Kamusta na pala ang larong ito? Nilalaro na ba ito ng karamihan? Ng mga Pinoy? Ngayon ko lang din kasi nalaman ang game na 'to.
Agree ako sa sinabi mo, sana'y maging mabusisi ang mga nagbabalak mag-invest sa NFT games. Gaya na nga rin ng sinabi ng iba sa thread na ito, halos palaging focus sa gain ang mga developers at hindi sa mismong laro.
So ibig sabihin nga ay meron nga itong investment na gaya ng sinabi ni op at least 20$, hindi ko pa siya nasilip actually, mamaya try ko ireview tapos dun ako magdesisyon kung mag-iinvest ba ako o hindi. Madami naman din kasi talagang mga gamer dito sa bansa natin sa totoo lang naman din.
Diba nga yung dati Mir4 sobrang init nito tapos ngayon existing parin naman pero hindi narin siya katulad ng dati, kaya malamang itong monmon lang ay baka maging ganun din ito samantalahin habang mainit pa kesa pag malamig na mahirapan ka ng marecover ininvest mo mas malala pa sa iniwan ka ng jowa mo, hehehe...
Again, hindi ko pinopromote ang monmonland, this thread was created to give awareness to other Filipino forum users. Alam natin na ang mga ganitong klaseng NFT game ay mataas ang chance na maging scam in the long run. Mas mabuting hindi mag invest para maiwasan na ang cycle ng scamming. Nagiging normal nalang na biktima ng ganitong klaseng scheme ang mga Pinoy na tayo na ang naging target nila dahil hindi nadadala ang mga Pinoy.