenging the basis of the memorandum which is Section 236 of the Tax Code;

Quoting Section A only:
Quote
(A) Requirements. - Every person subject to any internal revenue tax shall register once with the appropriate Revenue District Officer:

(1) Within ten (10) days from date of employment, or

(2) On or before the commencement of business,or

(3) Before payment of any tax due, or

(4) Upon filing of a return, statement or declaration as required in this Code.

The registration shall contain the taxpayer's name, style, place of residence, business and such other information as may be required by the Commissioner in the form prescribed therefor.

A person maintaining a head office, branch or facility shall register with the Revenue District Officer having jurisdiction over the head office, brand or facility. For purposes of this Section, the term 'facility' may include but not be limited to sales outlets, places of production, warehouses or storage places.
(Note that "subject to any internal revenue tax" doesn't mean na automatic magbabayad dahil pwedeng exempt depende sa taxable income niya.)

Kung pagbabasehan natin yung no. 2 at ikukumpara natin sa memorandum, lumalabas na lenient ang BIR dito. On or before magsimula dapat magpa-register pero nagbigay sila ng palugit hanggang July 31, 2020 to comply (w/o penalty) kahit aware naman sila na marami sa mga online sellers ang matagal ng nakapagsimula.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Our government are too greedy to collect taxes, pero nothing to worry about naman if you are just a small time online reseller since may level naman kung ano lang talaga ang taxable. Yun nga lang, you need to spend on the registration fees and other things but after that you can now operate legally.

Having a registered business is a good way to make transactions online, you can gain the trust of the buyers and of course if buyer kaw and if registered business yung katransaction mo, you also have the confidence na legit talaga yung kausap mo. Masyado lang talaga malala ang politics dito sa bansa naten, kaya siguro maraming ren ang nagpapanic.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Tama ka naman, a law is a law and dapat sumunod lahat ng businesses rito, no matter what the platform and what media you use for your business. But then the bottom line is why wouldn't they focus on implementing a strong rule with regards to bigger companies and businesses, in which in fact they CAN postponed their payment in taxes.
Are you sure na hindi sila nakafocus sa mga big companies?  As far as I know, napupunta  nga sa korte ang paniningil nila sa mga malalaking company na hindi nagbabayad ng taxes.  Iyon nga lang mabagal ang Judiciary system natin.

Yes. And I'm particularly pertaining to the POGOs. I've did a little research recently kaya ko nasabi na bakit hindi bigger companies and businesses ang unahin and ifocus. Here's what I've found in an article:

Quote from: Christia Marie Ramos of Inquirer.net
At present, there are 60 Pogos licensed by the Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Of this number, 50 are online casino operators based abroad while 10 are Philippine-based.
“One hundred percent of the offshore-based licensees are not paying franchise tax. All of them,” Dy told the Senate panel.

Read the full article here: Majority of licensed Pogos failed to pay P50B in taxes in 2019 — BIR official

After reading the article, masasabi mong sobrang unjust and unfair ng bagong memorandum. Those businesses haven't still paid their full taxes for numerous months from now. Yes, napupunta sa korte and sa hearing, but the investigation was too slow yet the implementation to tax small businesses can happen in less than a month? Alam ko namang hindi pa naman ganoon naiimplement agad ang memorandum, ngunit binigyan na agad ng deadline ang mga businesses.

Yes, it's their choice. But do they really have choices? None. Dalawa lang 'yon, it's either they comply for the requirements that are too costly (in which in fact nagsimula lang naman magboost ang online businesses [like everyone's choice to survive is to sell online] nang magstart lang ang quarantine), or they stop their small scale businesses and mag work physically risking their lives amidst the fact na hindi pa fully eradicated ang pandemic.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562

I get your point loud and clear. But then the issue is too broad and unjust. Unjust in a way na finofocus nilang hingan ng tax ang small businesses while the big ones still have millions of unpaid taxes. Yes, im pertaining to the POGOs run by the Chineses na siyang hindi padin bayad sa BIR. No wonder kung bakit maraming nagrereklamo sa gustong iimplement na memorandum ngayon ng BIR.

Who knows, baka may mga pending legal cases ang mga POGO's na ito.  Hihintayin pa ba natin na magkaroon tayo ng kaso bago tyo tumalima?  Pwede naman hindi magbayad ng tax ang mga online sellers, nasa kanila naman ang choice at walang pumipilit sa kanila.  Iyon nga lang, wag din nila sisihin ang gobyerno kapag hinainan na sila ng kasong tax evation.

Tama ka naman, a law is a law and dapat sumunod lahat ng businesses rito, no matter what the platform and what media you use for your business. But then the bottom line is why wouldn't they focus on implementing a strong rule with regards to bigger companies and businesses, in which in fact they CAN postponed their payment in taxes.

Are you sure na hindi sila nakafocus sa mga big companies?  As far as I know, napupunta  nga sa korte ang paniningil nila sa mga malalaking company na hindi nagbabayad ng taxes.  Iyon nga lang mabagal ang Judiciary system natin.

Hindi naman agad agad yan, baka naman nadale na naman ang karamihan ng sensatinalism ng mga maiingay sa social media, lahat naman tayo kapag magtatayo ng business kailangan ng permit di ba, by level pa nga, imulat din natin ang ating mga mata hindi lang naman ito para kuhanan tayo ng tax kundi upang maprotektahan din ang mga mamimili at maging ang mga online businesses na rin, nagkalat kaya mga scammer, sa pamamagitan nito mababawasan ang mga bogus seller sa online, yung akin ngang dti nagexpired na lang di naman ako nagbayad ni singkong buwis. Wag naman sana palalain. PEACE sa lahat.

Ang hirap sa karamihan  sa mga Filipino, konting kibot Social Media agad.  Alam naman natin ang mga responsabilidad natin bilang mamamayan ng Pilipinas at iyan ay magbayad ng tax ayon sa iniuutos ng saligang batas.

Tama ka dyan paps, obligasyon ng isang citizen ng estado na magbayad ng buwis lalo kung nakikinabang siya sa mga mamamayan nito sa paraang pagnenegosyo, ano yan gusto lang ba ng ilang maiingay eh puro pakabig na lang? Alam naman natin pinagdaanan ng gobyerno pinamigay nila ang bilyong pondo sa mga tao dahil sa covid19 na ito, wala ng pondo kaya upang ipagpatuloy ang mga naka-binbin na proyekto kaylangang magkaroon ng bagong pagbubuwis, tayo rin naman ang makikinabang sa mga proyektong ito. Tapon na kasi yung katangahang ipinunla nitong mga anti government na to.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS

I get your point loud and clear. But then the issue is too broad and unjust. Unjust in a way na finofocus nilang hingan ng tax ang small businesses while the big ones still have millions of unpaid taxes. Yes, im pertaining to the POGOs run by the Chineses na siyang hindi padin bayad sa BIR. No wonder kung bakit maraming nagrereklamo sa gustong iimplement na memorandum ngayon ng BIR.

Who knows, baka may mga pending legal cases ang mga POGO's na ito.  Hihintayin pa ba natin na magkaroon tayo ng kaso bago tyo tumalima?  Pwede naman hindi magbayad ng tax ang mga online sellers, nasa kanila naman ang choice at walang pumipilit sa kanila.  Iyon nga lang, wag din nila sisihin ang gobyerno kapag hinainan na sila ng kasong tax evation.

Tama ka naman, a law is a law and dapat sumunod lahat ng businesses rito, no matter what the platform and what media you use for your business. But then the bottom line is why wouldn't they focus on implementing a strong rule with regards to bigger companies and businesses, in which in fact they CAN postponed their payment in taxes.

Are you sure na hindi sila nakafocus sa mga big companies?  As far as I know, napupunta  nga sa korte ang paniningil nila sa mga malalaking company na hindi nagbabayad ng taxes.  Iyon nga lang mabagal ang Judiciary system natin.

Hindi naman agad agad yan, baka naman nadale na naman ang karamihan ng sensatinalism ng mga maiingay sa social media, lahat naman tayo kapag magtatayo ng business kailangan ng permit di ba, by level pa nga, imulat din natin ang ating mga mata hindi lang naman ito para kuhanan tayo ng tax kundi upang maprotektahan din ang mga mamimili at maging ang mga online businesses na rin, nagkalat kaya mga scammer, sa pamamagitan nito mababawasan ang mga bogus seller sa online, yung akin ngang dti nagexpired na lang di naman ako nagbayad ni singkong buwis. Wag naman sana palalain. PEACE sa lahat.

Ang hirap sa karamihan  sa mga Filipino, konting kibot Social Media agad.  Alam naman natin ang mga responsabilidad natin bilang mamamayan ng Pilipinas at iyan ay magbayad ng tax ayon sa iniuutos ng saligang batas.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Hindi naman agad agad yan, baka naman nadale na naman ang karamihan ng sensatinalism ng mga maiingay sa social media, lahat naman tayo kapag magtatayo ng business kailangan ng permit di ba, by level pa nga, imulat din natin ang ating mga mata hindi lang naman ito para kuhanan tayo ng tax kundi upang maprotektahan din ang mga mamimili at maging ang mga online businesses na rin, nagkalat kaya mga scammer, sa pamamagitan nito mababawasan ang mga bogus seller sa online, yung akin ngang dti nagexpired na lang di naman ako nagbayad ni singkong buwis. Wag naman sana palalain. PEACE sa lahat.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
I hope I'm not offending anyone pero the law is clear even without this memorandum pag walang business permit para sa negosyo mp then you can't run your business operations legally period. It's not about being unfair during times like this pero during ECQ protocols naman it doesn't exempt them for followig legal procedures of properly running an online business. Alam mo ang “online selling” matagal mg issue yan if natatandaan niyo ilang beses ng nagkaproblema sa batas ang Kimstore dahil yung business nila dati online lang at madaming taxes ang hindi nababayaran kasi hindi natrattack ng maayos yung kita nila. Isipin mo hundreds of thousands ng Filipino similar sa sitwasyon ng Kimstore sino ang kawawa? Diba tayo din? If the government sees a big drop in tax income sure ako maghahamap na sila mg panibagong klaseng tax para lumaki yung tax income nila dahil madaming tax obligation amg hindi nababayaran ng tama.

I get your point loud and clear. But then the issue is too broad and unjust. Unjust in a way na finofocus nilang hingan ng tax ang small businesses while the big ones still have millions of unpaid taxes. Yes, im pertaining to the POGOs run by the Chineses na siyang hindi padin bayad sa BIR. No wonder kung bakit maraming nagrereklamo sa gustong iimplement na memorandum ngayon ng BIR.

Tama ka naman, a law is a law and dapat sumunod lahat ng businesses rito, no matter what the platform and what media you use for your business. But then the bottom line is why wouldn't they focus on implementing a strong rule with regards to bigger companies and businesses, in which in fact they CAN postponed their payment in taxes.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Ang saklap naman talaga nito pati online sellers na kukunti lang kinikita papatawan pa ng buwis. Hindi ako kontra sa buwis pero dapat sana sa ibang sector nila mas tutukan sa pagkuha ng buwis, hindi sa kakarampot na kita sa mga online sellers at dagdag gastos din yan. Sa pagpasa ng batas na ito hindi din makatarungan kasi nasa pandemic pa tayo at hindi pa nakabawi. Hindi natin mararamdaman kung bigla nalang pati sa crypto pag iinitan narin ng BIR.

Malaki ang kinikita ng online seller lalo na at naestablish na nila ang mga customer nila.  

1.  Walang binabayarang pwesto ang mga online seller.
2.  Ang mga delivery fees ay sagot naman ng bumibili.
3.  Mas madali nilang naiaalok ang kanilang kalakal thru the help of social media.

Kaya tama lang na lagyan ng tax ang mga online seller o mga kumikita sa online kapag lumampas sa exemption ng tax ang kinikita nila.
hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
Bilang isang online seller din, hindi ako payag na magkaroon o magbayad ng buwis yung mga nagoonline selling. Ito ay sa kadahilanang
maliit lang naman ang kinikita nila sa pagbebenta tapos magbabayad pa sila ng buwis. Paano na lang ang mga nagbebenta na sobrang liit ng tubo? Paano nila babayaran yung buwis na kanilang kelangang bayaran? Dapat hindi sila yung sinisingil ng ating gobyerno, kundi ang mga POGO na sa tingin natin ay nakakalusot sa pagbabayad. Sila naman ang maraming utang sa ating gobyerno hindi tayong mga simpleng mamamayan lang na naghahanap buhay para masustentuhan ang ating pangangailangan lalo ngayong may epidemyang kumakalat.

Ayon sa research na ginawa ko at sa aking sariling opinyon, ang main purpose ng bagong memorandum na yan from BIR ay para hikayatin ang mga taong nagbebenta online na mag-register sa BIR. Yun yung pinaka-point nila. Gusto lang nilang ma-regulate ang mga bagay-bagay sa online selling business kasi alam naman natin ngayon na boom na boom ito. Sellers being registered to BIR would protect their customers and also the sellers themselves in the long run especially kung magkaron ng problema yung platform/products na binebenta/binibili nila. Huwag kagad sanang isipin ng mga tao na yung memorandum na yan eh para pahirapan pa lalo ang mga tao.

The announcement can be very untimely due to with what's happening right now but I think it is much needed, again, to regulate the online platforms. One article that I find helpful is this one. It's a 5-minute read but very informative.

Code: (ARTICLE)
https://news.mb.com.ph/2020/06/13/dominguez-allays-online-sellers-fears-on-bir-registration/
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Bilang isang online seller din, hindi ako payag na magkaroon o magbayad ng buwis yung mga nagoonline selling. Ito ay sa kadahilanang
maliit lang naman ang kinikita nila sa pagbebenta tapos magbabayad pa sila ng buwis. Paano na lang ang mga nagbebenta na sobrang liit ng tubo? Paano nila babayaran yung buwis na kanilang kelangang bayaran? Dapat hindi sila yung sinisingil ng ating gobyerno, kundi ang mga POGO na sa tingin natin ay nakakalusot sa pagbabayad. Sila naman ang maraming utang sa ating gobyerno hindi tayong mga simpleng mamamayan lang na naghahanap buhay para masustentuhan ang ating pangangailangan lalo ngayong may epidemyang kumakalat.

Sa pagkakaintindi ko kabayan, ginawa ito ng ating gobyerno para ma-regulate ang umuusbong na online selling business scheme at kung papataw man sila ng buwis ay doon lamang sa nararapat na patawan. Kung ang income mo ay below Php250,000 annually ay exempted ka sa tax kagaya na yan kapag ikaw ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Kung maliit lang kinikita mo, huwag kang mag-alala pero darating din ang panahon na lalago yan at yan na ang panahon na ibigay mo naman ang dapat kay Pedro.

Patungkol doon sa POGO, masyadong political yan at puro lang akusa at wala namang ebidensya na ipinapakita ang mga accuser.
newbie
Activity: 6
Merit: 0

Jump to: