Weird topic. Sa title "same value sa btc" pero sa topic content "same value ng peso". Ano ba talaga?
Anyway, kung nakagawa ang Tether company ng USDT, then of course possible rin gawin to sa peso. The question is, kung gumawa man sila ng peso version ng USDT, bakit naman ito magccause na maging worthless and peso? Anong connect?
Lasing ata si OP nung ginawa tong topic.
Tama medyo nakakalito yung topic subject at yung mismong laman ng topic, but anyways mukhang ang focus ay nasa mismong content talaga. Dagdag ko lang dito, mayroon kasi akong nabasa na Stablecoin na nagawa dito sa Pilipinas in which I saw great potential dahil bank mismo ang may gawa, in particular: UnionBank.
Ang announcement ng
coindesk ay noon pang July 30,2019
Ang stable coin ay may pangalang PHX na backed ng mismong UnionBank reserves. Available ito sa mga UnionBank debits account holders. Which I saw as one of the downsides of this stable coin already. Masyado kasi itong centralized at para sa isang cryptocurrency na mangibabaw sa Pilipinas, hindi dapat ito magmumula sa isang partikular na bangko. Magkakaroon lamang ng matinding kompetensya sa mga crypto na posibleng ilabas ng iba.
Ang magandang gawin, mismong sa Bangko Sentral ng Pilipinas na mismo magmula ang crypto na ito, nakabatay sa total na bilang ng supply ng Philippine peso, kung madadagdagan ang physical na supply, madadagdagan din ang crypto. Masyadong malabo itong mangyari, pero sa ngayon, sa tingin ko ay okay na kung mag kakaroon tayo ng crypto na mag uunite sa transaction nating mga Pilipino.