Tulad mo, nagsimula rin akong estudyante at walang kahit anong maipang-invest. Nag-umpisa ako sa pagsali sa kung anu-anong giveaway para lang makapag-ipon kahit magkano. Sinabayan ng pag-post para rin tumaas ang rank (malas lang at naabutan ng merit, kung hindi mo alam ang pinagsasabi ko, pagkakataon mo ito para i-explore hindi lang ang forum, kundi pati na rin ang "cryptocurrency"). Napunta sa pagsali sa mga bounty tulad ng pag-share sa Facebook, retweet sa Twitter, atbp. (may section sa forum tungkol dito, explore ka lang) pati na rin pagsali sa mga signature campaign. Pero dahil nga hindi naman ganoon kataas ang nakukuha ko, naghanap ako ng iba pang paraan. HUWAG mong limitahan ang pag-explore sa cryptocurrency dito sa forum, marami ring ibang website kung saan ka maaaring kumita ng crypto, sabayan mo na din ng pag-aaral.
Base sa naging karanasan ko, narito ang ilan sa mga maaari mong mapagkunan ng iyong unang cryptocurrency:
1. Airdrop - may mga airdrop pa rin naman ngayon, hindi lang ganun kadami tulad dati pero meron pa rin. May iba naman na hindi nangangailangan ng mataas na rank at minsan ay hindi rin kailangan ng bitcointalk account.
2. Giveaway - may mga website, lalo na ang mga crypto casino, na namimigay ng libreng crypto para sa mga manlalaro nito.
Sabi ko nga, huwag mong limitahan ang sarili mo dito sa forum..
3. Faucet - may mga website na nagbibigay ng kaunting crypto sa pamamagitan ng panonood ng ads o iba pang paraan. Kaunti pero makaka-ipon ka rin kahit papaano.
4. Pay-per-Post Forum - Isingit ko na din ito, may mga forum tulad ng
forum.stake.com at
forum.primedice.com kung saan bawat post mo ay may bayad. Kaunti pero makaka-ipon ka.
5. Kung may maaari kang i-offer na serbisyo sa komunidad, i-offer mo! Tulad ng pag-gawa ng website, pag-design ng logo, atbp.
Hindi ka mahihirapan kung may tiyaga ka. Lahat naman nag-umpisa sa wala, pero tignan mo yung iba, ang tataas na nila
Gawin mong inspirasyon. At ibalanse mo lang din ang crypto at pag-aaral. Good luck!