Pages:
Author

Topic: People power na ba? - page 2. (Read 250 times)

legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
November 26, 2024, 07:23:36 AM
#8
Sobrang tagal na ng dramahan na ito sa senado tsaka lang naman lumabas ito dahil sa malapit na naman ang election this upcoming 2025 at alam naman nating palakasan at buwagan na naman sila ng mga kani-kanilang panig at sobrang daming oras na ang nasasayang sa puro hearing, tas ngayon nag lalabasan sila ng mga baho ng isat isa. Nanonood ako ng mga live pa tungkol dito pero puro dramahan at tantrums nalang nangyayari sa kanila.
hero member
Activity: 3052
Merit: 606
November 25, 2024, 08:18:00 AM
#7
Nanood kayo lang live kanina? Dumalo sa VP sara at parang ibang VP na, hindi na yata natatakot kasi matapang na ang dating. Saka nalaman ko rin, hindi pala pwdeng ma contemp si VP kaya pwede niyan bwesiten ang mga congressmen. Well, sana lang palagi siyang dumalo para masaya ang HOR.

nag request nga pala si castro ng i extend ang contemp period ni Atty Lopez to 10 days, hindi ko lang alam if na approve ito..
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
November 24, 2024, 09:26:51 AM
#6
Nasa gitna lang ako pero kahit hindi ko binoto si Digong, gustong gusto ko ang pamamalakad niya. At itong nangyayari sa anak, panigurado hindi niya din yan gusto. Noong panahon ni Leni, si Leni ang panay batikos kay Digong pero never nangyari yung mga ganito against sa kaniya, panay salita lang ng pang aasar at criticism pero hindi humantong sa mga ganitong threat, illegal detention at iba pang mga pulitikal na galaw. Pero ngayon, dinidikdik talaga si Sara ng mga pinagkatiwalaan niya. Pero sa totoo lang, kung ano man ang nangyayari sa pulitika ngayon, mas naaawa ako na ang layo at lihis na lihis ang issue na dapat ay mapunta sa mga kababayan nating hindi pa rin nakakabangon sa ilang bagyo na dumating na.  Undecided
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
November 24, 2024, 08:07:31 AM
#5

Skeptical ako sa people power since wala naman magaaksaya ng panahon para sa ganito. Siguro wait nalang talaga ng next election.

Hindi ka nga updated kabayan, hehe.. check mo yung na share ni OP, hindi na EJK ang topic diyan kundi ang confidential fund na iniimbistigahan ng Congress na hindi naman in aid of legislation ang ginagawa nila. Gusto kasi nila na merong proper liquidation nag "confidential fund", which is malabo kasng mangyari yan since confidential nga eh.
 
Tingnan mo itong video na ito. Confidential vs intelligence fund : What’s the difference?

mas maiintindihan natin ang confidential fund. Dating COA commisioner na mismo nagsabi na walang resibo ang ganyan, pero pinag pipilitan pa rin ng mga crocs.
hero member
Activity: 1484
Merit: 597
Bitcoin makes the world go 🔃
November 24, 2024, 07:30:58 AM
#4
Hindi ako updated kung ano na nangyayari sa bansa natin since sobrang walang kwenta ng mga pinapriority ng government natin lalo na sa senado. Aksaya budget para sa EJK topic na mostly drug addict naman ang victim. Kung nilalagay nlng sana sa mga programa na magboboost ng economy ang gnagamit na pondi ng senado para sa walang kwentang hearing na ito ay matutuwa pa ako bilang tax payer.

Honestly, si BBM na yata ang pinaka worst na naging presidente dahil halos wala syang presence tapos walang mga big platform na nararamdaman ng mamayan bukod sa pagpapalawak ng pagkuha nya ng tax na wala naman naboboost sa economy natin dahil sa dami ng corrupt politician.

Skeptical ako sa people power since wala naman magaaksaya ng panahon para sa ganito. Siguro wait nalang talaga ng next election.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
November 24, 2024, 07:06:13 AM
#3
Hindi ko agad naisip ang People Power siguro kasi malabo pa itong mangyari sa ngayon, yung Bise Presidente ang nasa hot seat ngayon at hindi ang Presidente, pero hindi natin maaalis na may mga issue na related sa kanila.

Andaming kadramahan nangyayari sa pulitika kaya hindi mo na talaga alam kung totoo pa ba o may halong palabas? Dahil alam naman natin na madalas ganito na lang nangyayari sa mga ganitong sitwasyon.

Kung ako tatanungin, syempre gindi kagusto-gusto ang nagyayari ngayon sa ating bansa. Asan na ang pinangako nilang Unity? Pagkawatak-watak ang nangyayari, kabaliktaran. So para sa akin, maling leader ang binoto ng ibang nakakarami. I’m not PBBM nor Duterte Supporter.

Kung may mga naging pagkakamali o maling hakbang mula sa mga lider, dapat silang managot sa pamamagitan ng tamang proseso. Ito ang pundasyon ng demokrasya.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
November 24, 2024, 06:26:42 AM
#2
Mukhang maaga pa kabayan pero delikado na rin si VP Sarah kasi nag threat na siya sa president, so mangyayari na parang kalaban na rin siya ng state. Subaybayan nalang natin ang susunod pang mangyayari pero kung sakaling dakpin nila si Sarah, tiyak maraming supporters yan mga AFP sa kanila patin na rin mga MNLF. wag naman sana mag martial law baka ma experience rin natin nangyari before.

Kagabi merong prayer rally sa Davao pero sabi sa vlog nakita ko, hinarangan daw mga daanan ng mga sasali. Medyo concern lang din ako kasi parang mga ganyang news merong black out ang mainstream media, siguro bayad rin sila.
hero member
Activity: 3052
Merit: 606
November 24, 2024, 06:07:56 AM
#1
Guys, have you seen the news last night that Atty Lopez brough to the hospital dahil inatake ng anxiety dahil dadalhin daw sa womens correctional. And because of that, nagalit na rin si VP sarah and she goes live saying things against the president, her wife and the house speaker.  

Kayo ba, gusto nyu ba ang nangyayari ngayon sa ating bansa, tama ba ang leader na binoto natin or kailangan na ng people power para palitan ang pangulo ngayon. Survey lang kung marami bang PBBM and Duterte Supporters dito.



https://www.abs-cbn.com/news/nation/2024/11/23/ovp-chief-of-staff-zuleika-lopez-brought-to-hospital-from-house-detention-0828
https://newsinfo.inquirer.net/2008278/sara-duterte-chief-of-staff-falls-ill-rushed-to-hospital

FULL VIDEO: VP Sara Duterte holds an online press briefing | Nov. 23
Pages:
Jump to: