~ Magandand balita talaga ito kung seseryosohin ito ng CICC tungkol sa sinabi nilang ito para matigil narin ang kayabangan at panlilinlang ng mga influencers na walang pakundangan pinopromote ang pagsusugal kahit na may mga menor de edad ang makapanuod.
Dami kong blocked na mga influencers na yan kapag nakikita ko may promoted online casino sa bandang dulo ng video or sa comsec nila. Ewan ko nga lang kung mag-stick sa kanila kung ano man ikakaso sa kanila ng CICC. Hanggang pagpapatigil lang siguro mangyayari. I doubt na aware itong mga influencers sa phishing scam ng mga game app developers. Talamak na promotion nila ng online gambling noon pa pero bakit kailangan maghintay may phishing scams sa Gcash bago sila gumalaw?
May ilang influencers narin akong inunfollow lalo na yong sobrang gahaman sa pag promote ng sugal. At yung halos pahat ng nabili nila dahil daw sa sugal at 100% sure sila na kikita yung gagamit ng link nila. Masyado tapagang exaggerated at sobra ng panloloko ginawa nila para lang kumita sa sugal.
Kaya mainam talaga na habulin na ng gobyerno ang mga influencers na yan dahil nakakasira sila sa kinabukasan ng mga pinoy na gusto lang kumita ng pera at nadala sa pang hype nila.
- kahit man ako lahat ng influencers na nageendorse ng sugal hindi ko pina-follow, kasi di-sila good influencers mga mukhang pera sila at nalamon na sila ng sistema ng pera. Bwisit na bwisit pa nga ako na may isang vendor ng fishball ata yung ginawan ng content ni boy tapang parang pinapalabas nya na magsugal nalang yung vendor huwag ng magtinda.
Dun palang ginagamit nya influence nya sa masama, naghahanap buhay ng marangal yung tao tuturuan mo magsugal, mga walang walang kwentang influencer, na wala na siya sa tema ng content nya yumaman lang. Tapos yung iba para makabili ng mga luhong mobile phone pinapakita nila magsugal ka lang isipin mo yung ginagawa nila, mga siraulo kung tutuusin. Sana nga tuluyan sila ng cicc.
Pwede naman mag promote ng sugal pero wag lang talaga sosobra sa pag promote yun bang nangangako ka ng easy money sa mga followers mo at kesyo ganyan nakabili ka ng mamahaling gamit dahil lang sa pag susugal na yan at kung kailangan mo ng agarang pera mag sugal ka lang dahil mabibili mo agad yung gusto mo dahil sa tinuro nila sayo. Masyadong garapalan yung ibang influencers para lang makapay hikayat ng maglalaro under sa link nila.
Personally, in general wala akong problema sa pagpromote ng casino — nasa sayo parin in the end kung gusto mo mag sugal o hindi, knowing the risks. Pero ipropromote mo na madaling kumita sa casino? Medyo deliks nga talaga. #1 sa Facebook news feed to na ganito si Makagago.
Wala talagang problema ang pag promote ng casino since hindi naman talaga ito totally illegal sa bansa natin basta lang ba maglagay sila ng disclaimer na gamble responsibly at iba pang paalala sa kanilang promotions. Wag lang yun easy money dito at kikita daw ng milyon ng napaka simple yun talaga ang napakapangit na gawain madaming influencers na ganito at ilan ilan lang ang matino sa kanila.