Pages:
Author

Topic: Pangkalahatang-Ideya sa mga Browser. Alin ang dapat na gamitin? - page 2. (Read 369 times)

sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
Woah ngayon kulang nalaman to akala ko talaga na yung google is able lang na makakakuha ng data ng user if naka login gmail account mo sa browser pero pwedi palang hindi.
Kaya nakakagulat at in the same time nakakatakot ganito na pala ka advance data mining ng google. Siguro panahon na para mag switch sa ibang browser salamat sa info boss.
full member
Activity: 546
Merit: 122
★777Coin.com★ Fun BTC Casino!
Sa brave browser depende siguro sa gumagamit, kung gusto niya kumita ng BAT dapat mag submit na siya ng KYC kung yan man talaga ang bagong patakaran sa Brave Browser. Ok lang naman hindi ka mag submit ng KYC pero hindi kana makaka earn ng BAT.
Sang-ayon ako sa iyo kabayan. Kaso nga lang, naaalala ko na kaya dumami ang users nila ay dahil diyan sa rewards na inoffer nila tapos biglang nagkaroon ng KYC na patakaran para lang maka-withdraw which is mali kasi yung iba umasa na makakapag-earn sila kahit na hindi mag-submit tapos biglang ganun. Anyway, good browser pa din ang Brave regardless if sasali ka man sa reward program nila.
full member
Activity: 1358
Merit: 100
Sa brave browser depende siguro sa gumagamit, kung gusto niya kumita ng BAT dapat mag submit na siya ng KYC kung yan man talaga ang bagong patakaran sa Brave Browser. Ok lang naman hindi ka mag submit ng KYC pero hindi kana makaka earn ng BAT.
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
ang kyc para sa brave ay para lang sa mga website owners na gusto e receive ang kanilang payouts, sa mga regular user ay hindi ito problema,
~
Not just website owners but anyone who would use the the Brave wallet AND withdraw BAT. Those who would deposit funds beyond $600 are also required to comply.
I dont think marami ang gagamit sa brave wallet dahil sa KYC, ok lang sana kung sa publisher lang pero sa mga users parang unreasonable hindi naman exchange, a bit ironic dahil may privacy stance sila.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
I'm using Firefox and Brave.

Naintindihan ko kung bakit nagbago ang opinyon ni OP (bitmover) tungkol sa paggamit ng brave browser. As a long time user din, I have no issues with the browser dahil andun pa din naman yung data privacy mo. You are not forced to use the brave wallet kung ayaw mo at kung wala ka naman pakialam sa brave rewards program nila, hindi mo kailangan alalahanin ang KYC.

Tanong ko kay @criza, what's your personal opinyon on brave the browser? Ginagamit mo ba?



ang kyc para sa brave ay para lang sa mga website owners na gusto e receive ang kanilang payouts, sa mga regular user ay hindi ito problema,
~
Not just website owners but anyone who would use the the Brave wallet AND withdraw BAT. Those who would deposit funds beyond $600 are also required to comply.
full member
Activity: 339
Merit: 120
ang kyc para sa brave ay para lang sa mga website owners na gusto e receive ang kanilang payouts, sa mga regular user ay hindi ito problema, nilagyan lang nila ng kyc para hindi ma daya ang systema. e correct lang kung nag ka mali ako.

https://support.brave.com/hc/en-us/articles/360032158891-What-is-KYC-
Sa tingin ko ay tama naman ang iyong pagkaka-intindi. Kaya nga lang kung ikaw ay isang website owner, problema sa iyo iyan lalo na kung issue sa you ang privacy at gusto mong manatiling anonymous. Sa kabilang banda since regular user ang tintukoy sa topic na ito, hindi na rin masama na gumamit ng Brave browser since ginagamit ko ito personally at wala naman akong isyu so far.
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
ang kyc para sa brave ay para lang sa mga website owners na gusto e receive ang kanilang payouts, sa mga regular user ay hindi ito problema, nilagyan lang nila ng kyc para hindi ma daya ang systema. e correct lang kung nag ka mali ako.

https://support.brave.com/hc/en-us/articles/360032158891-What-is-KYC-
full member
Activity: 574
Merit: 108
ORIHINAL NA POST: Overview on browsers. Which one should we use? Support free web while browsing ni bitmover

Alam kong karamihan sa mga tao dito ay gumagamit ng Google Chrome. Ito ay isang mabilis na browser at mayroong magarbong bagay na ginagawa ng Google at gusto ng mga tao.
Ngunit ito ay kakila-kilabot para sa iyong privacy, dahil kinokolekta ng Google ang lahat ng iyong data tungkol sa lahat ng iyong ginagawa habang ginagamit ang kanilang mga serbisyo (at walang kinaiba ang Chrome).

Nakita ko ito ang website na ito at nagulat ako sa mga resulta ng pananaliksik na ito
How to disable WebRTC in Firefox?
In short: Set "media.peerconnection.enabled" to "false" in "about:config".
Madali lang di ba?

Ito ang browser na ginagamit ko karamihan, kasama ang config na iyon, kapag wala ako sa trabaho.


2. Tor Browser
Ang Tor Browser ay isa pang rekomendasyon mula sa website na iyon, gayunpaman nakatuon ito sa eksperto. Hindi ito akma sa mga karaniwang pangangailangan ng mga gumagamit.


3. Brave Browser

Ang Brave Browser ay isa ring mahusay na pagpipilian para sa mga bagong mga gumagamit. Gayunpaman sa aking karanasan ito ay maraming bug (maraming mga problema ang nagaganap kapag naglo-load ng mga webpage) at ang kakulangan ng privacy at tanyag na addons ay nagdudulot sa browser na ito na maging huli sa aking pagpipilian. Ang Firefox ay mayroon ding isang mas malaking development team, pag-aayos ng mga bug at pag-update nang mas mabilis kaysa sa Brave.

Ininstall ko ito sa aking computer at ginagamit ko ito minsan, dahil nais kong suportahan ang proyektong ito. Kailangan natin ng mga kakumpitensya sa ekosistema na ito, dahil ang Edge at Chrome ay hindi magandang pagpilian, at halos minomonopolyo ito ng Chrome.


Ngayon ay nangangailangan ng KYC. Ang privacy browser ay nangangailangan ng KYC. Kahihiyan iyan.
https://community.brave.com/t/uphold-kyc-know-your-customer-verification-is-now-required-in-order-to-receive-bat-publisher-payouts/42035/8




Edit:


Mga Mobile Browser

1. Firefox Focus
Awtomatikong hinaharangan ng Firefox ang mga ad at tinanggal ang lahat ng cookies at history tuwing sarado ito. Medyo masakit gamitin minsan, ngunit ito ay isang mahusay na pagpipilian sa privacy.

2. InBrowser
Laging nasa incognito mode at ang lahat ng data ay nalinis kapag ito ay sarado, tulad ng Firefox Focus.


Pagsasalin:
Isinalin sa Hindi https://bitcointalksearch.org/topic/m.51568581
Pages:
Jump to: