Matagal ko na gustong i-share 'tong nalalaman ko since madaming NFT games na rin na kung saan ay nag-gain ako and mukhang effective ang aking basehan kung papasok pa ba ako sa NFT game na 'to or it's too late. So isha-share ko sainyo kung paano nga ba malalaman kung ang worth it pa bang pasukin ang isang NFT game, ito ay ang mga dapat mong iconsider lalo na't ikaw ay isang baguhan lamang.
So para sa mga hindi nakakaalam, Ano nga ba ang NFT games?
Ito ang mga games na kung saan ay maaaring maka-earn ka ng pera sa pamamagitan ng paglalaro pero bago ang lahat ay kailangan may NFT ka or asset ng game na 'yon para makapaglaro ka. Halimbawa na lamang ay ang Axie Infinity, kikita ka ng SLP o Smooth Love Potion pero dapat mayroon ka ng 3 NFT nila which is yung Axie para makalaro.
So paano nga ba pumili ng isang maganda NFT game na papasukin mo?
Game Syempre the game itself, check mo muna ang game if attractive ba ang game, how complex it is or gaano kaganda ang gameplay. Syempre before magkaroon ng presale or beta niyan, makikita na yung mga images ng gameplay niyan sa Roadmap sa whitepaper, or may mga screenshots and videos na pinopost sa discord or telegram channel. Make it sure na mayroon na kayong idea paano mangyayari sa game before mag-invest dahil pansin ko sa mga nagpepresale or IDO ngayon na NFT game, yung iba ay wala pa masyadong progress pero may pre-sale agad, medyo sketchy 'yon kasi ginagamit lang yung hype ng NFT para kumita agad yung mga devs ng token na 'yon.
Check yung complexity ng game, if madali lang or hindi kasi minsan may mga taong hindi nagiging interesado mag-invest dahil sa complexity ng laro, prefer pa din yung mga games like PVU or AXIE na simple lang ang gagawin. Gawin nating example yung PVU, imagine yung farming mode is madali lang ang gagawin pero ang dami na nakapag ROI lalo na nung early August na players at isa na ako doon. Yan ang madaling pasukin ng mga tao kaya nag-pump ang price ng todo during First Seed/Land offering kasi maraming naging interesado at mukhang madali ang gameplay para mag ROI agad.
WhitepaperDito sa part na 'to, di mo mababasa lahat ng information about sa game. Lahat dapat ng mechanics at NFT na gagamitin sa game ay nakalagay diyan. Dito lagi sinusuri kung ang isang whitepaper ay kopya lamang or kung ito ay original na gawa ng team. Dito mo na rin malalaman ang lahat lahat ng tungkol sa game so magkakaroon ka na ng idea kung paano nga ba ang magiging gameplay ng NFT game at kung anong klaseng token ang maeearn mo sa kada-panalo mo sa laro. Makikita mo din dito ang mga tokenomics at ang roadmap na dapat din nating sinusuri ng mabuti, expect na laging may allocation for the team since sila ay nagdedevelop ng game at hindi biro ang magdevelop ng game, mula sa design palang ay malaking gastos na lalo sa models, bg musics, animations and such, isipin mo na rin ang ibabayad nila sa server na maganda upang maiwasan yung server errors kasi dahil traffic, limited lang ang nakakapasok.
Devs
Consider mo yung devs syempre, always look kung sino ang company behind the game. Madali lang gumawa ng game even kahit sino makakagawa ng game once maaral ang basic game development, madalas na gamitin is unity engine. Syempre mas okay kung doxxed ang devs pero sometimes may mga NFT games na hindi doxxed ang mga devs pero progressive pa din, makikita mo na may mga progress silang ginagawa. So it's a 50-50 situation if magiinvest ka pa ba kung unknown ang devs or pagkakatiwalaan mo sila dahil laging may updates and progress like yung pagdevelop mismo ng game.
EconomyMay mga NFT games na mabilis masira ang economy dahil karamihan ng mga players ay gustong mag take profit. So if pansin mo na okay ang economy ng game at well-balanced lahat mula sa earnings, conversion and such, pwede ka na pumasok niyan. Sometimes kasi nakakapanghinayang mag-entry then biglang magdudump sa kadahilanang madami na nakapag take profit sa game na 'yon. May mga cases din katulad sa Axie Infinity na sobrang daming minted kesa burned pero recently lang, tumaas ang SLP requirements sa breeding kaya tumaas din ang burned SLP. Nagkakagulo lang naman ang economy if sobrang dami na ang players, out of control na nila at babagsak lalo yung token nila so expect ng mga sudden changes sa game kasi mas okay na kontrolado nila ang economy.
NFT PriceConsider mo din itong NFT price dahil syempre kung mahal ang initials at matagal ang ROI, bakit mo pa papasukin? Always remember na may times na pump din talaga pero always check the worst case scenario na "what if bumagsak ulit ng ganito ganyan, makakapag ROI pa ba ako within a month?" Consider everything lalo na kung mahal yung NFT or mahal ang initials sa NFT game, try to look other worthy NFT games na pwedeng mas kumita ka.
New ReleaseSa part na 'to, para sa akin ay malaking factor ito. Kung ay game ay bago pa and na-consider mo lahat ng nabanggit ko sa taas, try to risk kasi alam naman natin na grabe ang profit if nauna ka makadiscover ng game na may possibility na sumikat talaga. So in that case, there's a chance na makapag take profit dahil ROI ka agad ng mabilisan then malaya ka na makakapaglaro ng long-term unlike sa iba na kakapasok palang sa game, di sila mapalagay dahil unsure if kelan sila makakapag-ROI. Mahirap kasi ma-fomo sa mga NFT games na huli ka na dahil ikaw lang din mahihirapan sa huli dahil nga sa sudden changes ng game para ma-balance yung economy, maiipit ka lang.
CommunityBonus nalang 'to, if malaki ang community at mapapansin mo na halos lahat sila ay interesado talaga sila sa project, for sure ang iba diyan ay nakapagresearch or nakapagtanong na directly sa mga admin or staff about sa project. Mapapansin naman natin if ang community ay patuloy na naggrow ibig sabihin patuloy ang progress. Mapapansin mo din na hindi masyadong active ang community kung matagal na walang progress sa game at pinapabayaan na nila. Isa ito sa pinakamagandang basehan if okay ba pumasok sa isang project dahil ibig sabihin non, maraming din nagtitiwala at naglikom ng sapat na info upang mag-invest sila.
Ano ano ang mga NFT games na inaabangan/nilalaro ko ngayon?1. Axie Infinity -
https://axieinfinity.com/2. Plant vs. Undead -
https://plantvsundead.com/3. MIST -
https://mist.game/4. Splinterlands -
https://splinterlands.com/5. Monsta Infinite -
https://monstainfinite.comAyan ang madalas, yung ibang bagay na dapat nating ilook forward is yung mga basics sa pagtingin ng project katulad na lamang ng team which is also similar sa Devs, yung tokenomics, ang pagbasa ng whitepaper, at kung posible ba magawa ang project na 'yon kasi yung iba ay masyadong nangaakit lang pero imposibleng gawin, doon palang ay sketchy.
Always DYOR sa mga NFT games at magbasa lagi ng whitepaper. Goodluck!