Ang uutak ng mga gumawa nito, alam naman natin na ang lending ay sistema na para tayong ipiniprito sa sarili nating mantika, ganun din naman ito, tapos ang collateral ay ang bitcoin mo, ang tanong paano kung tumaas ang value ng bitcoin mo during that time, malamang peso ang value ng mababawi mo dito o kung hindi man sobrang laki ng kinita nila sa naka collateral mong bitcoin.
sa aking pagkakaintindi, kung tumaas ang value ng bitcoin, siyempre panalo pareho ang lender at ang borrower (pag tumaas ang BTC, nakaHODL pa rin ang borrower dahil di naman niya totally binenta ang BTC nya, mababawi nya rin ito kapag nakabayad na siya samantalang ang lender ay kikita naman sa interest ng pagpapautang).
kung babasahin mo at iintindihin mong mabuti ang mekanismo ng coinlend.ph, win win lang pareho ang lender at borrower at walang magiging lamang o magiging lugi dahil makikinabang ang borrower sa makukuha nitong cash kung kinakailangan nito ng pera nang hindi nagbebenta ng bitcoins sa mga exchanges totally, samantalang makikinabang rin naman ang lender sa pagpapautang dahil sa kikitain nitong interest kapag nabayaran na siya.
samantala, makikinabang naman ang coinlend.ph sa transaction fees o ang bayad sa pagpopost ng loan applications ng mga borrower at pag aaccept ng loans ng mga lender, parang kung paano lang kumikita ang olx.ph, ayosdito.ph or iba pang mga ads website..
ang bitcoins na magiging collateral ay hindi hawak ng coinlend.ph, hindi rin hawak ng lender at hindi rin hawak ng borrower. naka store ito sa isang BTC multisignature wallet sa buong loan term na kung saan ay kekelanganin ng 2 private keys para ma-authorize ang transaction. may hawak na private key ang lender, may hawak na private key ang borrower at may hawak ding private key ang coinlend.ph dahil sila ang kumbaga middle man. ang lohika kung kaya may hawak ding private key ang coinlend.ph ay kung sakaling may isa man na magloko sa lender o sa borrower, kung sino ang matuwid, yun ang pagbibigyan nila ng private key na hawak nila para maaccess ang collateral.
safe din naman ang lender kung sakaling biglaang bumagsak man ang presyo ng bitcoins, dahil merong tinatawag na margin call, na kung saan kapag ang presyo ng collateral na bitcoin ay naging tugma sa presyo ng loan amount plus interest, automatic ang bitcoin collateral ay magiging pagmamay ari na ng lender at wala ng atraso na babayaran pa ang borrower.