#1. dapat meron itong twitter account
#2. Meron dapat telegram for community para pag oras na mgdistribute na ng token nila.. maka pag follow up ka
#3. website dapat meron din cla
#4. kailangan meron din cla whitepaper at roadmap para sa pag track mo nang project nila.
Idea ko lng po ito ha para po di naman po masasayang yung oras natin sa kaka fill-up. Sa mga my idea pa po kun pano po malaman ung mga scammer. Welcome po kayo magcomment. 😊
Ang unang naging scam ICO na nasalihan ko ay Benebit, tinignan ko noon kung meron na silang github, at ok naman at nakita ko na may hinahanda na silang token para sa kanilang ICO, pero nahuli sila ng isang investor nung malaman niya kung saan nagtratrabaho yung mga tao sa kumpanya na iyon, sumakto pa na dinadaanan lang ng isa sa mga investor yung lugar na nakasaad sa LinkedIn account ng mga miyembro ng Benebit ICO, di ko lang sure if nahuli sila pero according to an article- gumastos ang Benebit team ng malalaking pera para ipromote sila ng iba't-ibang ICO promoters. Pangalawa, kung alam mo ang tungkol sa nangyaring Denaro ICO scam, si Ivan Tech na kilalang cryptocurrency enthusiast at youtuber ay in-endorse ang scam campaign na iyon. Ang naging tanging salaysay niya lang, binayaran lang daw siya ng Denaro team upang ipromote ang kanilang ICO. Ang nakakainis doon, sana man lang bago nya i-promote ang ICO, dapat kinilala niya muna ang mga tao sa kumpanya na iyon, kahit man lang sana nakipagmeet-up sya or through Skype man lang.
Nakakalungkot isipin na kailangan lang ng mga scam ICOs na bayaran ang mga promoter para mabigyan sila ng pansin lalo na ng mga baguhan sa ICO!
At kahit sabihin mo na binigyan ka ng token ng isang ICO, ay hindi mo parin sigurado na magagmit mo iyon.