Pages:
Author

Topic: Paano kaya pag ma-hacked si Coins.Ph? - page 4. (Read 766 times)

full member
Activity: 2128
Merit: 180
May 09, 2019, 08:12:47 AM
#6
para sakin lang, hindi naman kasi talaga dapat mag store ng bitcoins sa coins.ph or kung san man na exchange basta hindi mo hawak ang private key mo. simple lang naman mag transfer to coins.ph kapag kailangan mo na ng pera para makapag cashout pero wag itambak sa kanila
Yes tama kase lahat pwede mangyari at kahit na sabihen naten na regulated sila ng government natin, pwede parin mangyari na takbuhan tayo nila. Sobrang dami ng mga hackers ngayon kaya nakakatakot mag imbak ng malalaking pera sa mga wallet na wala tayong control. Always put your money on a secure wallet, wag basta basta magtitiwala sa kahit anong exchanges.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
May 09, 2019, 07:49:00 AM
#5
Definitely malaking dagok iyan sa industriya ng cryptocurrency sa Pilipinas.  Isipin mo isa sa pinakakilala at pinakamalaking platform sa Pilipinas na hack.  Magkakaroon ng alinlangan ang mga tao na magdeposito o gamitin ang serbisyo ng Coins.ph, maging tayo ay ganun din ang mararamdaman.  

Sa pagkakataon ng hack, wala tayong magagawang tulong dahil tanging ang coins.ph lang ang mayroong access sa kanilang security database.  Ang tanging tulong na magagawa natin ay tangkilikin ang kanilang serbisyo para kumita sila ng porsyento sa bawat transaction na ating gagawin sa kanilang platform at ng sa gayon ay magkaroon sila ng pondo para lalong paigtingin ang kanilang security sa kanilang system.  

Pwede rin gamitin ang support nila kapag nakakita ng mga glitches at bugs.  Dapat nating ireport ito at hindi iexploit.

If ma-hack ang Coins.ph, GG to bitcoin in the Philippines, as I think probably more than 90%(just a guess) ng pilipino ay sa Coins.ph

Before coins.ph merong localbitcoin, sa tingin ko marunong na rin ang mga tao, katulad natin, di naman natin ginagawang bangko ang coins.ph, daanan lang ng mga gusto nating ipapalit into cash ang coins.ph.  At ang coinspro naman ay siguradong may cold wallet yan.  More or less database or ledger lang nakikita natin sa trading nila kasi makikita mo naman kung gaano kabilis ang pagtransfer ng Bitcoin fron coins.ph to coinpro and vice versa.

"There are only two types of companies: those that have been hacked, and those that will be.
-Robert Mueller, FBI Director

Hindi sa minamaliit ko ang Coins.ph at ang security practices nila, pero think about it. Ang Bitfinex at Binance nagkaka security issues, knowing na malaki laking international exchange itong dalawang to. Paano pa ang Coins.ph na local exchange lang? Again, hindi ko minamaliit ang Coins.ph

Another related and very important quote: "NOT YOUR KEYS, NOT YOUR BITCOIN"

Tama ka dyan kaibigan, dapat nating siguraduhin na kung itatabi natin ang ating pinaghirapang Bitcoin ay hawak natin ang private key nito at mayroon tayong secondary or tertiary back up nito.
full member
Activity: 602
Merit: 134
bounty manager? contact me: https://bit.ly/2skHgzN
May 09, 2019, 07:40:59 AM
#4
para sakin lang, hindi naman kasi talaga dapat mag store ng bitcoins sa coins.ph or kung san man na exchange basta hindi mo hawak ang private key mo. simple lang naman mag transfer to coins.ph kapag kailangan mo na ng pera para makapag cashout pero wag itambak sa kanila
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 09, 2019, 07:40:06 AM
#3
Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Sa tingin ko wala tayong maitutulong para sa kanila. Ang pwede lang natin gawin ay protektahan ang sarili nating pondo.

Huwag ituring na bangko ang coins.ph kung saan pinapatagal ang crypto assets dun dahil:
1. Alam naman natin na hindi natin hawak ang private key
2. Kahit gaano kahigpit security, masasabing mga "sitting ducks" pa din ang mga ito para sa mga hackers.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May 09, 2019, 07:37:07 AM
#2
If ma-hack ang Coins.ph, GG to bitcoin in the Philippines, as I think probably more than 90%(just a guess) ng pilipino ay sa Coins.ph naka-store ang bitcoin nila. Pag may nangyari, iisipin ng mga tao sigurado scam nanaman ang bitcoin etc etc kahit na unrelated.

"There are only two types of companies: those that have been hacked, and those that will be.
-Robert Mueller, FBI Director

Hindi sa minamaliit ko ang Coins.ph at ang security practices nila, pero think about it. Ang Bitfinex at Binance nagkaka security issues, knowing na malaki laking international exchange itong dalawang to. Paano pa ang Coins.ph na local exchange lang? Again, hindi ko minamaliit ang Coins.ph

Another related and very important quote: "NOT YOUR KEYS, NOT YOUR BITCOIN"
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355
May 09, 2019, 06:00:58 AM
#1


Sa mundo ng online at cryptocurrency, iisa lang ang sigurado: walang ligtas kahit kanino laban sa mga magagaling na mga hackers na walang ibang ginagawa kundi makapasok sa mga malalaking exchanges at makakuha ng maraming milyon. Gaya ng nangyari sa Binance ilang araw pa lang ang lumipas. Di natin akalain na ang isang malaki at tanyag na exchange tulad ng Binance ay mabiktima ng isang hacking na nagresulta sa pagkawala ng mahigit $40 milyong dolyar.

Napaisip tuloy ako: paano na lang kaya kung ma-hack din si Coins.ph tiyak na maging isa itong malaking dagok sa mundo ng cryptocurrency dito sa Pilipinas kasi marami ng Pinoy ang umaasa sa serbisyo nito...

Kaya umaasa ako sa Coins.Ph na doblehin pa ang kanilang seguridad para sa kapakanan ng mga gumagamit nito at para na rin sa kanilang patuloy na negosyo.

Sa tingin mo, ano-ano ang mga bagay na makatulong tayong mga Coins.Ph users para sa kaligtasan nito?

Pages:
Jump to: