Pages:
Author

Topic: PARA SA NEWBIES NA NAIS KUMITA USING CRYPTOCURRENCY - page 4. (Read 816 times)

full member
Activity: 325
Merit: 100
Sa lahat ng mga newsbies out there hindi po talaga natin masasabi kung ano yong maganda nating tahakin unless magttry tayo maging thankful po tayo kung saan man natin nalaman to dahil po dito ay nagkaroon tayo lahat ng chace para kumita kahit papaano.
member
Activity: 333
Merit: 15
Nice one sa nakaisip nito. Kung isa akong newbie mas madadalian ako kung paano magbitcoin dahil nun ako ay newbie pa lang noon wala man lang ganitong uri ng thread at talaga self study lang ang ginawa ko. Hindi na tulad ngayon daming uri ng thread about information of using bitcoin. Sana dumami pa ang mga ganitong thread at sana marami kapa po matulong na tao. Sana magtulong tulongan kita lahat.
member
Activity: 336
Merit: 55
Part about regarding pala sa token and altcoins, ano pala ang pagkakaiba ng dalawa nito?
Kung ang token ay nagfunction dahil sa tulong ng ibang blockchain like Ethereum Blockchain, edi ang Altcoin ay may sariling blockchaim for transactions?

Isa lamang paglilinaw para din sa mga newbie kaya ko ito naitanong. Thank you.

Ang Altcoins ay cryptocurrency pagkatapos ginawa ang Bitcoin. Nilagay ko na sa taas ang karagdagang impormasyon at maraming salamat na dn sa paalala  Grin


Maganda ang iyong nais at ang iyong pagkakagawa sa iyong thread, PERO SANA, kung maari ay PAKITANGGAL ang GIF Image to make it more formal and to make it more readable, dahil para sa isang mambabasa ay nakakaagaw ito ng atesyon ngunit mas nabibigyang pansin ang mga imaheng ito kumpara sa mga salitang ginagamit.

Natanggal ko na yung GIF sa taas paps! May point ka Grin 
newbie
Activity: 17
Merit: 0
marameng salamat at binigyan mo kame ng mga idea kung paanu at anu ang mga bagay bagay na nandito sa bitcoin.,pero may mga bagay pa talaga akong hindi pa maintindihan sa kadahialanang ako ay ngsisimula pa lamang..sanay patuloy pa po kayong mgpost ng ganito para mas lalo pa po naming mainindihan..
newbie
Activity: 120
Merit: 0
Nakakatuwa na nagawa mo ang info na iyo...malaking tulong sa among mga baguhan ang ginwa mo.salamat.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Maganda ang iyong nais at ang iyong pagkakagawa sa iyong thread, PERO SANA, kung maari ay PAKITANGGAL ang GIF Image to make it more formal and to make it more readable, dahil para sa isang mambabasa ay nakakaagaw ito ng atesyon ngunit mas nabibigyang pansin ang mga imaheng ito kumpara sa mga salitang ginagamit.
full member
Activity: 388
Merit: 100
All-in-One Crypto Payment Solution
hindi na bago yung gantong post pero maganda ang pagkakapaliwanag at pag kakaayus nito nice sana wag madelete tong thread at maiup lang para makita ng mga bagong pasok at hindi na sila mag post na kung ang dapat gawin para kumita
full member
Activity: 378
Merit: 100
Malaki talaga ang maitutulong nito lalo na sa mga mag uumpisa palang sa mundo ng cryptocurrencies para sa pagguide paano mag umpisa.marami pa ang matuto dito kaya ituloy lang ang pag sharing ng mga ganitong guidelines para mas marami pa ang maturuan nito.
jr. member
Activity: 84
Merit: 1
thank you dito nagkaroon ako ng simple kaalaman sa crypto currency. mga nagtatanong kasi kung ano ibig sabihin ng airdrop or bounties, ang hirap pa nman explain yun
sr. member
Activity: 700
Merit: 257
Ayos po yan dahil meron na naman tayong natutunan dito , keep sharing guys lalo na sa mga techniques niyo po and mga guidelines paano napapadali ang inyong career dito, ako kasi full time sa signature campaign lang ako tutok dahil medyo busy sa school at mas priority ko siya ngayon kaysa sa kung anong bagay.
jr. member
Activity: 56
Merit: 4
Salamat sa napakaraming impormasyon na binigay mo, ito ay makakatulong sa akin at sa mga nagpapaturo rin sa akin. patuloy po sana ang mga gantong post na tunay na nakakatulong sa iba. Maraming salamat mabuhay ka kaibigan.
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
Congratulations! Napakanda ng ginawa mo at natitiyak ko na malaking tulong iyan hindi lang sa mga bagong salta na nag-hahanap ng pwedeng pagkakitaan dito, kundi pati na rin sa mga Pinoy na matagal na dito sa forum. Mabuhay ka kaibigan.  Smiley
jr. member
Activity: 98
Merit: 1
Laking tulong nito simple lang at madaling intindihin. Ngayon alam ko na kung ano anu ang kailangan ko para kumita ng cryptocurrency. Sana marami ka pang matulungan tulad ko.
member
Activity: 174
Merit: 35
Part about regarding pala sa token and altcoins, ano pala ang pagkakaiba ng dalawa nito?
Kung ang token ay nagfunction dahil sa tulong ng ibang blockchain like Ethereum Blockchain, edi ang Altcoin ay may sariling blockchaim for transactions?

Isa lamang paglilinaw para din sa mga newbie kaya ko ito naitanong. Thank you.
newbie
Activity: 70
Merit: 0
Sa totoo lang ang laking tulong neto para sa karamihan mas naiintindihan kase namen dahil tagalog kumpara sa english. Mas naliwanagan ako sa mga dapat malaman.
nadagdagan ang aking kaalaman tungkol kung sa papaano kumita ng pera. Saludo ako sayo keep it up.
member
Activity: 336
Merit: 55
Binigyan kita ng merito dahil ikaw ay nakatulong sa ating mga bagohan dito sa bitcoin, ako ay nag papasalamat sayo dahil ikaw ay may mabuting puso at ikaw ay tumutulong sa mga kapwa natin, sana dumami pa kayong mga matulongin sa kapwa at sana rin ay ituloy tuloy mo lang ang iyong nalalaman.
Salamat sa thread na ito. Smiley

Maraming salamat boss at appreciate nyo yung ginawa ko  Grin Marami pa ko gusto ibahagi dito and make sure na iupdate itong thread para mas makatulong sa marami. Medjo nahihirapan lang ako itranslate sa tagalog  Grin

Napaka detalyado naman po nito ang dami kong natutunan, sana hindi po kayo masgsawang tumulong sa mga katulad naming baguhan. ngayong ko lang nalaman na yung metamask ay addons lang pala.

Willing po ako na ishare lahat ng nalalaman ko not because of merits but to reach out these information sa mga kababayan natin na gustong magsimula sa cryptocurrency. Wag mo po kalimutan na i-save yung mga links as your reference.  Wink
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Napaka detalyado naman po nito ang dami kong natutunan, sana hindi po kayo masgsawang tumulong sa mga katulad naming baguhan. ngayong ko lang nalaman na yung metamask ay addons lang pala.
sr. member
Activity: 789
Merit: 273
Binigyan kita ng merito dahil ikaw ay nakatulong sa ating mga bagohan dito sa bitcoin, ako ay nag papasalamat sayo dahil ikaw ay may mabuting puso at ikaw ay tumutulong sa mga kapwa natin, sana dumami pa kayong mga matulongin sa kapwa at sana rin ay ituloy tuloy mo lang ang iyong nalalaman.
Salamat sa thread na ito. Smiley
member
Activity: 336
Merit: 55
Ang thread na ito ay ginawa ko para sa mga kababayan ko na gustong kumita sa cryptocurrency pero hindi alam kung saan magsisimula. Ito ay ilan sa aking mga kaalaman at pinagkukuhaan ng impormasyon kung pano kumita sa ganitong industriya specially, dito sa forum.




Ano nga ba ang mga dapat na meron tayo bago magsimula?

1. Coins.ph Account / App (Download online or on playstore)

Ito yung ginagamit mostly nating mga pinoy para magconvert ng Ethereum and Bitcoin to Philippine Peso. Pwede mo sya iwithdraw through Cebuana, Direct sa bank account mo, or cardless withrawal using security bank.

2. ERC20 Wallets

TIPS: Ito yung mga wallets na ginagamit ko madalas sa  mga bounties ko or kung saan natin pwede ilalagay yung mga ERC20 tokens rewards natin sa airdrops and bounties. Paalala ko lang na hindi lahat ng bounties and airdrops ay ERC20 based tokens or related kay Ethereum Blockchain. May mga tokens or coins na may sariling wallet or specific blockchain wallets so basahing mabuti ang instructions bago sumali.

    ✔ MyEtherWallet (no download needed / online wallet)
    ✔ MetaMask (Firefox and Chrome browser add on)
    ✔ imToken (iPhone / android)
    ✔ Coinomi (Mobile wallet)
    ✔ Jaxx (Mobile / Desktop wallet)

3. Online Notepad (Ito yung ginagamit ko)

Listahan nyo ito para ma-save nyo yung sinasalihan nyong bounties and airdrops. If my computer kayo, alam nyo na kung ano mga dapat gamitin or depende sa diskarte nyo. (Microsoft Excel). Sa cellphone ko lang naman ginagawa lahat ito since wala pa ko computer.  Grin

4. Coinstat / Blackfolio (Mobile app)

Para matrack nyo yung price movement ng cryptocurrency nyo from airdrops, bounties or even sarili nyong investments. Pwede rin gamiting nyo yung website na COINMARKETCAP para sa live update ng altcoin prices.

4. Social Media Accounts - Facebook, Twitter, Instagram, Reddit, Slack, Telegram, Discord, LinkedIn, Medium, etc. Ito ay nakadepende pa rin sa bounty na sasalihan nyo kung paano mo iaadvertise yung platform nila  Wink





Ano nga ba yung AIRDROPS?

Ito yung mga tokens na nakukuha natin ng libre kapag may may nakatago kang tokens pag may event or partnership yung project. Nakukuha din ito sa pamamagitan ng pagsali dito sa Bounties (Altcoins) section. Press "Ctrl+F" tapos type nyo "Airdrop" at pwede din namang "Bounty" kapag naghahanap kyo ng passive income by means of advertisment.





Ano nga ba yung BOUNTIES?
Ito yung magiging freelancer ka ni cryptocurrency project sa pamamagitan ng pag aadvertise mo sa kanila. Nahahati ito sa ibat ibang uri ng campaigns tulad nito.

1. Forum Signature Campaign
2. Facebook Campaign
3. Twitter Campaign
4. Content/Blog Post/Article Campaign
5. YouTube Video Campaign:
6. Translation Campaign
7. Referral Campaign
8. Telegram Campaign
9. Reddit Campaign
10. Et cetera  Grin

Ito yung example ng bounty campaign at ilan sa mga instructions kung papaano makasali. Ang allocated rewards na makukuha mo sa bawat campaigns ay hinahati by means of percentage. CLICK HERE





Ano nga ba yung CRYPTOCURRENCY?

Ito ay isang digital o virtual na pera sa internet na dinisenyo or ginagamit na daluyan ng palitan ng pera internationally. Ginagamit nito ang cryptography upang ma-secure at i-verify ang mga transaksyon pati na rin ang pagkontrol ng mga bagong yunit ng isang partikular na cryptocurrency. Mahalaga ang mga cryptocurrency ay limitado sa mga entry sa isang database na walang maaaring baguhin maliban kung ang mga partikular na kondisyon ay natupad.

REFER HERE or CLICK THIS para sa karagdagang kaalaman





Ano nga ba yung ALTCOINS?

Short word ng ALTERNATIVE COINS. Ito ay cryptocurrency na nahahati sa COINS at TOKENS (tignan ang kahulugan sa ibaba). Ang alternatibong cryptocurrencies na inilunsad pagkatapos ng tagumpay ni BITCOIN. Sa pangkalahatan, tinururing nila ang kanilang sarili bilang mas mahusay na mga pamalit sa Bitcoin.





Ano nga ba yung BLOCKCHAIN?

Ito yung tinatawag na DIGITAL LEDGER kung saan mo makikita ang mga transaksyon na ginawa sa bitcoin o ibang cryptocurrency ay naitala nang sunud-sunod at sa publiko.

Ito yung examples ng blockchains or websites na connected sa blockchain. Lagay nyo lang yung wallet address then click search.

1. Ethplorer (For ERC20 tokens / supported by Ethereum)
2. Etherscan (For ERC20 tokens / supported by Ethereum)
3. Blockchain (For Bitcoin transactions)

PAALALA: Ang mga COINS ay may sariling blockchains at may sarili silang website na konekatado sa blockchain nila. Doon mo makikita yung mga galaw ng iyong transaksyon, mga nakatago mong cryptocurrency sa wallet mo at dun mo rin machicheck kung failed or success ay iyong transaksyon.

NGUNIT: Madalas, hindi nakatala sa blockchain ang mga transaksyon ng mga wallet galing sa exchange market lalot kung ito ay hindi decentralize.





Ano nga ba yung COINS?

Ito yung mga cryptocurrency na may sariling wallets at blockchain.

Click mo ito para examples

REFER HERE or CLICK THIS para sa karagdagang kaalaman





Ano nga ba yung TOKENS?

Ang Tokens ay isang representasyon ng isang partikular na asset o utility, na karaniwang naninirahan sa ibabaw ng isa pang blockchain. Sila yung cryptocurrency na umaasa sa blockchain ng isang COINS.

Click mo ito para examples







Magtulungan tayong mga pinoy para maibahagi natin yung mga nalalaman natin sa ibang gustong matuto at kumita. Magreply kyo sa thread na ito at malugod akong iaupdate ito with your name to take the credits as always.

CLICK HERE for more advance information. Enjoy mga kababayan!

image loading...
Pages:
Jump to: