Sa kasamaang palad hindi muna po siya marerecover pa kasi walang reset password ang imToken di tulad sa ibang wallet. Sa imToken kapag nawala mo po ang password mo ay hindi muna din po pwedeng maaccess ang keystore ng account mo. Kapag wala kang access sa keystore parang useless na din po siya. Kumbaga kahit anong gawin mo ay hindi muna siya mabubuksan.
Ngayon siguro kung may maipapayo man po ako sa 'yo ay yun ay ang ingatan mo nalang maigi sa susunod ang login password mo. Gawa ka po ng note sa gamit mong device at i-save mo doon yung password mo para di na siya madaling makalimutan o makaligtaan.