Pages:
Author

Topic: "New Newbie restriction" ano masasabi nyo? - page 2. (Read 978 times)

newbie
Activity: 63
Merit: 0
September 21, 2018, 08:09:25 AM
#88
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalksearch.org/topic/enhanced-newbie-restrictions-requirements-5030366 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  Huh? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
Ganun talaga ang buhay dami kasi nang sspam sa forum kaya ganun kaya ayan junior demoted sa newbie 😅, pero hindinpa din ako nawawalan ng pag asa na dadating din ang panahon na magbabago din patakaran saka knowledge naman ang habol ko dito sa forum mga tips pano sila magimg successful dito sa larangang ito nakakainspire kasi.
full member
Activity: 532
Merit: 106
September 21, 2018, 03:29:20 AM
#87
Siguradong mahihirapan na ang mga bagohan dito sa forum at ang mga rapist. Dahil mas mahirap na ang patakaran sa forum. Kaya dapat na nilang pagbutihan ang kanilang mga ginagawa at mag ambag ng mga constructive post dito sa forum dahil yun lang ang tanging paraan upang magkaroon sila ng rank sa pamamagitan ng merit.
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
September 20, 2018, 11:53:43 AM
#86
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalksearch.org/topic/enhanced-newbie-restrictions-requirements-5030366 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  Huh? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.

Sang ayon ako dito. Madaming mga account ang iisa lang ang may-ari upang bombahin ang mga campaign at wala talagang enthusiasm sa industriya. Ang tanging alam lamang ay kumita kaya nadadamay ang ibang mga forum users. Lumiliit ang bounty prize at sila rin ang nagda-dump ng coins once na maibahagi na ang mga premyo pagkatapos ng isang campaign.
mk4
legendary
Activity: 2786
Merit: 3845
Paldo.io 🤖
September 20, 2018, 11:37:59 AM
#85
Alam ko isa to sa mga challenges sa mga katulad ko ang point ko lang is sana naman maging considerate or generous din yung mga higher rank sa mga newbie since dadaan kami sa karayom bago mag rank up kung baga kailangan mo pa mag pa impress para mabigyan ka ng merit sa post mo kahit na super good quality post pag hindi feel ng isang tao yung post mo hindi ka talaga bibigyan.

Iwasan nating yung crab na ugali kasi kapag generous ka it will create a ripple effect, yung mga newbie na nag higher rank na gagawin din nila yan sa mga newbie

Maniwala kayo saamin kung sinabi kong gusto namin ibigay ang merits sa lower ranks; at sa totoo lang e mas gusto nga ng karamihan na sa lower ranks nalang ibigay kaysa sa high ranks. Ang problema lang talaga ay iilan lang ang may deserve. Palibhasa ang karamihan puros sa bounty threads lang ang posts/replies tapos magrereklamo na walang nagbibigay ng merit.
newbie
Activity: 208
Merit: 0
September 20, 2018, 09:55:55 AM
#84
Tingin ko lahat ng ginagawa ni theymos ay para sa ikagaganda ng ating community, sana maging agree ang lahat para dito, mababasawan talaga ang mga shitposter at mas mainam na rin yan para dun sa mga deserve ng merit. Sana lang maging patas ng paghusga nila

Kabayan, hindi ako sumasang-ayon sa iyo. Wala akong nakitang ginawang tama ni minsan man iyang c theymos... pasensya na po. My first account was banned by this individual. It was a Full Member rank by then. He accused me of copy paste. To think na it was my post that someone copied, based on date and time. Nag e-mail ako sa kanya ng ilang beses, para sana i-review niya yung post ko. But my pleas fell on DEAF EARs. That account was my bread and butter, intended sa school needs ng anak ko. So what i did, eto gumawa ako ulit ng new account. I am already a Jr. Member but because of this new rule of this ever so noble man, eto balik na naman ako sa newbie. I am not in any way a "shitposter". I do my postings constructively and intelligently. I do my homework diligently.
Tanong ko lang makukuha ko pa ba yung mga rewards tokens ko dun sa mga signature campaigns na nasalihan ko back when my account was Jr. Member then? Please mga kabayan, i need an enlightenment about this.
newbie
Activity: 64
Merit: 0
September 20, 2018, 06:46:58 AM
#83
para sakin na newbie pa lang mahirap kasi kelangan na ng merit para maging jr pero ok lang kasi may mga advantage naman tulad ng kelangan maging active sa forum hindi lang yung puro report post lang ng mga bounty campaign.
newbie
Activity: 43
Merit: 0
September 20, 2018, 05:06:20 AM
#82
Nakakalungkot. Lang dahil downgraded ako sa newbie pero ganun pa man ganun talaga ang batas ay batas kaya wala tayong magagawa kundi sumang ayun dito.
member
Activity: 308
Merit: 11
D E P O S I T O R Y N E T W O R K
September 20, 2018, 03:19:49 AM
#81
Para sakin okay lang yan dahil para fair lang naman itong bagong patakaran sa iba. At oo napapansin kong madaming newbie at jr.member ang nag kalat at nag sspam lng sila. Lalo na ang mga may multi accounts. Ginawa naman talaga ang forum na ito dahil gusto lang makita or matutunan ang crypto currencies kumbaga dapat is walang bounty dito...pero dahil kumikita din sila dito nilagyan nila at dahil na din sa nakilala ito na may pagkakakitaan madaming tao na din ang sumali at nag karoon nang havoc just like spamming at multi accounts.
jr. member
Activity: 321
Merit: 1
September 20, 2018, 02:40:36 AM
#80
Ok sakin yung paraan ni Theymos, suportado ko parin iyon kahit na damay ako sa pagbaba nang rank ko sa forum, dahil alam naman natin na kahit anong reklamo pa yung ibato natin sa forum, la rin naman tayo magagawa. Kailangan na lang talaga natin sumunod sa rules at kailangan nang doubleng sipag sa pag post. Ipikita na lang natin sa kanila na deserve rin tayo na mabigyan nang MERits sa pagpost ng mga positibong topic patungkol sa bitcoin. Tanggap ko nang buong-buo yung pinatupad na rules ni Theymos, kaya sipag lang at tiyaga ang kailangan.  Wink
newbie
Activity: 168
Merit: 0
September 20, 2018, 02:14:17 AM
#79
Pansin ko lng din dito sa BTT kailangan mo maging perfect at yung mga nagbibigay ng MERIT eh para lng sa may mga MERIT din madalang lang nagbibigay sa Newbie kahit na may sense at quality na yung post.

Ewan ko ba sadyang madamot or hindi lang nila feel magbigay ng merit sa mga katulad namin.

Dpat pa nga na mas mapagbigay yung higher rank sa lower rank parang yung mayayaman lang nakikihalubilo lng sa mayayaman at nagtutulungan pero yung mahihirap kahit anong gawa at sikap wala pa din nasa baba pa din yung ung tingin ko dito.

Hindi totoo yan. Even yung mga kilalang high ranked members dito sa forum nagbibigyan ng merits to lower level ranks, even brandnew ranked accounts nabibigyan.
Example:
https://bitcointalksearch.org/topic/m.45735366
https://bitcointalksearch.org/topic/m.45824220
Take note, si Pharmacist pa mismo nag merit sa mga yan.
Point is, Nasa quality lamang talaga ng post yan.
Hindi dapat negatibo and tingin natin sa bagong restriction na ibinigay ni theymos,
it should serve as a challenge to those who doesn't have a single merit awarded to them to create more great quality posts.


Alam ko madaming higher rank member na generous isa na dun si Pharmacist hindi ko naman nilalahat may isa pa si roslinpl nag bigay ng 42 merits sa isang bounty hunter
eto yung post.
One side, senior members are talking about the cleaning of spam poster from this side and another side senior member is giving 42 merits for one post for bounty hunter...
merit giver :roslinpl (https://bitcointalksearch.org/user/roslinpl-158505)
merit receiver: i7claufe (https://bitcointalksearch.org/user/i7claufe-1719874)  you can see his post, he is doing the only bounty...


Suportado ko po yung bago panukala ni theymos since ikakaganda din yan dito sa forum maalis na yung mga basura na post at abusado.

Alam ko isa to sa mga challenges sa mga katulad ko ang point ko lang is sana naman maging considerate or generous din yung mga higher rank sa mga newbie since dadaan kami sa karayom bago mag rank up kung baga kailangan mo pa mag pa impress para mabigyan ka ng merit sa post mo kahit na super good quality post pag hindi feel ng isang tao yung post mo hindi ka talaga bibigyan.

Iwasan nating yung crab na ugali kasi kapag generous ka it will create a ripple effect, yung mga newbie na nag higher rank na gagawin din nila yan sa mga newbie
newbie
Activity: 149
Merit: 0
September 20, 2018, 12:06:46 AM
#78
Sa nkikita ko na campaign now mas malaki na minsan allocation sa social media kyasa sa sigcamp sa dme na kc nagsisig now pero dahil sa new system mdme din mwawala na sig unless avail sila ng copper o merit..  Plan ko din magcopper nlng pag sinipag na ulit magsigcamp.
member
Activity: 742
Merit: 42
September 19, 2018, 07:15:37 PM
#77
Sa palagay ko maganda naman ang maidudulot nito. Isang paraan din para mabawasan yong mga account farming at spam. Pero nakakalungkot para sa iba natin mga kabayan na walang pang merit. Sana meron mga opisyalis dito natutulong sa atin mga kababayan. Sana po sa mga account farmer Jan lumaban naman kayo ng patas masyado na kayong abusado wag niyo naman sana kapalan mukha niyo.
jr. member
Activity: 83
Merit: 3
September 19, 2018, 11:48:33 AM
#76
Nung una nagulat ako sa bagong sistema dahil madami sa mga kakilala ko na jr. member ang mga natakot dahil sa bagong rules pero para sakin ayos lang ito dahil malaki naman ang maitutulong nito at napansin ko din ngayon na marami ang mga na demote ang gumagawa ng bagong topic para mag earn ng merit at maka balik sa dati nilang rank.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 289
Zawardo
September 19, 2018, 10:49:12 AM
#75
bumabaha kasi ang mga multi accounts para lang makasali sa signature campaign pag maraming account malaki ang kikitain tapos ang post nila konti lang at copy paste pa yung iba, ayan tuloy hinihigpitan na ang forum.
sr. member
Activity: 784
Merit: 251
https://raiser.network
September 19, 2018, 10:30:00 AM
#74
Noong unang labas ng merit marami na ang na apektuhan, anu pa kaya ngayon na dinagdagan pa nila at mas pinahigpit.
Ang bagong sistema na ito ay maganda kasi lalong mababawasan ang mga spamers at mga shitposter.
Pero sa kabilang banda masama para sa mga newbie kasi kailangan na mas pagsikapan pa nila ang pag post dito upang mabigyan sila ng merit. Minsan kasi matataas ang standard ng mga nag bibigay kaya mahirap makakuha, good luck na lang po sa lahat.

pinahigpit naman nila ito sa kadahilanan na marami pa rin na mga baguhan ang hindi sumusunod sa rules, at marami talaga ang mga baguhan na basta makapagpost ay ok na, yung memasabi lang baga. yun ang iniiwasan ng mga bossing natin dito sa bitcointalk.
hero member
Activity: 952
Merit: 515
September 19, 2018, 10:27:00 AM
#73
Noong unang labas ng merit marami na ang na apektuhan, anu pa kaya ngayon na dinagdagan pa nila at mas pinahigpit.
Ang bagong sistema na ito ay maganda kasi lalong mababawasan ang mga spamers at mga shitposter.
Pero sa kabilang banda masama para sa mga newbie kasi kailangan na mas pagsikapan pa nila ang pag post dito upang mabigyan sila ng merit. Minsan kasi matataas ang standard ng mga nag bibigay kaya mahirap makakuha, good luck na lang po sa lahat.

marami talaga ang apektado nito lalo na dun sa mga baguhan na kasali sa isang campaign, pero magkaganun man para naman ito sa ikagaganda ng ating forum, oo mas pinahirap lalo na sa mga baguhan pero ok na rin yun para yung mga post nila mas mapagisipan nila hindi basta lamang may masabi
full member
Activity: 294
Merit: 101
September 19, 2018, 07:44:49 AM
#72
Noong unang labas ng merit marami na ang na apektuhan, anu pa kaya ngayon na dinagdagan pa nila at mas pinahigpit.
Ang bagong sistema na ito ay maganda kasi lalong mababawasan ang mga spamers at mga shitposter.
Pero sa kabilang banda masama para sa mga newbie kasi kailangan na mas pagsikapan pa nila ang pag post dito upang mabigyan sila ng merit. Minsan kasi matataas ang standard ng mga nag bibigay kaya mahirap makakuha, good luck na lang po sa lahat.
hero member
Activity: 2912
Merit: 629
September 19, 2018, 05:15:49 AM
#71
Maraming naapektuhan na jr. member sa new rules na ito pero wala tayong magagawa kundi ang sumunod dahil mayroon namang valid reason kung bakit ito pinatupad. Kalimitan kasi ng mga shitposter, multi accounts na sumasali sa bounties mga jr. member (although hindi lahat dahil may nakikita naman akong matitino).

Ang edge lang naming matagal na dito sa forum hindi kami affected sa merit system kaya may mga nagsasabi na unfair sa kanila o wala naman kasi kami sa kalagayan nila na naapektuhan ng new rules na ito. 1 merit lang naman ang kailangan at madali itong makuha kung quality content ang pinopost mo o basta useful para sa mga members. Meron pa akong smerit at willing akong magbigay sa mga kababayan natin na deserving mag rank up base sa post.
full member
Activity: 151
Merit: 100
September 19, 2018, 04:50:42 AM
#70
Sa tingin ko, may advantage at dis-advantage ang new meta update ng bitcointalk.org ngayon. Marami sa mga jr.member noon ang naalis sa sinalihan nilang signature campaign.

Advantage: sa dami ng jr.member, kinakailangan ng ganitong update para maiwasan at mawala ang gumagamit ng madaming account.

Disadvantage: di pabor sa gaya kong jr.member dati na wala pang merit, pero ayos lang.
hahah may resolba naman dito partner ee!
Dapat yung mga high rank na kapwa natin pilipino, kapag nakikita nila na good poser, pwede naman siguro makatulong at magdonate ng merit Smiley kase yung mga high rank ang mga sources na talaga ng merits.
full member
Activity: 294
Merit: 125
September 19, 2018, 04:40:44 AM
#69
Wow ang dami na palang nag bago dito ah. grabe pahigpit ng pahigpit ang system ng btc talk. from merit system ngayon newbie restriction na

sigurado mauubos na yung mga bot nyan unless dun sa mga biniling account
Pages:
Jump to: