oo nga no chief mga 1,500 lang ba ang price ng solar? saan ba ang magandang bilihan ng solar kasi maraming nagsilabasan kaso sa quality baka hindi sgurado sa quaipo at divisoria ang dami kaso di nakakasiguro sa kalidad kung sulit ba yung gastos dun
Yup, meron ngayong mga murang solar panel, yung CDRking ang gamit ko, though gawa siyang chekwa, okay lang, matibay din naman siya and malakas din mag supply ng kuryente...
Malaking gastos pa yan diba sir kasi bibili pa nung panel tsaka yung battery nya para dun stored yung kuryente,mga magkano ba ang isang panel ng solar di ba mahirap yan kabit kung newbie ang mag aasemble.
Bro hindi, matipid lang siya, kasi DIY lang siya, di mo na kailangan bumili ng inverter and battery na deep cycle, need mo lang ng UPS, kalikutin niyo lang, kayang kaya niyo yan sigurado ako...ang second hand na UPS bro sa isang libo maganda ganda na yan...
haha magandang ideya nga fan chief diegZ. marami nagsigawaan ng ganyan na mga classmate ko ngayong sem sa science fair about sa solar panel nayan. for alternative lang kasi yung ginawa nila page nawalan ng kuryrnte at is a dun yung pwede magcharge. laki ng tulong nyan e. especially provinces .
Yup, maganda talaga siyang alternative source ng kuryente.. try niyo mga chief, bili kayo nung mga CPU fan, kabit kabitin niyo, mga apat na piraso, tapos ikabit niyo sa 20 watts na solar panel, libre electric fan na kayo niyan...
Yan din ang problema ko, Kung bibili nman pano kaya yun ikakabit at anong ibang bibilhin na mga kailangan. Baka rin may magkakabit kung sa legit ka na supplier bibili.
kayang kaya mo pag set up nun bro, tsaka mura lang magagastos mo diyan...wala pang limang libo if ganyan lang kasimple ang set up mo..