Mga sir mga maam, isang taon na po at kalahati mula nang ginawa ang thread na ito bakit wala pang ginagawang ibang section ang Filipino thread? Sections para sa Marketing, Off topic, at para sa mga ibat ibang grupo ng Pilipino tulad ng cebuano, ilocano, kapampangan. Napaka diverse ng bansang ito para tagalog lang ang gagamitin para sa bansa. Implement nyo na sana ang mga pagbabago mga sir mga mam. Baka po 2018 eh wala paring bagong section ang Philippines forum na ito.
Yan din ang tanong ko e.
Pansin na pansin na nga tayo sa buong forum na spammers, cheater, at ibang pang masasakit na words pero hanggang ngayon hindi pa rin tayo na gagrant yung child board natin dito sa forum. Sayang lang talaga e. Kahit isang child board lang sana dito sa local. Para naman kahit papano maayos yung gulo ng thread dito sa Pinas. Kung magaling lang sana ako mag English po post ko sa Meta Section to. Tungkol dito. Ilang kailangan bang vote para magka childboard?
If you look at the discussions dito sa lokal, makikita mo na karamihan off topic and merong mangilanngilan na medyo may sense, pero later on napupuno ng spam, walang "solid discussions" na nagaganap dito... Maybe isa yan sa dahilan kaya wala pa tayong child board dito... , puro lang "ranks" "signature campaigns""ANNs" lots of it, It's a shame if we would ask something from the admins which we really don't need here...
Tama ka naman dun. Pero once na maimplement yan to or ma i-grant sa atin yung childboard na hinihiling natin kahit papaano mababawasan tong mga ano anong post at madali mo nang ma identify kung spam ba yung post nila. Nasa sticky post naman na yun e na kapag hindi bitcoin related buburahin nyo maiintindihan naman nila yun. Makukulit nga lang.
Yup, parang batang makukulit ang mga iba dito... Di mo malaman kung sinasadya or talagang habit na... If sakasakali ang pinakamarami dito is Off topic, pero we could trash those threads naman if gusto natin, and second marketplace or if di marketplace, Bounties or services, kasi puro translation or karamihan pag kakakitaan...
For me Marketplace and Off- Topic. But between the two, I would suggest to have an Off Topic childboard. Napaka daming non sense and low quality topic meron tayo and those deserves an off topic board. Pati ba naman "naka bili ka na ng motor gamit ang bitcoin"? and "paano nga ba tumaas ang rank" which is so redundant.
Sir Dabs may tatlo sana akong gusto pero isa lang ang pwedeng iboto and I voted for off topic dahil napupuno na ng mga non sense post ang board natin at karamihan pa ay tanong na paulit ulit na maraming beses nang nasagot, pero maganda din kung magkakaroon ng marketplace child board dito sa atin para mas madaling makapag deal sa mga pinoy, and maganda din siguro kung meron child board para sa mga translation thread ng mga announcement bagong ICO. Matanong ko lang sir Dabs kung kelan maiimplement ang child boards na pinaka maraming votes?
You two are correct... Sobrang dami ng off topic na thread dito... But you can contribute by not posting on those threads and at the same time reporting them para maitrash... Those threads and posters on that thread don't deserve any post count...