Kinakabahan ako sa ganto lalo na recently lang eh may nakita ako sa facebook group na sinalihan ko about sa trade sa binance, naiscam sya dito sa P2P, tapos ayun hindi na sya binayaran minura daw kase,... although parang yun lang di ba, napaka unreasonable para hindi mo bayaran, in the first place naman hindi ka mamumura kung wala kang kabalbalan na ginawa,...
Pano kaya solusyon ng Binance sa mga defaulted na trades? lalo na sa malamang eh mga alt account mga gamit ng mga hinayupak na toh eh.
So far, pag nag sell ng btc/alt sa p2p, yung buyer naman 'yung una na mag'sesend, 'yung users na nasa pic if ever nga makipag deal ka. Ang gagawin lang is to make sure nga na nag transfer siya ng exact amount sa account mo, mas mabuti gamit gcash at paymaya since walang reversal diyan di tulad ng bank to bank though never ko pa ginawa pero parang possible since bank.
Siguro ang possibility lang na ma scam sa p2p gamit ang mga pag gamit like gcash is through fake sms pag seller ka, na mag papanggap na ginawa ng ka deal mo, since kahit di mo tignan ang account mo as long na may dumating na text na nakareceive ka ng fund from other user is okay na.
Pero dapat talaga always titignan ang account nga nag reflect na ang balance, since di ko alam bat di magawa gawa ng gcash na i'real time 'yung transaction history nila.
The same yan sa paymaya na may nag te'text sayo pag nag send ka or received ng fund.
Na experience ko ito while nag bebenta online, tinignan ko Gcash name nung sender ng SMS pero parang nasa iba yung convo record di napunta sa dating record ng gcash sa sms na andun lahat ng activity ko, so tinignan ko gcash account ko 'la parin, at puro insist na yung buyer na if naka received na daw ako ng sms from gcash sabi ko Oo, at nag send na daw siya at baka internet connection lang daw at loading issue ng gcash. Then mayamaya, nag text ulet yung fake na gcash, sorry maintenance daw amp kaya kinunpronta ko, na ito porte ko di mo ko ma loloko sa mga ganyan, ganun, ayun di na nag reply amp Hahah. Laki pa naman yun. So ingat-ingat din.
Related naman sa binance as long na di mo pa na'release yung fund at nag report ka dahil nga scam attempt yun siguro madaling ma so'solve yun with screenshots lang, pag ikaw yung seller. Pero pag na release mo na then na realize mo wala talagang pumasok na pera sa wallet/ bank account then di ko na alam anu solution ni binance. Pero possible as long na nasa binance account pa ang crypto pwede pa ito i'reverse since internal lang ang process.
Pag buyer ka naman tapus nag send ka na ng funds sa account na binigay ng seller then natapus na yung time at di pa niyA nirelease ang crypto then report nalang din, di ko alam anu hatol ni binance pero siguro ma so'solve naman yun, banned yung scammer then transfer sayo yung crypto.