We cannot force them naman kase to post here in our local, at siguro di lang talaga nila trip. If magkaroon ulit ng campaign na tulad ng yobit, for sure magsibalikan na ulit sila dito and choice naman nila yun since may mga campaign na mas pinipili ang mga local poster, so magiging disadvantage ito sa kanila kapag hinde naman talaga sila active. Marami pa naman tayo dito mate, for sure yung iba ay nagbabasa basa naman.
May point naman na personal preferences natin yan kung gusto nating mag reply o hindi. Pero dahil na din sa campaign, parang ang nagiging goal lang natin is mag comply dun sa kailangan kasi binabayaran kaya kadalasan hindi na magbibigay ng time sa local kung hindi naman bayad. May iilan talagang campaign na pinipili minsan ang mga active sa local nila at napansin ko din yung sinabi ni Darkstar_ na talagang ikakasaya ng mga higher rank satin kasi sabi nya baka sa susunod magtanggap sya ng participants sa chipmixer at kukunin nya yung mga active dito sa local natin.
For now, I'm mostly satisfied with where the campaign is at currently. I might still accept a few more people in the near future (definitely someone active in Pilipinas) and will fill slots from applications that have already been made. If you do not wish to be considered, please delete your application post.
Ang napansin ko lang din is parang ganito naman talaga ever since, except when there's Yobit - Cryptotalk Campaign. Nag babayad yun ata daily, if I'm not mistaken, and talagang sisipagan lang ang pag post. I appreciate the fact na pinoint-out mo ito, pero talagang wala masyado tayong magagawa sa ganyan na pangyayari. Malay mo, yung iba pala, alts lang pala.
May factor din naman kasi yung topic, if a person doesn't know what to say about it, mas okay na hindi na lang mag post diba? Kasi mahirap din naman maging active ang mga tao kaso maging non-sense naman ang post or paulit ulit lang. Pangit din naman yun diba?
I suggest, more things na pwede maka relate lahat or madali intindihin or mga forum activity.
Totoo naman. Kasi ako, kung magrereply ako dito sa local, pipiliin ko yung gusto ko lang na topic, yung makakarelate ako or meron akong gusting sabihin. Kaya isang factor din yung topic. Pero since dahil nga ang nagiging focus ay ang short term goal, pag di kailangan, hindi na rin ginagawa ng iba. Sadyang kapansin pansin lang talaga ang pagtamlay ng board. Daily po nagbabayad ang yobit kaya talagang marami sinisipag satin that time. Pero kung babalik man ulit yung yobit mukhang sisipagin po sila at maaring maging active ulit yung local natin.
Maaaring yun din ang isang malaking dahilan kung bakit dumalang ang pagrereply ng ilang mga kababayan natin ay dahil sa pagkawala ng ibang signature campaigns. Nakakalungkot lang isipin na nabubuhay lang ang local boards dahil sa mga ganitong dahilan.
Sabi ng iba nating kabayan parang matagal na daw talaga itong ganito na umuunti minsan ang mga active. Signature campaign talaga ang una kung naisip na dahilan ng pagkonti ng tao sa local natin pero sa tingin mabubuhay naman ulit ang local natin kahit walang mga signature campaign pero sana maganda din kung magiging active tayo kahit walang signature campaign dahil may mga thread dito sa local natin na makakatulong satin para mas lalong mapalawak ang ating kaalaman.
Ung iba na member na buhay lang dahil sa yobit campaign, tapos ngayon unti unti nadin nawawala.
Siguro hindi naman sila tuluyang nawala baka naging busy nga lang talaga sila or may ibang ginagawa. Baka isa talaga din na factor yung signature campaign na hindi bilang ang local kaya nawawala din sila. May mga ibang member pa din sa local natin ang active kahit walang mga signature campaign at tila minsan sila nalang ang parati nating nakikita na bumubuhay sa ating local.