Tama, at hindi rin nakakatulong yung mga nagkalat na fake news at false information online. Hindi na nga natututo yung mga kababayan natin, naloloko pa sila ng mga maling impormasyon at balita na nagkalat sa social media, edi lalo na silang napahamak. Dapat talaga ay mas taasan ang security sa mga ganitong bagay at maraming naloloko saatin, ang laki rin kasi ng nawawala.
Mas maganda kung puwersahan na talagang magkaroon ng laban ang ating gobyerno hindi lamang sa mga scammer bagkus pati na rin mismo pagiging illiterate. Kasi kung sa simula palang at marami ng nakakaalam ng mga scheme na yan at paano maiiwasan yan dahil tinuturo sa mga paaralan, mas kokonti nalang ang magiging biktima ng mga scam na yan.
Madami kasing mga kababayan natin na kulang sa kaalaman kaya hirap na hirap din masugpo yang mga pasimuno.
Iyong iba hindi dahil sa kulang sa kaalaman kaya nagpapatuloy sa paginvest sa ganitong klaseng scheme, dahil gusto nilang maunat at mapagkakitaan ang mga taong pareho ng kanilang pag-iisip. Sabi nga nga mga sanay sa mga double at HYIP, unahan lang sa pagpasok para sa malaking kita, pagnahuli ka talo na. Alam din kasi nila pero patuloy pa rin nilang pinapasok sa isiping kailangan nilang mauna para kumita ng malaki.
Isa rin yan sa masakit na katotohanan na nasanay na sila sa mga mabilisang pagkita at iniisip nila basta mauna sila, mas una na silang kikita tapos bahala na yung mga ma invite nila kung mahuli.
Cycle na talaga yan. Kahit siguro napakaraming beses na mabiktima yung iba ay hindi pa rin titigil kasi naka set na mga isipan nila na meron at merong mga easy money.
Oo ang saklap pa nito alam na nilang scam pero tuloy pa rin silang papasok dahil nga katulad sa sinabi mo easy money kapag sila ang naging pioneer.
Naalala ko dati kainitan sa pyramiding, may mga taon nagrerecruit pioneering daw, pero kung titingnan mo iyong system pang 500 level ka na mula sa puno lol. Mga kalokohan talaga ng tao oo.
Naalala ko yang ganyan nabiktima lola at mama ko sa mga ganyang pyramiding tapos ngayon natuto na sila. Ang layo ng lugar namin tapos pupunta pa doon sa mga headquarters ng mga pyramiding scam na yan pero salamat at isa sila sa mga natuto.