Ganito, marami akong account, sa IBANG websites. Pero isa lang, sa bitcointalk. Bawat website, ibang account. Bawat banko, ibang account. Dito lang at sa PinoyGuns ako nagkarun ng "Dabs" pero pati ang PinoyGuns nawala na ang forum at naging facebook group, eh hindi naman ako gumagamit ng facebook. (At controversial topic naman ang baril.)
Madali naman ang "how to do it", pero ang actual na gagawen mo, magiging "full time job", at wala kang kinabukasan dyan, lalo na kung dito ka lang nag "hahanap buhay".
Papano magkakapera? Eh di mag trabaho ng "totoo".
Doing signature campaigns is not a real "job" even if you work at it like one. Kunyari sumali ako sa isang sig campaign, the maximum it would pay out is about $180 USD, dapat 150 posts per month or per week? Tapos gawa ka ng 10 accounts ... how long do you think that campaign will actually last?
Do you really earn any "equity" or so called passive income? Does your reputation grow? Do you gain "interest" ? Are you making anything of "real" value that you can leverage in the future?
Ako meron. Pinagtrabuhan ko ba? Medyo, but not really. I just kept this one account, at, ayun, ... nandito na.
I make money elsewhere. Improve yourself. Study. Get certified. Sell yourself. And eventually there will be opportunities that open doors or windows for you.
Ang tanong ng iba, magkano ba kinikita ng moderator dito? $10 kung maliit na "Local" section, up to $300 to $400 kung "Global" ang coverage.
Eh, magkano ang kinikita ng "Legendary" member? Pag sumali ng sig campaign, eh, madali lang icompute, pero babagsak ang "value" mo. Ikaw. Ang kaluluwa mo. How much, hindi ko alam.
For everyone else, isang account, don't copy paste anyone else's posts, and make constructive dialog and discussion with everyone else.
Pag spam, delete. Pag copy paste, banned. Pag 50 accounts na yung ID numbers magkakasunod, banned. Pag 50 accounts na parehas ang username, banned.
Hindi nga bawal ang "farming", pero ano ka ba, magsasaka?
Wag lang garapalan, ... yun lang. At pababayaan ko kayo magsayang ng oras nyo for 0.01 BTC or whatever.
Salamat po sir Dabs, nabasa ko storya mo. Parang kahapon lng wala pang pera pero ngayon mayroon na, basta sisikapin lng natin makukuha natin ang goal dito at dapat interesado para mas successful.
Ang hirap po pala pagsimula parang Hindi ko kaya, sige lng try ko lang gagawin ko ang aking makakaya para mating successful din ako. Salamat po uli