madami din kasi yung mga mahihirap na kababayan natin at yung mga hindi nakapag aral kaya hindi makakuha ng matinong pagkakakitaan kaya npapahawak na lang yung iba sa patalim at na din yung mga masasamang gawain katulad ng pang sscam sa kapwa. pero kung meron silang sipag sa katawan kakayanin naman nila yung kumita ng malinis (siguro)
madami na ngang di nakapag aral at nakahawak ng konting pera o masalestalkan ng maganda kakagat na kasi malaki na yung offer sa kanila kahit napaka imposible na mangyari yun .
Nakakalungkot lang pero siguro ung mga nangogoyo nakikita na sobra hirap kumita kaya nagagawa un, kaya sana wag na lang magtry yong iba pag alam na to good to be true ung offer para wala na din manloko.
yun na nga ang hirap sa mga yan alam na mahirap kitain ang pera nakukuha pa nilang manglamang sa kapwa yung iba nga halos magsangla ng titulo ng lupa para lamang may investment sila tapos ganun ang gawain ng iba diba. pero tama ka din dun burner2014 kung walang magpapaloko walang maloloko.