PAANO MALAMAN KONG SCAM O HINDI ANG ISANG PROYEKTO SA MUNDO NG CRYPTO CURRENCY?•
TEAM NG ISANG PROYEKTO Dapat hayag ang pagkakakilanlan ng team ng isang proyekto bilang garantiya na tutuo ang kanilang proyekto na maari silang managot sa anu mang maaring kalabasan ng kanilang proyekto, dahil kong hindi hayag ang pagkakakilanlan ng isang proyekto posibling scam ang proyektong iyon dahil hindi nila nais ipakilala ang kanilang sarili bilang isa sa mga developers ng isang proyekto.
Isang malaking problema pagdating sa pag aanalisa ng team ng isang proyekto ay maraming gumagamit ng fake na pagkakakilanlan, kayat dapat maging pamilyar ang mga bounty hunters and ICO investors sa mga legit na team na gumagawa ng isang proyekto upang malaman kong tunay ba o fake ang team ng isang project. Kailangan talaga ng oras upang analisahin ang isang proyekto upang alamin kong scam o hindi.
Maging maingat sa pagsali sa mga bounty and airdrop na humihingi ng personal information na posibling magamit ng mga scammers upang itago ang kanilang sariling identity.
•
WHITEPAPER Kung ang isang bounty hunters ay nagnanais na kumita at hindi nagnanais masayang ang kanyang oras sa pagsali sa mga walang kwentang proyekto makabubuting analisahin munang mabuti ang isang proyekto bago sumali, sa ganung paraan ay malaman sa simula palang kong may posibilidad bang maging scam ang proyektong kanyang sasalihan.
Mas makabubuti kong pagtyatyagaang basahin ang whitepaper ng isang proyekto para alamin kong makatutuhanan ba ang mga nsasaad duon, dahil kong unrealistic ang whitepaper ng isang proyekto malaki ang possibility na scam ang proyektong iyon.
Ayon sa isang ICO annalist si Ryan Dennis ng New York, ICO Alert Company, ang whitepaper ng isang legit na proyekto (ICO) ay hindi maligoy kundi direct to the point, kung kayat kung ang whitepaper ng isang ICO ay maligoy at pinaiikot-ikot ang impormasyon para lituhin ang mambabasa, malaki ang posibilidad na scam ang ICO na iyon.
• PALATANDAAN NG ISANG SCAMMERS Ang mga ilang Scam ICO ay gumagamit ng mga magagandang picture ng model na kababaihan na nilalagay nila sa kanilang company website upang makahikayat ng mga investors upang silay kumita, ngunit ang ganitong strategy ay karaniwang ginagawa ng mga scammers kayat maging maingat sa ganitong proyekto.
Reference sites:https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=47875.0https://www.businessinsider.com/how-to-tell-ico-scam-blockchain-2018-7#the-entire-company-is-run-by-gorgeous-models-1