Proof lang ‘to na hindi talaga ginagamit nang maayos yung fund na dapat for public use. Kahit bago pa magkaroon ng ganitong isyu dapat may sapat nang security ang PhilHealth sa laki ng nakukuha nilang contrubition sa mga tao. Hindi na sana umabot sa ganitong point na sosolusyonan nila yung malware, naprevent sana to umpisa pa lang kung nagagamit namg maayos ang fund. Worse, dahil namgyari na, ang tagal pa rumispundi.
Lagi silang nasa issue at totoo na madami silang pera dahil madaming contribution ang mga Pilipino members sa kanila. Sabihin na totoong anti virus na expired ang naging susi para makapasok yung ransomware sa kanila, yung mga IT staff nila na petiks na trabaho lang sana naman nagbigay ng notice dahil parang sa pagkakarinig ko sa balita April pa ata na expire at sobrang tagal na kung tama yung pagkakarinig ko ha. Sa paggastos ng fund, madami sigurong misused funds pero baka ang masakit na katotohanan, wala sigurong sapat na allocation para sa cyber defense.
Totoo na after ilang araw o buwan, dapat balikan kung tinotoo ba nila yung pangako. They should he held accountable.
Sana nga at hindi lang puro parinig sa media ang mangyayari kasi sigurado tayo na after ilang buwan ay wala na itong issue na ito at matatambakan lang ng panibagong issue ulit. Alam natin siste dito sa bansa natin kapag may mga kontrobersyang mga ganito.