Author

Topic: Online platform offered Cryptocurrency and Blockchain to learn. (Read 182 times)

hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Baka mag-taka kayo kung bakit mahal yung sa UNIC at sabihin niyo hindi makatarungan yung presyo, natural lang ito kasi hindi naman ito online class isa itong Master of Science degree (MSc) program related sa Cryptocurrency namely Master of Science in Blockchain and Digital Currency na tatagal ng 3 semesters. Hindi ito yung pang-karaniwang online course na pag natapos mo yung mga lesson may online certificate of completion ka ito pag-natapos mo yung kurso na ito may certificate of graduation at master's degree ka na considering na yung tinapos mong kurso for undergraduate studies is related sa MSc na ito.

Yung free courses naman nila, Massive Open Online Course (MOOC), ay open sa lahat and pa-ulitulit lang yung mga topics na dinidiscuss dito which napost na sa OP. The good thing about this one is yung mga previous lessons nito ay ina-upload sa Youtube kaya hindi mo na kailangan mag-register or maghintay ng schedule sakanila. The only downside it if pinili mo manuod ng previous lessons nila ay hindi ka enrolled, hindi ka pwedeng makapagtanong sa Instructor kasi hindi sya live, at wala kang makukuhang certificate after mo matapos yung mga video pero kung nandito ka lang para matuto sa tingin ko sapat na itong panunuod ng mga previous lessons ng MOOC nila. 


For the sake of your convenience hinanap ko yung mga latest session ng UNIC with regards to their free MOOC classes para sa course nila sa Digital Currencies.

Lesson # 1 : (Brief) History of Money
Lesson # 2 : The Byzantine Generals' Problem
Lesson # 3 : Digital Currency Basics
Lesson # 4 : Bitcoin in Practice – Part 1
Lesson # 5 : Bitcoin in Practice – Part 2
Lesson # 6 : Alternative Uses of the Blockchain
Lesson # 7 : Alternatives to Bitcoin
Lesson # 8 : Digital Currency and Central Banking
Lesson # 9 : Digital Currency and Financial Institutions
Lesson # 10 : Regulatory and Tax Treatment
Lesson # 11 : Digital Currency and Innovation
Lesson # 12 : Digital Currency and the Developing World
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Of all in this list, UNIC so far was the best one to learn the foundation of Bitcoin and blockchain though I'm not saying this forum is not but I think they have compiled good resources on their courses at sa mga instructors rin nila. Napakarami ng free courses online but paying for something is still worth it but the best thing you could have to learn from it is "dedication" na matuto libre man iyan o hindi kung wala ka niyan wala ring mangyayari.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
Noong mga nakaraang araw ay nag bahagi ako ng unang topic patungkol sa online course [Courses] Online class. Ngayon ang ginawa kong Online learning. na nais ko isalin at ibahagi ngayon sa ating local na ang mga nilalaman ay patungkol sa online class na sumusuporta sa pag aaral na relate sa blockchain at cryptocurrency.
Ngayon dahil asa ECQ tayo hindi hadlang ang pag-aaral dahil ang ilan sa atin ay mayroong internet connection at asa tahanan lamang.


1. UNIC Blockchain Program
Isang website na nag bibigay para mas maiging kaalaman sa pag gamit ng mga kumpanya, businesses at ibang pang asa mundo ng transaction upang mas mag palawak ang kaalaman sa mundo ng digital currency at kung gaano ito mas ka epektibo.

May bayad ba?
Mayroon, ang kanilang master degree ay umaabot ng €12961 sa ating currency ay nasa ₱714000 ngunit may ilang courses din naman sila na nag bibigay ng discount at asa 10% lang ang iyong babayaran. Sila din ay tumatanggap ng BTC bilang bayad sa enrollment fee.

Ilan sa kanilang course outline

2. Coinbase learn
Ilan sa atin ay alam na ang coinbase at nakita na ang ilang bahagi nito, ngunit para sa iba ang coinbase din ay mayroong coinbase learn kung saan nag bibigay sila ng ilang mga introduction kung ano nga ba ang cryptocurrency, paano bumili at mag benta nito, ano ang kinaibahan nito sa tunay na pera at iba pa.

May bayad ba?
Wala itong bayad, isa lamang itong preview sa mundo ng cryptocurrency at blockchain.




3. Class Central
Ang Class central ay nag bibigay din ng online course patungkol sa bitcoin and cryptocurrency at ilang sa kanilang course na umaabot sa 1100+ ay libre lamang, ngunit may ilang course padin na maari mo ma-access sa subscribe sa kanila.

Quote from: Class Central
We focus primarily on free (or free to audit)

May bayad ba?
Halos ang mga online course sa kanila ay Libre ay may ilan din na may bayad at umaabot lamang sa $39-79 sa currency natin ay ₱1986 hanggang ₱ 4023.

Itong ang ilang talakayan nila sa kanilang syllabus




4. Ethereum.org
Ito ay isa sa mga madalas kong binibisita patungkol sa mundo ng ethereum dahil marami itong nilalaman tulad ng mga artikulo, ibat-ibat batis at mga gabay kung ano nga ba ang mayroong sa ethereum.

May bayad ba?
ito ay libre lang.



5. Udemy: Introduction to Cryptocurrencies and Blockchain
Marahil ang ilang sa atin ay nakikita na madalas ang udemy pag patungkol sa usaping online class ngayon ay nag bibigay nadin sila ng mga kaaalaman patungkol sa crypto at blockchain at isa dito ay ang Introduction to Cryptocurrencies and Blockchain.

May bayad ba?
Mayroong libre lamang ngunit ang mga nilalaman lang ay Online video content. Kung nais mo ng Certificate of completion at makipag talakayan sa sa guro ito ay mayroon ng bayad na umaabot hanggang $18.99 o sa atin ay ₱967.19


6. Shawn Cademy
Tulad ng ibag online class platform sila ay nag bibigay lamang ng audio at video presentation para sa kanilang mga estudyante para ibahagi ang kanilang kaalaman. Para sakin bilang estudenyate ito ay mukhang nalilimitahan lang ang pag-aaral dahil sa audio at video lang ang kanilang ibinibigay sabi nga nila iba-iba tayo kung paano makukuha ang kaalaman.
May bayad ba?
ito ay umaabot hanggang $149 - $1,500 o ₱7588.79 -  ₱76397.25



7. Edx: Introduction to Hyperledger Blockchain Technologies
Itong platform na ito ay sinusuportahan ng Linux Production na nag lalayon at mag bigay ng kaalaman patungo sa bitcoin, ethereum at iba pa ang kurso na ito ay libre lamang ngunit kung gusto mo maka tanggap ng certificate ay kailangan mo mag bayad.

May bayad ba?
Oo ito ay may bayad na $99 sa atin ay ₱5033.70 kung gusto mo matanggap ng certificate.




Jump to: