Hindi talaga ako palagi bumibisita sa section nato hanggang sa na realize ko na napaka importante ng section na ito para sa akin ang akala ko ay mas matoto ako dun sa mga pangunahing section ng forum. Pero ang ending nahihirapan ako dun kasi nga english ang language na ginagamit na hindi naman ako masyado marunong pagdating sa salitang English.
Bakit ko naman nasabi na importante ang local na section natin?
Una > Mga pangunahing dapat matutunan sa cryptocurrency.Dito kasi dapat natutunan ang basic ng cryptocurrency at hindi sana dapat sa ibang section na mahirap intindihin ang mga paliwanag dun dahil sa language barrier na kahit na may visual presentasyon na sampol ay mahirap pa ring maiintindihan. Ito ang mga pangunahing paksa na matutunan sa cryptocurrency:
+ Ano ba ang cryptocurrency (Bitcoin,altcoins)
+ano ba ang blockchain
+Ano ba ang digital wallet at paano gumawa.
+publikong digital na address ng pitaka sa krypto at Paano itago at sigurohin ang seguridad sa pagtago ng pribadong susi sa digital na pitaka ng krypto.
+Paano gawin ang pagbili, pag lipat at pag trade ng mga krypto
+Paano kumita na legit gamit ang forum at krypto/ano ba nag ibig sabihin ng bounty hunting.
Pangalawa> KumunikasyonMas madali ang ating kumonikasyon dahil sa lingwahe na ating gagamitin na wikang pinoy. Sabi nga Dr. Jose Rizal na “ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA; KAYA ATING PAGYAMANING KUSA, GAYA NG INANG SA ATIN AY NAGPALA.”
Pangatlo> Tiwala. Mas mataas ang tiwala natin sa isa't isa kasi kalahi tayo pero ganun paman di rin masyado na mgtiwala kasi alams na yan matic. Pero alam naman natin kung ano ang dapat gawin common sense lang kasi yan na dapat ba or hindi pagtiwalaan ang isang tao. Pero dahil kababayan tayo mas madali magtiwala kaysa sa dayuhan.
Pang apat> Pang usaping teknikal. Pagdating sa teknikal na diskusyon alam ko na mas magaling ang pinoy. Dito tayo magaling sa pagtatalo eh kaya tuloy umaabot sa away. Joke lang talaga namn na magaling tayo sa mga diskusyon mga guro natin ay mga magagaling at matatalino sinabi nga nila na ang pinoy ang isa sa pinakamagaling na sayantist sa buong mundo kaya sa tingin ko pagdating sa diskusyong teknikal sisiw lang ito para sa iba.
Panglima> Pagiging mabuting miyembro.Paano ba maging mabuting miyembro/tagagamit sa forum na ito. Hindi natin dapat hayaan ang mga maling paniniwala ng iba nating mga kasama lalo na sa mga sinabi na ang cryptocurrency at ang forum ay isa sa mabilisang and madaling paraan para kumita ng pera. Hindi naman talaga madali ang kumita pero ito yung dahilan bakit yung mga high rank users/tagagamit sa forum ay galit dahil hindi maiiwasan ng mga shitposter na mgkalat sa kahit na anong section para lamang mg comply ng post sa sinasalihang campaign at kabilang na dun ang mga reports sa social bounty hunting na palaging narereport sa moderator at nasasabing isa sa mga shitposting na aktibidad.
Pang anim> merits and rank system. Dapat matutunan din ito ng mga baguhan para ma engganyo naman sila na gumawa ng quality post. Sa katunayan gumawa ako ng post
boosting morale for newbie para sa newbie dahil gusto ko mamahagi ng merits sa mga wala pang merits na average user. Ito ang isa sa mga motibasyon na mapabuti nila ang kanilang pagawa ng mga sagot o ang pagawa ng paksa pang diskusyon. Mas memorable di ba kung ikaw nag unang makapagbigay ng merit sa newbie at napost sa begginers and help section. Sa kasamaang palad ne wala akong nabigyan dahil parang ayaw din nila eh.
Pang pito> Magbahagi ng kaalaman.Mga kaalaman lalo na sa mga bagon trend ng pag iiskam. Marami kasing uri ang scam kasama na diyan ang mga hackers o di kayay mga manggagantso (Phishing). Isama na rin ang mga magagandang balita lalo na't tungkol sa cryptocurrency. Maiiwasan natin na ang mga scam na yan dahil mas madali na lng natin makilala ang mga modus ng mga scammers.
Pang walo> Pag gawa ng charity.Sa forum nakikita ko na meron ding gustong bumubuo na mga charity para sa mga naghihirap dahil sa pandemic. Kung gagawa tayo ng charity natin mas madali na mabigyan tulong ang prospek na tutulungan natin dahil mgcoordinate na lng tayo sa mga namamahala dun at ipaubaya na lng nila sa atin ang pagtulong para sa local natin.
Pang siyam> Pag gawa ng proyekto sa cryptocurrency.Marami ang users dito at dahil dyan pwde tayo makagawa ng proyekto sa cryptocurrency. Mga legit na proyekto na makakatulong sa mga sumasali nito. Malay natin mga mga pro na traders dito at ang kulang lang nila ay pera pang trade. O di kayay negosyo na gusto nila at paunlarin sa mga budget galing sa mga gustong mag invest. Mas mainam itong gawing legit kahit na maliit lang ang kita at least mayroon paruruunan ang pera natin. Sino kaya dito gusto mg invest na gumawa ng mall? Parati na lng kasi mga instik ang mga malalakas mgpapatayo ng Mall dito at bihira lang ang mall na pinoy ang may ari.
Pang sampu> Usaping gobyernoBaka sakali may gusto dito na imungkahi na ang pera ng taong bayan ay gawan ng blockchain para makita natin kung paano ginasto ang pera ng taong bayan na galing sa mga taxes na kinokolekta nila. Ang pera ni Juan ay para kay Juan at sino ba naman gusto na manakaw ang pera ng taong bayan. Kung may diskusyon tayo rito at makita ng mga miyembro na nanunungkulan sa gobyerno at maisipan to na imungkahi na gawan na lng ng blockchain ang pera natin para madali nating makita kung sino ang mga taong gumagawa ng ghost projects or project through papers lang at wala talaga sa aktwal.
Yan lang siguro muna at bago ang lahat gusto ko batiin kayo na
isang ligtas na araw sa inyong lahat. Stay Home, Save Lives.
Ano sa tingin nyo? Lalo na yung pang sampu. Please delete thread na lang admin kung ito ay hindi pwede.