Matagal na akong hindi sumasali sa mga campaigns at ngayong 2020 lang ulit bumalik sa forum. Sa mga kadahilanang pagkaluge at marahil tinatamad dahil sobrang hirap magkaroon ng merit points. Susubukan ko namang tumulong sa mga kababayan habang nanunumbalik ang sigla ko sa trading dahil all green ang signals pagpasok ng taon.
Gusto ko lang magbigay ng mga payo sa mga traders at nagsusubok kumita ng malaki sa crypto.
A. Para sa mga baguhan at nagsusubok kumita dito sa Forum
1. Kung ikaw ay baguhan sa forum na ito ugaliin mong
magbasa. Para matuto at maging familiar sa mga terminologies.
Karamihan kasi sa atin gusto kagad mag-rank up and mag-campaign dahil nakakasilaw nga naman ang laki ng kita kapag sobrang taas na ng rank mo.
2.
Unawaing maigi ang mga binasa. Kung hindi mo naunawan ang iyong binasa baka ito ay magdulot sa inyo ng false sense of security dahil familiar ka sa topic pero wala kang angkop na kaalaman. (Meron ka ngang impormasyon pero hindi mo ito nai-aapply)
3.
Ugaliing i-search sa google kung hindi ka sure sa campaign or feeling mo sketchy yung rates ng campaigns. Suriing mabuting ang campaign na gusto mong salihan. I-background check mo. Tignan mo kung legit ba yung website nila, may mga additional information about sa timeline ng token, may support ba yung campaign at kung may red flags ka na nakita pwede mong i-double check sa
https://bitcointalk.org/index.php?board=83.0 kung similar sa mga nandito ang istilo nila.
4.
Magpost ng mga kalidad. Naalala ko noong nag-sisimula pa lang ako dito sa forum karamihan sa mga kaibigan at kakilala ko ay nagpopost lang para masabing may napost dahil naghahabol. Magpost ng may sense at relevance sa topic na tinatanong, wag basta basta at bara-bara.
B. Para sa mga naluge sa trade at gustong bumawi
1.
Kalkulahin kung magkano ang nalugi. Mahirap balikan at sariwain ang perang nawala na pero ito'y makakatulong para tumatak sa iyong isipan na dapat ito ay hindi na maulit at susubukan mo ulit mabawi ito.
2.
Saan ako nagkulang? By the time na na-compute mo na ang mga nalugi sayo maiisip mo din kung saan ka nagkulang. Hindi ba ako tumingin sa chart bago magtrade? Hindi ba ako nagbabasa ng update ng holdings ko?
3.
Ugaliing magcheck ng charts, update ng tokens at news bago magtrade. Sa simpleng pag-tingin sa chart or kung may update sa telegram ay maaring magdulot ng sure na luge or sure na panalo sa trade. For example,yung token mo is lalabas pala sa top exchanges within a week pero binenta mo kaagad dahil hindi mo nabasa. Check frequently ang charts ng holdings mo either app sa phone or widget sa pc.
4.
Maging positibong ang pananaw sa hinaharap. Ito ang pinakamainam na maiipapayo ko sayo kapatid kung ikaw ay nalugi. Loss is loss pero may mga lesson ka na matutunan along the way. Dapat kang matuto at hindi maglugmok sa sulok. Maghanda sa susunod na pagpapala at tumulong din sa iba.
C. Para sa mga kumikita na at gusto pang dumami ang ipon.
1.
Magtabi ng para sa Savings at funds. Magtabi para may maidudukot sa oras ng kagipitan at pangangailangan. Subukan niyong ihawalay ang expenses account at savings para hindi ito kaagad nagagalaw. 2 Bank accounts [1 Savings, 1 Expenses, 1 Emergency Funds*(Optional)]
2.
Sulitin or I-enjoy ang mga kinita. Kapag nakapagtabi ka na ng pera mo maipapasok mo din sa gastusin mo ang mga gusto mong gawin or bilhin. Mag-travel, mamili ng mga gadgets, mang-treat ng mga mahal sa buhay. Ang pera babalik lang yan pero yung mga experience at panahon mong magbonding sa mga mahal mo sa buhay, kaibigan or special someone ay mas mahirap palitan.
3.
Tumulong sa mga nangangailangan. I-share mo ang iyong blessings, anonymously or intentional as long as ikaw ay nakakatulong sa iba lalo kang pagpapalain. Nakikita ng Panginoon lahat ng iyong ginagawa at nilalaman ng iyong puso. Masayang tumulong lalo na kung nakikita mo ang pagbabagong naidudulot mo sa buhay nila sa simpleng pagtulong mo.
Maraming Salamat sa Pagbasa! Hanggang sa susunod sa muli.