Definitely Abra. Mejo matagal nga lang minsan matanggap sa bank account mo ung pera pag nag withdraw ka; tapos hassle pa kasi based sa experience ko tatawagan pa ako ng banko at tatanungin ako kung saan galing ung pera. Kelangan ko pa i-explain kung ano ung service ng Abra. But anyway, in the past mas ok prices sa Abra compared sa Coins.ph. Ewan ko lang ngayon. Preferred Abra rin in the past kasi hindi strict ang KYC nila.
Hindi ko pa na try yung Abra. May ganun palang nangyari sa iyo? Parang ang hirap din mag explain sa ganun kasi baka hindi nila alam or basta marinig lang nila yung Bitcoin, negative na maisip nila lalo na kasi sa mga news. Na experience ko, yung mga nakakatanda sa akin, mga tita at tito, pag na mention ko sakanila, tatanunging agad nila scam ganyan.
Anyway ttry ko nga yun soon. Para at least there are choices, or wherever.
Un nga ung risk kaya tinigilan ko na rin. Baka biglang maging anti bitcoin ung bank ko edi bistado ako. Playsafe ako kaya nagstop akong gamitin Abra. Last year pa pero ung last time, so baka mas ok na ngayon baka hindi na kelangan tanungin. Pero nakadipende rin pero ata sa kung ano bank mo.
Mahirap na baka maimbestigahan ka pa tapos kung ano ano pa mangyari. Mahirap talaga yun. Hindi na pala ikaw gumagamit ng Abra, so parang nakakatamad na din. Okay naman kasi si coins.ph, complete and hindi ko pa naexperience na ma ask nung bank kung Bitcoin ba or something. May thread nga dito sa Philippine board na about dun eh, so far, Security Bank is okay, kahit wala ka ng account, eGiveCash pa lang, ayos na. Kahit nag ka problem, ma resolve naman siya.
One time lang ako gumamit ng Abra at ok naman pero mas preferred ko pa rin ang coins.ph dahil mabilis at reliable din. Another alternative is rebit.ph pero di ko pa na avail ang services nila, so far okay naman ang review sa mga nabasa ko. And hassle lang kasi pag anlaman ng bangko na galing sa crypto parang alinlangan pa rin sila at minsan hassle pa pag na hold.
Hindi ko pa na try din yung rebit.ph, and only a few reads on the name itself dito sa bitcointalk. Mahirap nga talaga lalo na kung unaware pa yung mga tellers, or checkers with transactions. Malay mo baka biglang report or something.