Generally mas may potential to keep USD or USDT pa rin kumpara sa Peso at stable coin nito. Sa mga global exchanges nga meron earning pa talaga like a normal bank ng Pinas at mas mataas pa. USDT ko ngayon nasa Bybit dahil palaging meron launchpool doon for USDT at decent earnings rin naman kaysa nakatambay lang.
Anyways, ang Ph stable coin ay sa Coins pa lang naman. Not sure kung mag expand sa ibang local platforms like Maya at GCash. One thing is clear, dapat maging competitive sila dahil kawawa naman tayong mga Pinoy dinedeprived sa mga opportunities na meron sa global platforms gaya ng Binance na pinaban pa talaga.
Ibig sabihin hindi pa ito ganun ka competitive, ito yung facts na dapat makita ng iba, dahil sa totoo lang ang gagamit palang nyan ay yung mga tao na related sa cryptocurrency, pero ako kahit crypto lover ako ay hindi ko parin yan gagamitin, dahil tulad mo mas gugustuhin ko pa yung usdt kesa dyan.
Hindi dahil sa ayaw kung tangkilin kundi dahil hindi ko pa kasi talaga makita yung usage nya para pansinin ng mga community dito sa crypto industry, pero kung gagawan nila yan ng ibang marketing strategy na katulad ng stablecoin like usdt ay pwede ko pang masabi na may laban pa.