Marami kasing nagsilabasan na pera galing Gcash sa pagkakataon na yun kaya ngayon bumabalik na ulit ang tiwala ng mga tao at mas marami na nga ang nakikita kong gumagamit ng Gcash.
Ang talagang concern ko lang sa Gcash ay yung system support nila na ay sana ibalik nila sa dati na hindi yung bot ang makakausap natin kondi yung mga agent. May case kasi ako na hindi naresolba hanggang ngayon eh.
Dapat kasi sa umpisa pa lang hinigpitan nila yung security nila na hindi dapat sila nagrerely sa mga report ng mga tao lalo na pera ng tao ang hawak nila. Pero wala na, "damage has been done" na at wala na sila magagawa kung patunayan sa tao na trustworthy pa rin sila.
Anyways, wala na magagawa sa support system nila dahil dumami yung users at pinakabest option ay yung pagdagdag ng bot para masagot yung mga tanong ng tao.
Sa tingin ko din medyo madami dami ang nawalan ng tiwala pero syempre majority pa rin na nakasanayan na ang gcash service eh hindi na rin yan aalis pero syempre mas lalo pang mag iingat, gaya ng sinabi mo damage has been done and para dun sa mga napektuhan masaklap yun kasi wala silang kaalam-alam na limas na pala pera nila. Kung anoman ang naging findings at kung anoman ang naging paraan para maaksyunan yung naging issue may naiwan na ring bakas na hindi ganun ka-secure ang platform ng gcash.