Kung ikaw ay nakikipag-trade dito sa forum sa ibang mga members, mahalagang malaman mo ang mga bagay na ito. Maliban sa mga password change at mga recently woke up accounts, maari din tignan ang mga posting behavior ng isang account. Kadalasan, malaki ang pinagkaiba sa style ng mga bagong may-ari (malamang scammer) ng mga na-hack na accounts sa orihinal. May mga nababasa din ako na bigla na lang nagiiba ang local language
Marami dapat tayong malaman para makaiwas sa mga possible scammers. Kailangan nating magaaral ng mabuti at kailangan magkaroon ng pior knowledge para malaman natin ang mga bagay bagay sa ating paligid. Sa mga woke up accounts na bigla bigla na lang lumalabas at sumusulpot, maaring tignan natin ang kanilang posting behavior para malaman kung sila ay possible user na scammers.
Kapag ang isang account dito ay nagbago ng password o kaya woke up after a certain period of inactivity, mas mabuting humingi ka muna ng signed message galing sa mga nagamit nya na dating address o kaya kung may staked address sya para siguradong ang transaction mo ay sa taong may-ari talaga ng account. Mahirap na baka kasi nabenta na o na-hack yung account.
Kapag ang isang user ay may kakaibang behavior o kakaibang activities, mas mabuting tignan nating mabuti ang kanilang account dahil ito ay sensyales na sila ay scammer. Magpapalit sila ng previous password, ito ay isa sa mga strategy nila sa panghahack ng account kaya mas mabuting maging alerto sa ating paligid para makaiwas sa mga ganito.