Pages:
Author

Topic: Pilipinas bilang isa sa mga pinaka-aktibong komunidad ng Bitcoin sa Asya. (Read 653 times)

hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Eto siguro ang palagay ko tungkol sa topic na ito. Baka naman ang tinutukoy nila na pinaka-aktibong parte ng pagkakaroon ng isang cryptocurrency community ay ang dami ng tao na aware sa cryptocurrency o sa Bitcoin mismo. Hindi ito siguro something about mass adoption ng Bitcoin sa ating bansa, which is unlikely kasi nga dami pang hindi nakakaalam tungkol sa crypto. Baka ito sa dami ng tao na nasa social media at bitcoin community sa discord, telegram, youtube at iba pa na nagbibigay siguro ng ideya sa masa about Bitcoin and cryptocurrencies. Meron din naman kasi tayong coins.ph at Abra na pwede na kumuha ng pera sa mga sanglaan. Anyway, yun ang opinion ko tungkol diyan.
sr. member
Activity: 789
Merit: 273
Ganoon na pala kadami ang mga nakaka-alam ng cryptocurrency ngayon dito sa Pilipinas. Buong akala ko noon, kokonti lang din talaga ang mga Pilipino na nakaka-alam nito. Pero mali ako sa pag-underestimate sa mga kababayan natin. Baka nga marahil yung mga Pilipino mas late pang nakadiskubre sa akin ng bitcoin ay mas malaki na ang knita kaysa sa akin sa tagal kong naging inactive lalo na sa forum na ito. Marahil ay ang lalong pagdami ng mga aktibo sa bitcoin ay ang pandemic at ngayon mas hype dahil masyadong mataas na ulit presyo ng bitcoin. Ngayong pandemic kasi madami ang nawalan ng trabaho at umuso ang mga online job. At dahil online na nga halos lahat, madali na ding makita sa internet ang tungkol sa cryptocurrency sapagkat napakadaming ads ngayon tungkol sa crypto.
Marami nang may alam sa Bitcoin sa Pilipinas ang tingin nga lang nila dito dati ay sa parang Scam investment dahil nga nasasangkot ang Bitcoin sa mga illegal activities pero nung umangat ang presyo nito doon na lalong sumikat ang Bitcoin sa bansa natin at lalo pang maraming tumatangkilip dito at mga company na gumagamit nito.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Habang tumatagal ay nakikilala na ang cryptocurrencies or bitcoin dito sa pinas, lalo na ngayon dahil sa pandemya maraming taong naka tambay sa internet at nakikita nila ang mga ads na nag uudyok kong ano nga ba ang bitcoin, exchanges, at trading. Dahil dito madaming pinoy ang nagiging aktibo at nakakahikayat ng ibang tao para kumita sa bitcoin.

Kung ako tatanungin mo parang unti unti nang dumadami ang mga tao na nalalaman ang tungkol sa cryptocurrencies at nagiinvest na kahit paunti unti. Ang mga kaibigan ko na dating nagiinvest at nagcashout noong 2018 crash ay nagsisibalikan na kahit na pakonti konti lang ang kanilang pinapasok. Ang hindi ko lang maramdaman ay ang government support sa crypto investments or even attempts na magkaroon ng government projects para maging financially literate ang mga tao.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Kahit yung mga kaibigan ko na sinabihan ko about crypto noon 2017 ay naging busy sa mga bounties at ICOs. Noong nangyari ang ATH noong 2017 at big crash ng 2018 ay sabay nagsulputan rin ang mga scam na ICOs, scam na airdrops, low paying bounties, walang kwentang campaigns, at marami pang mga pangit na pangyayari na nagsanhi sa mga kaibigan na iyon na huminto sa crypto. Meron pa nga isa sa mga kaibigan ko na nagkasakit noong 2018-2019 dahil sa crypto kaya huminto. Ngayong mataas na ang crypto ay nagtatanong sila ulit at sana naman maging seryoso na sila doon.
sr. member
Activity: 644
Merit: 252
Nabasa ko ang isang article na ito from Cointelegraph na tungkol sa bitcoin being a necessity sa ating bansa.
https://cointelegraph.com/magazine/2021/01/29/crypto-in-the-philippines-necessity-is-the-mother-of-adoption

Sinasabi din dito na napakaraming outlet para sa ating mga kababayan upang makabili or makagamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency. Medyo napaisip ako sa unang part nito saying that Philippines is one of the most active countries in Asia. Hindi sa nagda-doubt ako about it but because I am not feeling that activeness in our country.

Nagcacashout ako in some of these outlets or remittance centers pero wala silang idea about it. They knew coins.ph but they are not familiar with cryptocurrencies. Sinasabi din ng article na 10% ng population nating ang gumagamit ng cryptocurrencies, which is like 11M kung gagamitin natin ang numbers dito sa site na ito.

Para sa inyo mga kababayan. Since ang presyo ay sobrang tumataas, nararamdaman niyo ba ang pagiging active ng ating bansa pagdating sa paggamit ng cryptocurrencies? O ang mga tao ay naghahanap lang ng efficient or safe ways, considering that we are still have the pandemic, to transact their money using these mobile apps or exchanges?

Sa mga lugar na napuntahan ko na dito sa ating bansa partikular na sa Manila at Metro Manila, ang nakita ko lamang na outlet na may related sa cryptocurrency ay ang Palawan Express Pera Padala sa piling lugar. Hindi ko masiadong matandaan kung mayroon ang ilang 7/11 kasi hindi ako masyadong pumapasok sa mga 7/11. Kung mayroon namang mga online shops na pwedeng magbayad o bumili ng cryptocurrencies ay wala din akong alam. Siguro kaya nasabing pinaka-aktibo ang ating bansa ay madami ang mga nag-a-access at gumagawa ng mga transactions sa mga trading sites pati na din siguro sa mga mining sites, gayon na din madami ang mga nagda-download at gumagamit ng mobile apps na related sa cryptocurrencies tulad ng coins ph. Alam naman natin na ang mga Pilipino ay mahilig sa gawain online tulad na lamang ng pagti-tiktok gayon na din madaming mga hackers kaya magagaling ang mga pilipino sa mga gawain na konektado sa internet.
full member
Activity: 573
Merit: 100
Futurov
Ang natatandaan ko super sigla Pinoy community noon up to 2017 dahil napakaraming ICO projects, at parang wala pang mga scammers at di pa uso ang fake noon. Kaya nga di ako makapaniwala na babayaran ako ng halos 1M pesos equivalent sa isang ICO project/program na aking sinalihan. Iyan ang experience na di ko malilimutan sa pag-sali sa bitcointalk. Thank you, bitcointalk.org!

link to my reward: https://bitcointalksearch.org/topic/m.38416760
Tama, way back 2017 -2018 napakaraming Pinoy and bumubuhay sa crypto community dito sa Pinas. Hindi uso ang scammers at phishing noon dahil puro grind lang talaga ang dapat mong gawin para kumita at 95% legit ang mga projects at ICO. Kaso lang madami dina ng huminto at umalis nooong nag bear market na pag pasok ng 2018, ang akala ng marami ay tuloy tuloy na ganoon ang market ng crypto pero hindi nila na realise na ng crypto market ay isa ding stock exchange market na hindi palaging bull run. Yun ang mahirap pag hindi sapat ang kaalaman pag dating sa crypto, akala ng madami noon na puro income at profit lang.
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
Ang natatandaan ko super sigla Pinoy community noon up to 2017 dahil napakaraming ICO projects, at parang wala pang mga scammers at di pa uso ang fake noon. Kaya nga di ako makapaniwala na babayaran ako ng halos 1M pesos equivalent sa isang ICO project/program na aking sinalihan. Iyan ang experience na di ko malilimutan sa pag-sali sa bitcointalk. Thank you, bitcointalk.org!

link to my reward: https://bitcointalksearch.org/topic/m.38416760
member
Activity: 182
Merit: 10
Ganoon na pala kadami ang mga nakaka-alam ng cryptocurrency ngayon dito sa Pilipinas. Buong akala ko noon, kokonti lang din talaga ang mga Pilipino na nakaka-alam nito. Pero mali ako sa pag-underestimate sa mga kababayan natin. Baka nga marahil yung mga Pilipino mas late pang nakadiskubre sa akin ng bitcoin ay mas malaki na ang knita kaysa sa akin sa tagal kong naging inactive lalo na sa forum na ito. Marahil ay ang lalong pagdami ng mga aktibo sa bitcoin ay ang pandemic at ngayon mas hype dahil masyadong mataas na ulit presyo ng bitcoin. Ngayong pandemic kasi madami ang nawalan ng trabaho at umuso ang mga online job. At dahil online na nga halos lahat, madali na ding makita sa internet ang tungkol sa cryptocurrency sapagkat napakadaming ads ngayon tungkol sa crypto.
full member
Activity: 573
Merit: 100
Futurov
Base sa obserbasyon ko mas tumaas lalo ang porsyento ng mga gumagamit ng bitcoin sa ating bansa lalo na nung nagsimula ang pandemya. Dahil bukod sa walang ibang libangan ang mga tao bukod sa internet at online businessess, gaya nga ng sabi nya ginagamit din ng mga oportunista ang pagkakataong ito para makapanlinlang ng iba nating mga kababayan at higit sa lahat ma hype ang market.
Tama, ginawa nilang sulit yung oras ng lockdown nung nakaraang taon na wala talagang labasan ng bahay. Kaya may mga kababayan tayo na nagresearch at ginamit yung oras na yun para alamin yung mga basic tungkol sa bitcoin.

Tama makikita sa social media tulad ng facebook at twitter na parami talaga ng parami ang mga Pilipinong natututu sa cryptocurrency. Member ako ng iba't ibang facebook and twitter group page at doon ay makikita na ang Pilipinas ay pakonti konti ay nag aadapt na sa crypo world. Madaming newbie na nag papatulong at madami din naman na crypto literate na nag tuturo sa kanila. Sana lang ang umabot dito sa forum ang pagiging active ng mga Pilipino sa crypto. Nang sa ganun ay maging active din itong local Pilipinas.
Yun nga eh, ang daming mga facebook groups na mga active talaga mga kababayan natin tungkol sa crypto at madami ring mga discussion.
Sa tingin ko hindi nila alam itong forum na ito. Karamihan ng nakakaalam nitong forum na ito ay ang mga nga simulasa crypto noong 2015 - 2017. Pero yung mga nag simula nitong lang 2018 onwards ay hindi na familiar dito. Madami silang hindi matututunan dahil napaka daming information na naka kalat dito sa forum na pwede nilang magamit as reference. Way back 2017, itong forum lang nag aking puhunan para matuto at mag simula sa crypto.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Base sa obserbasyon ko mas tumaas lalo ang porsyento ng mga gumagamit ng bitcoin sa ating bansa lalo na nung nagsimula ang pandemya. Dahil bukod sa walang ibang libangan ang mga tao bukod sa internet at online businessess, gaya nga ng sabi nya ginagamit din ng mga oportunista ang pagkakataong ito para makapanlinlang ng iba nating mga kababayan at higit sa lahat ma hype ang market.
Tama, ginawa nilang sulit yung oras ng lockdown nung nakaraang taon na wala talagang labasan ng bahay. Kaya may mga kababayan tayo na nagresearch at ginamit yung oras na yun para alamin yung mga basic tungkol sa bitcoin.

Tama makikita sa social media tulad ng facebook at twitter na parami talaga ng parami ang mga Pilipinong natututu sa cryptocurrency. Member ako ng iba't ibang facebook and twitter group page at doon ay makikita na ang Pilipinas ay pakonti konti ay nag aadapt na sa crypo world. Madaming newbie na nag papatulong at madami din naman na crypto literate na nag tuturo sa kanila. Sana lang ang umabot dito sa forum ang pagiging active ng mga Pilipino sa crypto. Nang sa ganun ay maging active din itong local Pilipinas.
Yun nga eh, ang daming mga facebook groups na mga active talaga mga kababayan natin tungkol sa crypto at madami ring mga discussion.
full member
Activity: 573
Merit: 100
Futurov
Nabasa ko ang isang article na ito from Cointelegraph na tungkol sa bitcoin being a necessity sa ating bansa.
https://cointelegraph.com/magazine/2021/01/29/crypto-in-the-philippines-necessity-is-the-mother-of-adoption

Sinasabi din dito na napakaraming outlet para sa ating mga kababayan upang makabili or makagamit ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency. Medyo napaisip ako sa unang part nito saying that Philippines is one of the most active countries in Asia. Hindi sa nagda-doubt ako about it but because I am not feeling that activeness in our country.

Nagcacashout ako in some of these outlets or remittance centers pero wala silang idea about it. They knew coins.ph but they are not familiar with cryptocurrencies. Sinasabi din ng article na 10% ng population nating ang gumagamit ng cryptocurrencies, which is like 11M kung gagamitin natin ang numbers dito sa site na ito.

Para sa inyo mga kababayan. Since ang presyo ay sobrang tumataas, nararamdaman niyo ba ang pagiging active ng ating bansa pagdating sa paggamit ng cryptocurrencies? O ang mga tao ay naghahanap lang ng efficient or safe ways, considering that we are still have the pandemic, to transact their money using these mobile apps or exchanges?
Baka nga hindi mo lang talaga feel ang pagiging active ng mga kababayan natin sa crypto. Pero ako, feel na feel ko kasi parami na ng parami ang nagkakainteres at kusang nag invest at nagkakaroon ng kaalaman patungkol sa crypto. Yung tipong sila na mismo nagreresearch kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi tulad dati, nagtatanong muna sila sa mga kakilala nila. Ngayon, nangsusurprise na sila eh, kusa nalang sila nag iinvest kasi alam na nila ginagawa nila.
Tama makikita sa social media tulad ng facebook at twitter na parami talaga ng parami ang mga Pilipinong natututu sa cryptocurrency. Member ako ng iba't ibang facebook and twitter group page at doon ay makikita na ang Pilipinas ay pakonti konti ay nag aadapt na sa crypo world. Madaming newbie na nag papatulong at madami din naman na crypto literate na nag tuturo sa kanila. Sana lang ang umabot dito sa forum ang pagiging active ng mga Pilipino sa crypto. Nang sa ganun ay maging active din itong local Pilipinas.
sr. member
Activity: 728
Merit: 266
Despite na itong bansa natin ang isa sa mga pinaka-active na komunidad, most of them were from NCR and Luzon area. Yung iba nasa Cebu City at Davao City ata. Kahit ganun ka active ang Pilipinas, I still believe na in terms sa whole population, mga 0.01% pa lang ata tayu ang nag Bitcoin, crypto, etc. Kaya I consider na fresh pa rin sa Pilipinas ang crypto dahil wala pa tayu sa massive adoption in other industries.
Konti palang talaga pero kumpara sa mga nakaraang taon, mas mataas na porsyento ngayon ng mga kababayan natin na nasa crypto na. Sumisikat na crypto sa bansa natin kaya yung ibang mga scammer, ginagamit din kasikatan ng crypto para makapanloko ng mga kapwa natin.

Sa palagay ko mas marami pang bansa sa Asia ang mas actibo pa kaysa sa Pilipinas.
Nandyan ang Japan, India at Thailand pero nagsimula talaga karamihan sa Japan lalo na yung mtgox.



               Base sa obserbasyon ko mas tumaas lalo ang porsyento ng mga gumagamit ng bitcoin sa ating bansa lalo na nung nagsimula ang pandemya. Dahil bukod sa walang ibang libangan ang mga tao bukod sa internet at online businessess, gaya nga ng sabi nya ginagamit din ng mga oportunista ang pagkakataong ito para makapanlinlang ng iba nating mga kababayan at higit sa lahat ma hype ang market.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Habang tumatagal ay nakikilala na ang cryptocurrencies or bitcoin dito sa pinas, lalo na ngayon dahil sa pandemya maraming taong naka tambay sa internet at nakikita nila ang mga ads na nag uudyok kong ano nga ba ang bitcoin, exchanges, at trading. Dahil dito madaming pinoy ang nagiging aktibo at nakakahikayat ng ibang tao para kumita sa bitcoin.
Ang nakakalungkot lang sa iba sa social media, meron ding mga spam na scammer na ginagamit ang bitcoin bull run para makapangloko. Naalala ko may napanood ako sa tv na nabiktima nung mga spam na yun. May magandang nangyayari pero may mga nabibiktima din talaga ng mga spam scam na yun dahi alam nila na active na tayong mga pinoy sa crypto.
full member
Activity: 512
Merit: 100
Habang tumatagal ay nakikilala na ang cryptocurrencies or bitcoin dito sa pinas, lalo na ngayon dahil sa pandemya maraming taong naka tambay sa internet at nakikita nila ang mga ads na nag uudyok kong ano nga ba ang bitcoin, exchanges, at trading. Dahil dito madaming pinoy ang nagiging aktibo at nakakahikayat ng ibang tao para kumita sa bitcoin.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 283
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Despite na itong bansa natin ang isa sa mga pinaka-active na komunidad, most of them were from NCR and Luzon area. Yung iba nasa Cebu City at Davao City ata. Kahit ganun ka active ang Pilipinas, I still believe na in terms sa whole population, mga 0.01% pa lang ata tayu ang nag Bitcoin, crypto, etc. Kaya I consider na fresh pa rin sa Pilipinas ang crypto dahil wala pa tayu sa massive adoption in other industries.
Totoo yan mukhang fresh pa rin itong bitcoin sa atin bansa kasi mga pinag tatanongan ko sa mga tao dito sa lugar namin parang hindi nila kilala ang bitcoin if kung may nakakilala man lang pero yun yung mga tao na babad sa online selling or gaming. At aktibo pa naman ang bitcoin sa atin at lalo na marami na rin nakakilala sa crypto ngayon at pilit na nila gumagawa ng paraan para kumita dito. Pero karamihan talaga mga taong gumagamit nito ay nasa bandang luzon at Cebu kaya aktibo ito.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Despite na itong bansa natin ang isa sa mga pinaka-active na komunidad, most of them were from NCR and Luzon area. Yung iba nasa Cebu City at Davao City ata. Kahit ganun ka active ang Pilipinas, I still believe na in terms sa whole population, mga 0.01% pa lang ata tayu ang nag Bitcoin, crypto, etc. Kaya I consider na fresh pa rin sa Pilipinas ang crypto dahil wala pa tayu sa massive adoption in other industries.
Konti palang talaga pero kumpara sa mga nakaraang taon, mas mataas na porsyento ngayon ng mga kababayan natin na nasa crypto na. Sumisikat na crypto sa bansa natin kaya yung ibang mga scammer, ginagamit din kasikatan ng crypto para makapanloko ng mga kapwa natin.

Sa palagay ko mas marami pang bansa sa Asia ang mas actibo pa kaysa sa Pilipinas.
Nandyan ang Japan, India at Thailand pero nagsimula talaga karamihan sa Japan lalo na yung mtgox.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Sa palagay ko mas marami pang bansa sa Asia ang mas actibo pa kaysa sa Pilipinas. Maraming crypto enthisiast sa Pilipinas pero hindi natin mapagkakaila na hindi pa ganun kakilala ang crypto currency sa ating bansa. Iilan pa lang sa ating mga kababayan ang macoconsider na may kabuuang kaalaman sa crypto, karamihan ay mga baguhan pa lang at nag sisimula pa lang mag explore. Idagdag pa nating ang outlets na tumatanggap ng crypto na napakalimited pa hanggang ngayon. Sa pag dating ng panahon, naniniwala ako na mas marami pang Pinoy ang mahihikayat na sumabak sa crypto dahil sa dala nitong potential.
In the past few years oo I think lamang padin ang ibang bansa sa asya If titingnan natin ang community nila before compare saatin pero today with the recent bull run ehh nakita ko na sobrang lumobo ang naging interesado sa crypto at dumami ang mga nag simula mag trade sa crypto market. I think isa sa biggest factor kung bakit dumami ngayon bull run ang naging interesado sa crypto or on bitcoin is dahil sa pandemic, Maraming nakulong sa kanilang mga tahanan at somehow nakuha ng cryptocurrency ang kanilang attensyon. Lumobo din ang certain facebook groups na connected sa crypto community. Actually meron akong mga kakilala na biglang naging interested sa crypto/bitcoin ngayong pandemic.
hero member
Activity: 1820
Merit: 537
Sa palagay ko mas marami pang bansa sa Asia ang mas actibo pa kaysa sa Pilipinas. Maraming crypto enthisiast sa Pilipinas pero hindi natin mapagkakaila na hindi pa ganun kakilala ang crypto currency sa ating bansa. Iilan pa lang sa ating mga kababayan ang macoconsider na may kabuuang kaalaman sa crypto, karamihan ay mga baguhan pa lang at nag sisimula pa lang mag explore. Idagdag pa nating ang outlets na tumatanggap ng crypto na napakalimited pa hanggang ngayon. Sa pag dating ng panahon, naniniwala ako na mas marami pang Pinoy ang mahihikayat na sumabak sa crypto dahil sa dala nitong potential.
hero member
Activity: 2282
Merit: 659
Looking for gigs
Despite na itong bansa natin ang isa sa mga pinaka-active na komunidad, most of them were from NCR and Luzon area. Yung iba nasa Cebu City at Davao City ata. Kahit ganun ka active ang Pilipinas, I still believe na in terms sa whole population, mga 0.01% pa lang ata tayu ang nag Bitcoin, crypto, etc. Kaya I consider na fresh pa rin sa Pilipinas ang crypto dahil wala pa tayu sa massive adoption in other industries.
member
Activity: 952
Merit: 27

Nagcacashout ako in some of these outlets or remittance centers pero wala silang idea about it. They knew coins.ph but they are not familiar with cryptocurrencies. Sinasabi din ng article na 10% ng population nating ang gumagamit ng cryptocurrencies, which is like 11M kung gagamitin natin ang numbers dito sa site na ito.



Hindi lang sa Coins.ph may experience ako na isang teller sa Tambunting na walang idea sa mga Cryptocurrency na nasa dashboard ng Abra kasi naparami kasi buti na lang sa kanya at open minded sya at marunong mag research oin their ownkaya naging Cryptocurrency investor sya agad, maraming ganito mga teller sa remittance na walang idea kung ano ang Cryptocurrency, kung yung mga teller na palaging nakaktransact ng Cryptocurrency ay hindi aware, lalo na ang mga pangkaraniwang tao.
Pages:
Jump to: