Kahit naman dati pa, kahit wala pang merit system bibihira lang naman ang mga Pinoy na nage-engage sa
legit na discussion. Mas lalo ngayon na maraming restrictions at pati yung merit system, mahihirapan sila makagawa ng mga informative post na makakakayod ng merits. So the easiest way is to create a thread na translated at hindi alam kung ano mismo yung topic na tinatagalog nila. May nakita pa nga ako na ginamitan pa ng google translate, Hindi na nga originated yung topic sa inyo, hindi pa aayusin yung pagka-translate.
Uunahan ko na kayo, kung sa tingin niyo na hindi nakakagana mag-post sa local dahil unti lang naman nagbibigay ng merits.
Halos lahat ng merits na na-receive ko is from local. So wala na dapat magiging rason yung iba to shitpost here kasi alam kong kaya niyo rin yung ginagawa ko. Marami ng saksi sa mga hakbang na tinapakan ko at alam nila na nagsimula rin naman ako sa mababa.
I highly recommend to revise a topic if gusto niyo talagang mag-share ng topic from other boards para lang mapatunayan na kayo mismong mga OP ay naiintindihan yung pinagta-type niyo rito. Honestly speaking, kung ang reason niyo talaga dito is kumita ng pera kaya napadpad kayo, hindi kayo tatagal dito.
If you don't have the passion to learn bitcoin, then you can't stay here long since it's a forum about bitcoin and not about kachings.I know that many Filipinos are here not because of learnings or information, but we want to earn also. Just like me. Unfortunately, we disregard also the value of our localboard.
As Rizal said, "ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda."
Actually, hindi talaga lahat pumunta rito for the profit, kasi sa totoo lang may mga kilala ako dito na tumatambay for the sake of information tas syempre dahil matagal na sila dito, nag-try na rin ng campaigns para multi-purpose ang pag-stay dito. Sa totoo lang we're lucky enough to have our own local board kasi marami ang walang local board at sa international sections lang sila natambay, unlike sa atin na nagkakakilala through discussion sa ating local mismo.
Totoo naman na naging matumal ang board matapos ang cloudbet signature pero huwag natin i-single out ang signature campaigns. Bakit hindi din natin tignan ang mga nagpo-post lang dito for the sake of merit? Simula nung naging strikto na si @cabalism13 sa pagbibigay ng merit, biglang natigil din yung mga translated to tagalog guides na dati ay sunod-sunod.
Wala namang masama kung i translate ang guide, the problem is parang wala namang nagtatry na gumawa ng guide kaya walang engagement na nangyayari pagdating sa discussion. Siguro much better kung magfocus tyo sa mga current events at situations na pwede nating ilabas ang mga paniniwala natin. And I agree na kapag walang incentives, wala rin ang motivation para magpost.
I already made one translated topic out of many owned topics pero ni-revise ko yan based sa pagkakaintindi ko. Also, those who have sMerits ay may kanya-kanyang taste sa pagbibigay ng merits, don't set your standards kasi dahil sa ganito lang nag-fofocus magbigay si ganito. Mas maganda nga yung nae-experience mo lahat and you'll discover in your own way kung ano ba talaga ang kulang at mali mo. IMO, walang mali sa guides, well it's not attractive to the sMerits givers but for those who want to learn the tagalized version of a specific information, makakatulong yon ng sobra sa kanila especially sa mga hindi fluent sa english. Pero for those who are creating tagalized version of topics from the other board for the sake of merits, itigil niyo na yan, you will not improve, ako na nagsasabi sa inyo.
Also, iwas iwasan din natin maging hypocrite kasi marami namang informative post at threads na nagagawa ng mga quality poster dito pero di ko napansin na nag-engage yung iba para magsimula ng discussion. Kadalasan yung mga reply ay dun lang sa mga
mega threads or yung mga madadaling intindihin. Sa isang actual forum in reality, yung mga reply sa mega threads na non-sense, invalid agad pagdating don. Kahit naman sabihin nating may campaign sila and restricted mag-post sa local, kung disiplinado lang talaga yung mga tao sa paggawa ng topic, masarap rin tumambay dito. Paano tayo gaganahan eh basta makagawa ng topic from news website tapos ilalatag dito, anong sense diba.