Yung sinasabi mo na ang altcoin ay nakadepende kay bitcoin parang hindi na ito nangyayari ngayon kasi ilang beses ng nag-pump si bitcoin pero wala naman halos naging epekto sa mga altcoin, pero sang-ayon ako sa sinabi mo na darating din ang araw na mag-pump ulet ang altcoin hindi man ngayon o sa susunod na mga taon pero siguradong mangyayari pa din ito lalo na at mas nakikilala na ang crypto sa iba't-ibang bansa.
Tama ka hindi pa mangyayari ang altcoin season dahil ang mga funds ay papasok pa sa Bitcoin. Remember, malapit na ang halving ni Bitcoin which means malakas ang hatak nito sa mga investors na maaring maging sanhi ng pag-ignore sa mga altcoin. Siguro ang altcoin season ay mangyayari mga ilang buwan pagkatapos ng Bitcoin halving dahil dun pa lang lalabas ang funds from Bitcoin.