Pages:
Author

Topic: Pilipinas, isa sa mga nangungunang bansa na interesado sa Web3 game - page 2. (Read 214 times)

legendary
Activity: 1708
Merit: 1280
Top Crypto Casino
Hindi na nakapag tataka dahil nga sa umusbong yung axie dito satin sa pilipinas ay until now hoping padin yung mga tao para sa play to earn and gusto talaga nila now mauna unlike before na medyo na late na sila dahil sobrang mahal na nung mga pang farm na character, even though maging top 1 ang pilipinas still hindi natin mai-tatanggi na greedy padin ang ilan kasi nag bubuhos agad lahat ng investment at hindi padin natuto sa daming dumaan patungkol sa p2e games. If they see the potential of the web 3 and not just with the game to earn is theres a chance they can earn more.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Nakakatuwang isipin na since 2021 hanggang ngayon ang Pilipinas ay nasa top 1. Nagpapatunay lamang ito na marami talagang mga gamers dito sa ating bansa at ngayon nag transition na sila sa Web3 games. Malaking tulong pala talaga ang Pilipinas para sa ikakasuccess nito kasi sa pagkakaalam ko wala masyadong mga pinoy na gumagawa ng Web3 games.
At naniniwala talaga ako dito kasi may mga kakilala rin ako na gumagamit ng Web3 games upang pagkakitaan ng pera. Alam niyo naman siguro kung ano yung Axie Infinity, napakaknown kasi nyan noon, pati mga kapitbahay namin ay naglalaro din nyan. Kaya pala mas madami ang gumagamit ng app na yun kasi may "scholar" sila na tinatawag na kung saan ay makakapaglaro sila for free at kumita ng pera. Imadyin, kung walang mga pinoy ang naglalaro nito ay siguro hindi mahahype ang mga whales na mag invest dito.
full member
Activity: 406
Merit: 109
Isa ang Pilipinas sa mga bansang nasa top 15 na nagpapakita ng kanilang interes sa Web3 games simula 2021 hanggang ngayong taon. Ilan din sa mga bansang kabilang sa Southeast Asia ang napabilang sa listahan tulad ng bansang Singapore at Vietnam.



Code:
https://www.coingecko.com/research/publications/web3-gaming-interest-countries

Makikita sa larawan na ang Pilipinas ay nangunguna sa listahan simula 2021 hanggang 2023. Marahil nagsimula ito dahil sa pandemic kung saan nanatili tayo sa acting mga tahanan at tanging internet ang naging source ng libangan at income na rin para sa iba. Mag mula nung nauso ang web3 gaming sa ating bansa ay nagtuloy-tuloy ang pagkaengganyo at pagkakaroon ng interes ng mga tao dito.

Kahit marami sa ating mga pinoy ang kulang pa sa kaalaman pag dating dito, nakakatuwa pa rin na makita na marami pa rin ang mga Pilipinong interesado pagdating sa Web3. Maaaring maging daan ito para mas mapalawak pa ang adoption at pagpapakilala sa crypto dito sa ating bansa. Anong masasabi nyo rito?
Pages:
Jump to: