Akda ni:
GazetaBitcoinOrihinal na paksa:
Governs are coming for traders!
Nakausap ko ang isa sa mga kaibigan ko na isang
lawyer, kung saan nagkaroon kami ng ilang pag uusap patungkol sa isang sitwasyon (tungkol ito sa mga
traders na hinahabol ng gobyerno ng
Romania). Ang nangyari ay iniimbestigahan nila ang mga ilang tao kung saan nag papasok ng malaking pera sa kanilang mga banko.
Ang ilang mga traders ay pumunta din para mag pa kunsulta sa mga lawyer pero maski sila ay hindi nila alam paano ipag tatanggol dahil nga ang kanilang mga pera ay galling sa trading, at ito na nga ang dahilan bakit nag tanong sa akin ang isang kaibigan at ano ang pwede kong maibigay na tulong.
Kasalukuyan na nangyayari sa Romania ay dumadami na ang kanilang mga pinapatupad na batas ngayong taon mula sa 30/2910 ang nailimbag na batas. Kasama na dito ang pag babayad ng mga tax sa kanilang mga kinita at isa na dito ang mula sa crypto, kasama na din ang mga taong nag papasok ng malaking halaga sa kanilang mga banko.
Isinabi ko sa kaibigan ko na maaari nilang gamitin ang mga transaksiyon
logs nila sa mga krypto
exchange tulad ng mga pag pasok, pagpapalit sa ibang mga
coins, magkano nila ito pinag bili at magkano nila ito binenta, o di naman kaya direkta nilang kausap ang support ng mga exchange para sa lahat ng proseso ng kanilang account tulad ng mga dokyumento na ginagamit at may awtorisasyon mula sa kanila na maaring gamitin ng mga kliyente. Alam naman natin ang mga exchange na ito ay may
KYC at dapat talagang sumunod sa batas ng
AML (Anti Money Laundering).Nag pa-salamat sa akin ang kaibigan ko na ito para sa mga ibinigay kong maari nyang gawin.
Sa madaling salita: ang gobyerno ay unti-onti nang pumpasok sa mundo! Mag-ingat!Hindi talaga ako sang-ayon sa mga sentralisado na
krypto exchange dahil sa taliwas sila sa kung ano ba talaga ang ideya ng Bitcoin ang pagiging desentralisado at pag gamit ng ibang pag kakakilanlan. Kung lahat lang ay maaring gumamit ng Bitcoin at crypto ay mas maiintindihan ito ng lahat at hindi na magkakaroon ng mga tax sa mga kinikita ng ilan dito, pero hindi dahil ito na ang nakasanayan ng mga tao sa pag gamit ng mga pampalitan ng kanilang mga krypto ay ang gumamit ng mga third party platform kung saan hindi naman talaga ito ang ideya ng Bitcoin.
Panigurado ang ilan ay mas pipiliin pa ding gamitin ang krypto exchange dahil sa mas convenience nga ito para sa kanila pero hindi nila iniisip kung ano pa ang mas malaking impact nito para sa kanila.
1. Mas
convenience nga ito dahil maari mong gamitin ang exchange bilang wallet ( pero hindi ikaw ang talagang may-ari ng mga
coins mo o ng pera mo), maari mo itong gamitin at makapag transaksiyon kahit kalian mo gusto.
2.
Panganib na maaring dala nito ay marami halimbawa nalang ay tulad nga sa naunang usapin ay
hindi ikaw ang mayhawak ng mga coins mo kundi ang exchange. Bakit? Kasi hindi naman ikaw ang may hawak ng privacy key, tulad ng mga nangyari sa Mt. Gox, Binance (dalawang beses na nangyari), Criptsy, Cyptopia, Bitfinex etc. Kung saan ang mga may-ari nito ay maaring tinakbuhan lang ang gumagamit ng kanilang platform, dahil nga hindi ikaw ang tunay na may-ari ng coins mo kundi ang exchange.
Isa pa sa ngayon ay ang pag akto ng mga
sentralisadong exchange tulad ng mga banko at pag kolekta ng kanilang mga impormasyon ng mga gumagamit sa kanilang platform ito ay ang mga
KYC at ang
AML (
Know Your Customer and Anti Money Laundering). Ang gobyerno o ang mga may hawak nito ay talaga bang gusto nilang hawak ang impormasyon ng mga tao.
Ang pag bibigay ng impormasyon mo lang sa mga ito ay para bang wala ka nang ingat sa sarili mo at pag kakakilanlan para lang magamit ang kanilang serbisyo. Tulad ng nangyari sa mga kliyente ng
Coinbase kung saan lahat ng transaksiyon nila kung lahat ng kailangang ebidensya ng mga transaksiyon nila at pati pag babayad ng mga tax ay hindi sila magkakaroon ng problema, ginawa na nga nila sa batas nila na dapat lahat ng tao ay mayroong listahan ng mga lahat ng kanilang ginawang transaksiyon.
Ang isa sa mga problema dito ay pag
wala kang naipakitang ebidensya ng mga transaksiyon mo at
hindi ka pag bayad ng
tax ay maari kanang lumabas bilang
kriminal dahil nag mukhang ilegal ang mga Gawain.
Ako ay sumasang ayon sa isang tanong na “Kung hindi kinikilala ang krypto bilang isang pera bakit pa kailangan mag bayad ng tax para dito?” para sa akin may punto itong tanong na ito. Maaring sagot dito ay kung ito ay nag bibigay ng pera pero kung ang trading ay nag bibigay ng pera ay pwede pero ang pag trade ay hindi lang naman pag bibigay ng kita.
May isang tanong na “Paano ng aba natin mapo-protektahan ang ating pansariling impormasyon?”
3. Kakulangan sa iba pang maaring pagpipilian. Isa sa mga dahilan ay dahil mas mabilis nilang mapapalitan ang kanilang mga krypto pero may iba pang alternatibo dito.
Unang solusyon ay pagkakaroon ng tao sa tao na desantralisadong palitan kung saang ang parehas na tao ay hindi kilala pero gagamit lang nila ang
exchange bilang isang kagamitan para makapag usap ang dalawang gustong mag palitan o mag benta.
Isa pa dito ay ang pagkakaroon ng
cash-in at
cash-out sa mga
Bitcoin ATMs maari din itong gamitin kasi hindi mo kailangan ibigay ang iyong impormasyon pero hindi nga lang maganda ang bigayan ng bentahan dito.
Ang huli ay ang pag gamit mo ng tao sa tao na transaksiyon pero sa mga kilala mo at pawing pinag kakatiwalaan kahit sa hindi pero dapat ay lehitimo ang pag kakakilanlan
Ito lahat ang mga maaring gamitin para ipag palit ang iyong mga krypto patungo sa pera na ating ginagamit, para mapanatiling tago ang pag kakakilanlan ang mga ito ay suhesiyon para sa pag papalit ng mga coins ninyo pero hindi nire-rekomenda itong gamitin para lang maiwasan ang pag babayad ng mga tax, ang mga krypto exchange ay hindi lamang gusto ipakita sa gobyerno na ito ang kanilang transaksiyon kundi maari pang madamay ang kanilang mga pera.
Hindi natin mai-tatanggi na malaki na rin ang na i-ambag ng mga krypto
exchange para sa pag kakakilala ng krypto at kung ano ang meron dito, pero hindi pa din ito patas para sa mga kapalit na maaring ibigay para lang magamit ang kanilang serbisyo.
Edit: Idinagdag ko na rin dito ang isa sa mga halimbawa ng pag hahabol ng gobyerno ng
Romania sa
traders.
Pag ka tapos mag sara nga ang may-ari na si Max Nicula ng
BTCxChange pag katapos ng 1.5 na taon ay hindi sila makapag sara ng maayos dahil sa hinahabol sila ng
ANAF (Romanian bersiyon ng IRS) kung saan iniimbestigahan pa din sila at hinihingan sila ng impormasyon ng mga users nila tulad ng nangyari sa coinbase kung saan sapilitan nilang kinuha ang mga datos ng mga users nila.
Dumaan sa maraming proseso ang nangyari na ito sa
Coinbase pero balik sa usapin sa
BTCxChange, ang ANAF ay nag file ng pormal na request pero si Max Nicula ay hindi nya ibibigay ang impormasyon ng mga kliyente nya hanggat di natatapos ang imbistigasyon.
Edit 2: Para sa mga gusto pang may malaman patungkol sa KYC maari nyong basahin ang mga ito.
Why KYC is extremely dangerous – and useless.