Ang mga biktima talaga nito, yung mga walang alam sa crypto. Yun ang hinahanap ng mga scammer. Parang networking lang yan e, dinadaan nila sa mga magagandang salita. Sa totoo lang, marami ng insidenteng ganito, yung mga scam, kaso, hindi nadadala ang ibang tao. Sabi nga nila, walang manloloko kung walang nagpapaloko. Hindi porket magandang kita ang pinangako sayo, papasukin na kaagad, pag-aralan munang mabuti dahil pero mo ang nakasalalay diyan. Kaya ang SEC, talaga hindi sila nagkukulang sa pagpapaaalala sa publiko, nasa tao na lang din minsan ang problema.
Tama ka brad yung mga nabibiktima lang talaga dito yung mga taong wala man lang hints kong ano anh crypto. Kadalasan sa kanila pag pinangakuan bibigay agad yang mga yan without knowing kung ano yung pinapasok nila, tas combination pa ng pagiging sakim sa pera ganyan talaga magiging resulta kalaunan mascascam lang.