Pages:
Author

Topic: P60 Million Worth of Gift Card Scam - Converted To Bitcoin (Read 346 times)

sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
Yung ganyan kalaking perang involve sisingaw at sisingaw talaga yan. Siguro akala ng mga sindikato na they are wise enough converting it to BTC malas pero nabuking parin sila. Despite sa malaking halaga na nawala sa kompanya buti hindi sila nagbawas ng mga employees. This is an isolated case at walang impact ito sa circulation ng Bitcoin, lesson rin ito sa company na maghigpit sa mga employee’s nila particularly involved in financial matters.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Mas lalo n naman nila pag iinitan ang bitcoin dahil sa nangyaring yan, tapos sisihin pa ng mga empleyado si bitcoin kaya mas lalong papangit ung tingin nila crypto, baka sa susunod mababan n ang crypto dito sa pinas
Yun ang kinakatakot ko eh, kapag naging prevalent ang bitcoin scams dito sa Pinas, siguradong dadating yung issue sa National Government, either maghihigpit or total ban ang mangyayari, nakakalungkot isipin na ginagamit ang Bitcoin at ibang cryptocurrency para sa mga masasamang bagay. I hope na kasabay ng paglaki ng crypto community sa Pinas ay madami ding mag educate patungkol dito.

I don't see your assumption to be correct at all. First of all bakit nila gagawing solusyon ang isang bagay na kung saan kahit ang user nito ay maapektuhan kahit hindi naman nila kasalanan yung nangyayari? Ang mismong scam dapat ang kanilang intindihan at hindi yung pera na kinukuha ng mga scammer nila. Touching Bitcoin directly will also affect all of the millions of dollars of investment they received from the foreign crypto companies they attracted with their CEZA project an outright blanket ban in crypto will just simply void their contract with these companies and will simply cancel all of the investments they will have for our country. The Philippines is into deep with the crypto industry na mahirap ng gawing "ban" ang solusyon sa mga bagay bagay kaya I don't see this happening.
sr. member
Activity: 1297
Merit: 294
''Vincit qui se vincit''
Naisip ko lang ha, sa sobrang daming gift cards nun, gaano katagal nang ginagawa ng mga kolokoy yun para umabot sa PHP60M? Ang tyaga nila sa part na yun ah, kaso nahuli.

Wala namang negative sa bitcoin, pero yung author medyo misleading yung captions.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
malamang mag pull out ang google sa pinas at napakalaking dagok nito sa ekonomiya at mas marami pa ang mawawalan ng trabaho.

Baka hindi ito mangyari kasi kumikita parin ang google dito sa Pilipinas. Sabi nila ay mag pull out lang sila sa current business partner nila at i-ooffer nila sa ibang vendor dito sa Pilipinas.
napakaliit lang ng scam na ito para mag full out ang Google sa pinas dahil unang una baka iilang porsyento lang to ng Kinikita nila sa Bansa natin dahil buong Pinas ay gumagamit ng google.
At isolated cases lang to na normal na magamit ng mga scammers sa paraang tingin nila may butas,Bagay na dapat ding ipag pasalamat ng Google dahil now mag dadag na sila ng securities para di na maulit ito sa parehas na paraan.
Para sa akin, maliit o malaking halaga classified nila yan as loss. Sa business nila kapag ganyan bawat sentimo mahalaga parang sa mga normal na negosyante lang din. Ang maganda lang talaga na ginawa at reaction ni Google, hindi sila tuluyang bumitaw sa BPO sa Pinas at lumipat lang ng ibang company o nag-outsource sila sa ibang BPO company. Ok pa rin yun pero kung umalis sila at yun yung naging desisyon nila, malaking impact yun sa atin.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
malamang mag pull out ang google sa pinas at napakalaking dagok nito sa ekonomiya at mas marami pa ang mawawalan ng trabaho.

Baka hindi ito mangyari kasi kumikita parin ang google dito sa Pilipinas. Sabi nila ay mag pull out lang sila sa current business partner nila at i-ooffer nila sa ibang vendor dito sa Pilipinas.
napakaliit lang ng scam na ito para mag full out ang Google sa pinas dahil unang una baka iilang porsyento lang to ng Kinikita nila sa Bansa natin dahil buong Pinas ay gumagamit ng google.
At isolated cases lang to na normal na magamit ng mga scammers sa paraang tingin nila may butas,Bagay na dapat ding ipag pasalamat ng Google dahil now mag dadag na sila ng securities para di na maulit ito sa parehas na paraan.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Mas lalo n naman nila pag iinitan ang bitcoin dahil sa nangyaring yan, tapos sisihin pa ng mga empleyado si bitcoin kaya mas lalong papangit ung tingin nila crypto, baka sa susunod mababan n ang crypto dito sa pinas
Yun ang kinakatakot ko eh, kapag naging prevalent ang bitcoin scams dito sa Pinas, siguradong dadating yung issue sa National Government, either maghihigpit or total ban ang mangyayari, nakakalungkot isipin na ginagamit ang Bitcoin at ibang cryptocurrency para sa mga masasamang bagay. I hope na kasabay ng paglaki ng crypto community sa Pinas ay madami ding mag educate patungkol dito.
hero member
Activity: 1946
Merit: 502
Mas lalo n naman nila pag iinitan ang bitcoin dahil sa nangyaring yan, tapos sisihin pa ng mga empleyado si bitcoin kaya mas lalong papangit ung tingin nila crypto, baka sa susunod mababan n ang crypto dito sa pinas
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Kawawa yung mga empleyado nila. Dahil sa mga lokong empleyado na yan ang dami nilang pinerwisyo na mga kababayan natin. Ang bait pa ni google kasi binigyan nila ng pagkakataon na itama ang mali pero wala eh, sadyang nasilaw lang tong mga involve. Sa image ni bitcoin naman, nung nagbasa ako ng balita at karamihan sa mga commentors wala naman silang binabanggit about bitcoin.

Feeling ko ay hindi masyadong planado ng mga empleyado na ito at nadamay lang sila sa malaking Fraud duon sa US. Kasi biruin mo naman, malaking halaga ang na scam nila at hindi man lang nila naitago ito ng maigi at ngayon ay hinahanap hanap na sila. Siguro naging parte or naging isang pawn lang sila ng scammer duon sa US. Kawawa tong mga to.
Nadamay lang talaga yung karamihan sa mga lokong yan. Pagkakaalam ko tatlo silang involve dyan at hindi nila inisip yung magiging repercussion ng gagawin nila. Ayan, nadamay tuloy ang madaming empleyado at yung reputasyon ng kumpanya na nagbigay ng trabaho sa kanila. Sana, i-ban sila sa lahat ng kumpanya at umabot yan sa husgado kasi ang dami nilang inabala at hindi birong halaga yung ninakaw nila. Posible nga na merong nag-open up sa kanila ng gagawin nila galing mismo sa ibang bansa o di kaya insider din ng google.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Hindi naman ito usaping bitcoin o ano, pero madadawit at madadawit ang bitcoin dahil para sa karamihan, iisipin nilang madali i-launder ang cryptocurrency dahil nga sa 'anonymous' nature nito. Hindi man sila nadali sa pag-convert ng bitcoin, timbog naman sila nung nalaman na may kababalaghan nang nangyayari sa loob ng kumpanya. Ang masakit pa non, hindi lang naman yung Sykes at tatlong empleyado ang masisira dito, kundi pati na rin ang integrity ng outsourcing industry dito sa ating bansa dahil sa ganitong klaseng kalakaran. Maraming nawalan ng trabaho at nasayang ang training, pati sila damay sa kalokohan ng iilan.

Sabi sa article, hindi nadisclose kung nag file sila ng charge against sa mga employees involved, pero sana naman ay meron kasi marami ang maaapektuhan nito. Maaaring may mawawalan ng mga trabaho dahil sa greed ng mga employees na yun tapos timing pa na may pandemic kung saan kailangan mo talaga ng source of income. Bukod dyan, syempre damay din ang pangalan ng kumpanya.

Some sources say na nirelease lamang ng kumpanya ang mga dawit sa ganitong klase ng scam, at hindi pa alam kung sasampahan sila ng kaso o hindi. Pero IMO dapat kasuhan ng pamunuan ng naturang BPO company yung mga dawit dito, at malamang e hindi lamang tatlo ang kasabwat kundi marami pa dahil hindi naman biro na makakuha ng ganyang kalaki sa loob ng ilang buwan kung tatlo lang ang galamay. As someone who worked in a BPO industry handling sensitive information and such--oftentimes may access sa banks and cards ng mga customers--mahirap talagang gumawa ng kalokohan lalo't wala kang protektor sa loob. Hindi lang tatlo sangkot dyan, malamang kahit management nila may alam dyan.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Sabi sa article, hindi nadisclose kung nag file sila ng charge against sa mga employees involved, pero sana naman ay meron kasi marami ang maaapektuhan nito. Maaaring may mawawalan ng mga trabaho dahil sa greed ng mga employees na yun tapos timing pa na may pandemic kung saan kailangan mo talaga ng source of income. Bukod dyan, syempre damay din ang pangalan ng kumpanya.

Para sa pera, ay handa silang gumawa ng ganitong bagay na hindi rin magiging worth it kung mahuhuli at makukulong sila. Pero kung tutuusin ay parang hindi naman gaanong madadamay ang image ng Bitcoin kasi hindi naman nakafocus ang issue.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
Feeling ko ay hindi masyadong planado ng mga empleyado na ito at nadamay lang sila sa malaking Fraud duon sa US. Kasi biruin mo naman, malaking halaga ang na scam nila at hindi man lang nila naitago ito ng maigi at ngayon ay hinahanap hanap na sila. Siguro naging parte or naging isang pawn lang sila ng scammer duon sa US. Kawawa tong mga to.

Though hindi natin alam ang buong storya(pati ang side nila), mejo very unlikely ata. Kung naging pawn lang sila, not sure why kelangan nilang magtago instead of tulungan ung authorities mahuli ung mga talagang may sala. Though pwede natin sabihing baka natakot sila kaya nagtago or something, malayong mas unlikely un sa opinyon ko lang.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Sobrang naapektuahan ang Sykes company at pati na rin ang mga BPO industry dito sa Pilipinas.
Bitcoin scam: Google pulls work from Sykes over employees’ misconduct
300 employees ang naapektuhan dahil nawalan ng trabaho which denied by skykes din dahil nilipat daw sila sa ibang work programs  . Gayon pa man, trending nga ito sa social media. Even their faces were posted.
 
 Two reputations were ruined here.
 BPO industry and Bitcoin.
 
 It is blunt damage na nangyari ito. Mga nasilaw sa pera at ginamit pa ang google and bitcoin for their selfless purpose.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Kawawa yung mga empleyado nila. Dahil sa mga lokong empleyado na yan ang dami nilang pinerwisyo na mga kababayan natin. Ang bait pa ni google kasi binigyan nila ng pagkakataon na itama ang mali pero wala eh, sadyang nasilaw lang tong mga involve. Sa image ni bitcoin naman, nung nagbasa ako ng balita at karamihan sa mga commentors wala naman silang binabanggit about bitcoin.

Feeling ko ay hindi masyadong planado ng mga empleyado na ito at nadamay lang sila sa malaking Fraud duon sa US. Kasi biruin mo naman, malaking halaga ang na scam nila at hindi man lang nila naitago ito ng maigi at ngayon ay hinahanap hanap na sila. Siguro naging parte or naging isang pawn lang sila ng scammer duon sa US. Kawawa tong mga to.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
Hopefully they're stupid enough to use these coins on centralized KYC exchanges like Coins.ph.

With that said, good luck to them na mabuhay ng mapayapa knowing na magiging on the run sila hanggang mahuli sila. Not worth having so much money pero hirap ka rin lang namang gastusin ung pera mo.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
Kalat to sa mga BPO industry group per company sa Facebook. Di mag-pullout sa Pilipinas ang Google. Ang mangyayari diyan, lilipat lang sila, so sa mga competitors ni Sykes.

Prior ko nalaman iyong issue na ito, may isang ako kaibigan na pinag-apply ako sa ***** recently lang kasi may new account daw sila na papasok probably by end of the year. Google pero di ko maalala ang eksaktong term na sinabi niya.

Pangit pakinggan nung sa article, "It was mentioned in the report that these employees siphoned P60 million (about $1,232,000) from the Bitcoin scam." Sa mga wala na namang knowledge sa bitcoin, for sure negative image na naman as usual.

And doon sa mga empleyado, “While there have been business changes that may have impacted some groups, we have ensured that all our hardworking employees are reassigned to other programs.” Iyong mga di involved is tuloy lang ang trabaho.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Obviously the reputation of SYKES the company is the one affected here not Bitcoin dahil ang mismong Google na ang nag-pull out sa kanilang contract with SYKES being their local outsourced partner. As a Bitcoin hodler sa sarili kong opinyon hindi naman masisiraan ang Bitcoin dito dahil yung mga ex-employees lang naman ay nag-covert sa na-iscam nila to Bitcoin at hindi naman talaga ginamit ang Bitcoin para sa scam. As long as we have reliable news at walang mga misleading article na kumakalat yung reputasyon ng Bitcoin ay hindi masisira, kalaunan din magbabago yung pananaw ng public about Bitcoin na isang digital currency lang ito na walang kaugnayan sa mga illegal na bagay.

For the gift card scam done by these employees sa tingin ko yung ginagawa nilang scam is yung mga napapanuod natin sa Youtube channels na mga scammers ay nagpapanggap na customer support or di kaya IRS tax agent na para makapagbayad or avail ng service nila dapat ay bumili sila ng gift card from Amazon to Apple Store at yun yung nanakawin sakanila. Sa tingin ko similar na klase ng scam ang ginagawa ng mga ito dahil narin may equipment sila para gawin ito.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
malamang mag pull out ang google sa pinas at napakalaking dagok nito sa ekonomiya at mas marami pa ang mawawalan ng trabaho.

Baka hindi ito mangyari kasi kumikita parin ang google dito sa Pilipinas. Sabi nila ay mag pull out lang sila sa current business partner nila at i-ooffer nila sa ibang vendor dito sa Pilipinas.
Tama. Confirmed, nag-pull out na si google as partner kay Sykes.
(https://coingenius.news/bitcoin-scam-google-pulls-work-from-sykes-over-employees-misconduct/)

Kawawa yung mga empleyado nila. Dahil sa mga lokong empleyado na yan ang dami nilang pinerwisyo na mga kababayan natin. Ang bait pa ni google kasi binigyan nila ng pagkakataon na itama ang mali pero wala eh, sadyang nasilaw lang tong mga involve. Sa image ni bitcoin naman, nung nagbasa ako ng balita at karamihan sa mga commentors wala naman silang binabanggit about bitcoin.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
malamang mag pull out ang google sa pinas at napakalaking dagok nito sa ekonomiya at mas marami pa ang mawawalan ng trabaho.

Baka hindi ito mangyari kasi kumikita parin ang google dito sa Pilipinas. Sabi nila ay mag pull out lang sila sa current business partner nila at i-ooffer nila sa ibang vendor dito sa Pilipinas.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Trending na trending to s BPO industry at napaka unfortunate nito dahil andaming nasagasaan ng 3 ganid sa pera sa ginawa nila di lamang 300 na employee ang mawawalan ng trabaho nyan dahil pag marami pang pera ang nawala base sa audit na naganap nila malamang mag pull out ang google sa pinas at napakalaking dagok nito sa ekonomiya at mas marami pa ang mawawalan ng trabaho.

At damay din ang bitcoin sa usaping ito dahil biruin mo sa caption palang ng mga balita may malaking BITCOIN SCAM ang nakalagay tiyak iba na naman ang impression ng ibang hindi maalam sa bitcoin at tatawagin nilang scam si bitcoin.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Nabasa ko na ito kagabi from a different source at naisipang gawan ng topic pero naunahan ng antok hehe.



Bale hindi naman bitcoin talaga ang usapin dito at nadawit lang dahil sa pag-convert ng gift cards. Malaki yung amount kung susumahin at naisip ko din na malamang may mga nabentahan din sa forum.

Ang pinaka-issue talaga ay yung malawakang Medicare fraud sa US kung saan target nila yung mga senior citizens. Malawakan dahil sa dami ng mga taong involved mula sa mga 1call center agents from overseas (Pilipinas at sa Latin America)  na nag-engganyo sa mga medicare beneficiaries ng libreng orthopedic service, sa mga 2telemedicine companies at mga 3Doktor na nagbibigay ng mga pekeng prescription gaya ng mga shoulder/wrist/knee braces. sa mga 4medical equipment companies na siyang nag-deliver ng mga hindi kailangang braces sa mga senior citizens.

Tumatayang umaabot sa $1.2 billion ang nakulimbat nila at sinasabing nailabas yung pera sa pamamagitan ng offshore shell companies. Barya-barya lang yung nakuha ng mga call center agents.
Pages:
Jump to: