High risk investment yan, tiyak magagalit taong bayan niyan kasi pera natin yan tapos i invest lang sa bitcoin. Wala namang kasiguroan na kikita ang pera sa bitcoin dahil tayo mismo alam natin masyadong volatile ang market, paano nalang kaya pag mag $10,000 balik ang bitcoin, tiyak di palalampasin ng mga critics yan.
Ito ang purpose ng MIF. The establishment of the MIF will provide the government with a long-term source of income that will support generations to come. It will also ease the burden on the national budget by providing additional funding for other priority projects of the government.
Paano kung malugi? Wala na tayong source of income. Unawain natin, kahit legit ang bitcoin, it still cannot guarantee profit to investors.
Sa pagkakaintindi ko, hindi naman lahat gagamitin ang MIF sa isang investment lang, kumbaga tayo lagi nating sinasabi na don't put your egg in one basket. Ganun din dyan sa MIF na yan. Maaring yung ilang porsyento lang sa MIF ang kukunin para iallocate sa Bitcoin kung mamumuhunan talaga sa Bitcoin. Bakit iniisip mo na sa isang investment lang gagamitin ang lahat ng fund ng MIF? hindi ganun yung sistema na gagawin ng gobyerno dyan. Saka isa pa nasaksihan naman na natin na habang tumatagal ay tumataas ang value ni Bitcoin for 14 years na existence nya. Oo bumaba ang value from 69k$ pero napakalayo kumpara natin nung ito ay nagsimula. Proven and tested narin naman ang Bitcoin as long term-investment.
Tama naman ang sinasabi mo hindi lahat ng funds ay i invest sa crypto kasi nakasaad naman sa rules ata na multiple investors.
Parang may nakalaan na kung saan pwede i invest at kasama na ang 'other investments", which doon pwedeng ipasok ang bitcoin. Kaya lang, hindi naman nanggagaling ang idea na yan sa government side o sa mga taong nag papalakad ng funds kundi kay Atty. Rafael Padilla which a co-founder of BlockDevs Asia so maaring bias ang kanyang opinion. Hindi naman kasi ganyan lang kadali, kasi sinabi rin niya ayon sa article na.
For Padilla, theoretically, complying with the requirements of the MIF, investing in Bitcoin through the fund is legally viable, contingent upon obtaining approval, given the presence of a clause that permits the MIF to engage in “other investments.”
Ibig sabihin, need pang i approve na kasama ang bitcoin sa other investments which I think medyo hindi ganon kadali.