Aling bangko yung dating ayaw sa crypto? Dito ba sa Pinas? Wala pa kasi ako nababasa na ayaw ng mga bangko dito sa crypto.
Marami pa ding bangko ang umaayaw sa crypto pero sa ibang bansa naman yun. Halimbawa na lang ay yung sa India.
Mga bank sa pinas yung sinasabi ko na ayaw kasi kapag nag try ka mag open ng bank account specially BDO at sinabi mo na crypto ang source of income mo instant deny ang application mo.
Sunod-sunod ang mga bank na nag aanounce ng pagkakaron nila ng sariling coin ah. Magkaron kaya ito ng good impact sa crypto as a whole?
May nag umpisa na sa kanila so malaking chance na sumunod na din yung iba kung ayaw nila mapag hulihan sila, dadating din ang panahon na papasok lahat ng bangko sa crypto dahil umuunlad talaga ito