Prayers para sa iyong kapatid at sa kinakasama nya kabayan, At gagaling sila in Jesus name.
Siguro naman ay pwede iyan dito sa offtopics or kahit doon sa bago natin thread sa PAMILIHAN. Kaya lagay mo lang kabayan ang mga crypto currency add mo kung saan pwede magbigay ng donasyon sigurado ako na maraming tutulong sayo kasama narin ako don, kahit na sa maliit na halaga lamang ay magiging malaki ito kapag nagtulong tulong tayo.
Sorry to hear that kabayan, siguro nga po pwede naman, at marami namang pinoy na mabubuti ang loob dito na handang tumulong kahit na barya barya yan sa dami natin malaking tulong talaga, siguro ilakip mo nalang ang proof of gawa ka na lang ng facebook group para makita nilang totoo,baka maishare pa nila makatulong ang ibang mayayamang tao.
Salamat sa inyong dalawa dahil kahit papano napansin nyo yung post ko. Malaking bagay na ang prayers para sa patuloy na paggaling ng aming bunsong kapatid.
Yung ortho na lang talaga ang hinihintay namin kung kelan ba ang operasyon. Isa pang problem ay yung agent ng stainless sa Manila, di na nag rereply sa nirequest naming quotation, siguro dahil holidays ay busy sila at on vacation.
Pinag-iisipan ko pa kung gagawa pa ako ng thread kasi baka di ko naman ma monitor actively since ako lagi at madalas ang bantay dito sa kanya.
Naka ready at nakatabi na yung cash para sa stainless, nag loan yung half brother namin. Babayaran na lang namin or hulogan, yung mga nalikom na at malilikom pang donations ay ibabayad na lang namin sa kanya.
Di rin kami makapag operate ng business kasi walang mag aasikaso, si mama at papa bantay sa anak na kambal ng bunso naming kapatid, 1 year old palang kasi.
So simula nung dinala sila dito sa hospital ay lahat na palabas ang pera, yung mga natanggap naming donations ay itinabi lang namin at inilalaan sa operasyon. Kaso minsan di ko rin maiwasan na mabawasan dahil sa araw-araw na gastusin dito sa hospital gaya ng pagkain at iba pang gamit lalo na kapag may supply na pinapakuha ang nurse at wala sa CSR na kailangang ibili pa sa labas. Paubos na rin kasi sarili kong funds.
First time ko mag new year dito sa hospital...
Ilagay ko na lang din dito ang coins.ph addresses ko sa mga gusto pong tumulong...
PHP address: 3JdTzS5xT8mcJ5QEFrytoaLGGKNXtkWCZV
BTC address: 38t8w6udvfPnkMvG1Ep36FHDarTegVrPiy
XRP address: rU2mEJSLqBRkYLVTv55rFTgQajkLTnT6mA
Destination Tag: 263136
ETH address: 0xeb92f6edaba583c3f4d4934601b5c6be6c8b30e0
BCH address: pqxpllskq3ljzalfu4dhkghy4d5exv4s6s0apqttu9
Maraming salamat po at Happy New Year Sainyong lahat...
Enjoy and stay safe po...