Pages:
Author

Topic: Pilipinas isang Top Crypto Country (Read 372 times)

hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
June 23, 2024, 05:17:20 AM
#35
Medyo dumami pero baka konte lang din ang may totoong may alam sa crypto, yun talagang regular na ang transaction nila. Kasi  itong crypto or bitcoin ay naging popular lang sa bansa natin lalo na kung bull run, at saka maraming mga ponzi scheme na ginagamit ang kasikatan ng crypto. Isa pa, yung mga POGO sa philippines, ginagamit rin daw for crypto scams, kaya siguro dumarami na rin, pero yun nga, konte lang yung totoong gumagamit talaga based on its real purpose.

Ito tama yung pinupunto mo, nakilala lang naman ang crypto s bansa natin nung mga panahon na rampant pa ang ponzi at ginamit ang Bitcoin o cryptocurrency para makapangloko ng tao at madaming nabiktima way back 2017.

Hanggang ngayon nagagamit parin naman ang Bitcoin sa  mga paraan ng crypto scamming though natigil naman ang ponzi, basta kung san makakakita ng opportunity ang scammer ay dun ito aatake ng pang iiscam talaga gamit ang crypto o bitcoin.

Karinig ko lang din sa balita na nagagamit rin pala ang crypto sa mga POGO. Nako nadamay ulit ang crypto sa mga walangyang scammers at ibang illegal activities. Although mas rampant pa rin naman ang scam sa fiat money. Parang negative lang talaga ang treatment ng mainstream media at ng ating gobyerno pagdating sa crypto.

Maraming Pinoy ang involved sa legit na crypto pero baka di rin ito umabot ng 1% sa loka na populasyon. Kaya marami pa rin mga scammers dahil majority at halos lahat parin ng mga Pinoy ay walang alam sa crypto.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
June 21, 2024, 06:30:55 PM
#34
Medyo dumami pero baka konte lang din ang may totoong may alam sa crypto, yun talagang regular na ang transaction nila. Kasi  itong crypto or bitcoin ay naging popular lang sa bansa natin lalo na kung bull run, at saka maraming mga ponzi scheme na ginagamit ang kasikatan ng crypto. Isa pa, yung mga POGO sa philippines, ginagamit rin daw for crypto scams, kaya siguro dumarami na rin, pero yun nga, konte lang yung totoong gumagamit talaga based on its real purpose.

Ito tama yung pinupunto mo, nakilala lang naman ang crypto s bansa natin nung mga panahon na rampant pa ang ponzi at ginamit ang Bitcoin o cryptocurrency para makapangloko ng tao at madaming nabiktima way back 2017.

Hanggang ngayon nagagamit parin naman ang Bitcoin sa  mga paraan ng crypto scamming though natigil naman ang ponzi, basta kung san makakakita ng opportunity ang scammer ay dun ito aatake ng pang iiscam talaga gamit ang crypto o bitcoin.
hero member
Activity: 3052
Merit: 685
June 21, 2024, 02:10:29 AM
#33
Medyo dumami pero baka konte lang din ang may totoong may alam sa crypto, yun talagang regular na ang transaction nila. Kasi  itong crypto or bitcoin ay naging popular lang sa bansa natin lalo na kung bull run, at saka maraming mga ponzi scheme na ginagamit ang kasikatan ng crypto. Isa pa, yung mga POGO sa philippines, ginagamit rin daw for crypto scams, kaya siguro dumarami na rin, pero yun nga, konte lang yung totoong gumagamit talaga based on its real purpose.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
June 18, 2024, 11:08:43 PM
#32
Dahil siguro ito sa mga farmers or airdrop hunters dito sa bansa natin kaya nasa top tayo. Napakaactive natin sa crypto but I think volume wise wala tayong palag sa ibang bansa since napakarami lang nating users but most of us are just seeking free money. Wala nga yata akong alam na big and active running crypto project na pinapatakbo ng pure Filipino team, yung matatawag nating successful Filipino crypto project. Majority ng project na Filipino devs ay nadidiscriminate dahil sa past rugs or fails ng kapwa nating pinoy.
I think may point ka kabayan kadalasan kasi sa mga Pinoy ay sellers due yo priorities in life but marami din naman yatang holders. And yeah I agree na yung mga airdroppers, bounty hunters at mga NFT players yan sila yung sa tingin ko ay nagpapataas ng bilang sa atin since mostly dyan tayo galing not unless you are already a trader before coming sa cryptospace. Namomonitor din yata kasi ng mga websites kung saan galing yung traffic most especially forums na kung saan ay meron talagang designated local boards same dito. At hopefully makakakita din tayo ng malaking crypto related improvements dito sa atin which drives hesitants and other potential investors to dive into crypto in the near future.

         -      Lalo na ngayong mas madami ang hyped na hyped sa tap mining games. Dahil parang trabahong pang tamad tapos pwede silang kumita ng malaki kahit wala pang kasiguraduhan ay ayun iniisip nilang yayaman na sila kaya karamihan ay parang TAP is life for them. Dami kung nakikita na ganyan sa FB actually.

Bukod pa yan sa airdrops na isa din sa kinababaliwan ng mga karamihang mga kababayan natin na crypto community  na majority din talaga sa kanila ay mga gullible din at hindi maingat, sa halip sunod lang din sa trend, kung saan madaming tao sunod din sila. Kaya dyan sila nadadale ng mga scammers, kaya ingat-ingat naman sana sila.

Given talaga na dumami ang mga Pinoy sa mundo ng crypto pero ang hanap nila ay libre o di kaya ay maliitan lang na kapital ay pwede na mag earn ng malakihan or even life changing. Sa unang crypto gc ko nga nasalihan noon, halos lahat sa kanila ay walang perang inilabas at ang dami pa nila doon na nag-aaral pa at meron pa nga high skul pa lang.

Pero kung friendly lang sana si Pinas sa crypto at binigyan ng opportunity ang mga malalaking crypto exchanges at ibang platforms na mag-operate dito sa bansa ay sigurado lumago sana ang peformance ng bansa natin pati sa trading volume. At dagdag rin yun para sa ekonomiya ng bansa.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
June 17, 2024, 02:17:19 AM
#31
Dahil siguro ito sa mga farmers or airdrop hunters dito sa bansa natin kaya nasa top tayo. Napakaactive natin sa crypto but I think volume wise wala tayong palag sa ibang bansa since napakarami lang nating users but most of us are just seeking free money. Wala nga yata akong alam na big and active running crypto project na pinapatakbo ng pure Filipino team, yung matatawag nating successful Filipino crypto project. Majority ng project na Filipino devs ay nadidiscriminate dahil sa past rugs or fails ng kapwa nating pinoy.
I think may point ka kabayan kadalasan kasi sa mga Pinoy ay sellers due yo priorities in life but marami din naman yatang holders. And yeah I agree na yung mga airdroppers, bounty hunters at mga NFT players yan sila yung sa tingin ko ay nagpapataas ng bilang sa atin since mostly dyan tayo galing not unless you are already a trader before coming sa cryptospace. Namomonitor din yata kasi ng mga websites kung saan galing yung traffic most especially forums na kung saan ay meron talagang designated local boards same dito. At hopefully makakakita din tayo ng malaking crypto related improvements dito sa atin which drives hesitants and other potential investors to dive into crypto in the near future.

         -      Lalo na ngayong mas madami ang hyped na hyped sa tap mining games. Dahil parang trabahong pang tamad tapos pwede silang kumita ng malaki kahit wala pang kasiguraduhan ay ayun iniisip nilang yayaman na sila kaya karamihan ay parang TAP is life for them. Dami kung nakikita na ganyan sa FB actually.

Bukod pa yan sa airdrops na isa din sa kinababaliwan ng mga karamihang mga kababayan natin na crypto community  na majority din talaga sa kanila ay mga gullible din at hindi maingat, sa halip sunod lang din sa trend, kung saan madaming tao sunod din sila. Kaya dyan sila nadadale ng mga scammers, kaya ingat-ingat naman sana sila.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
June 14, 2024, 12:51:30 AM
#30
Dahil siguro ito sa mga farmers or airdrop hunters dito sa bansa natin kaya nasa top tayo. Napakaactive natin sa crypto but I think volume wise wala tayong palag sa ibang bansa since napakarami lang nating users but most of us are just seeking free money. Wala nga yata akong alam na big and active running crypto project na pinapatakbo ng pure Filipino team, yung matatawag nating successful Filipino crypto project. Majority ng project na Filipino devs ay nadidiscriminate dahil sa past rugs or fails ng kapwa nating pinoy.
I think may point ka kabayan kadalasan kasi sa mga Pinoy ay sellers due yo priorities in life but marami din naman yatang holders. And yeah I agree na yung mga airdroppers, bounty hunters at mga NFT players yan sila yung sa tingin ko ay nagpapataas ng bilang sa atin since mostly dyan tayo galing not unless you are already a trader before coming sa cryptospace. Namomonitor din yata kasi ng mga websites kung saan galing yung traffic most especially forums na kung saan ay meron talagang designated local boards same dito. At hopefully makakakita din tayo ng malaking crypto related improvements dito sa atin which drives hesitants and other potential investors to dive into crypto in the near future.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
June 13, 2024, 08:11:25 AM
#29
Dahil siguro ito sa mga farmers or airdrop hunters dito sa bansa natin kaya nasa top tayo. Napakaactive natin sa crypto but I think volume wise wala tayong palag sa ibang bansa since napakarami lang nating users but most of us are just seeking free money. Wala nga yata akong alam na big and active running crypto project na pinapatakbo ng pure Filipino team, yung matatawag nating successful Filipino crypto project. Majority ng project na Filipino devs ay nadidiscriminate dahil sa past rugs or fails ng kapwa nating pinoy.

Bukod dyan sa sinasabi mo na yan din kababayan ay mas gusto pa nila yung nahahyped sila kesa sa makakita talaga ng lehitimong mga airdrops na sinasabi mo, Lalo na ngayon, madami na naman ang nagspread sa Facebook ang nahuhumaling sa mga pa airdrops na yan, dahil siempre nakakarating sa kanila na free lang naman.

Pero hindi nila namamalayan ay meron ding nasasayang na oras at effort kung sa huli malalaman nila na hindi naman pala lehitimo at nanloloko lang pala, Kaya sa pagkakataon na ito madaming lasing ng mga kapwa pinoy natin ang umaasang kikita sila sa airdrops at dahil sa kalasingan na yan dyan sila dinadali ng mga mapagsamantalang tao.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
June 05, 2024, 03:13:09 PM
#28
Dahil siguro ito sa mga farmers or airdrop hunters dito sa bansa natin kaya nasa top tayo. Napakaactive natin sa crypto but I think volume wise wala tayong palag sa ibang bansa since napakarami lang nating users but most of us are just seeking free money. Wala nga yata akong alam na big and active running crypto project na pinapatakbo ng pure Filipino team, yung matatawag nating successful Filipino crypto project. Majority ng project na Filipino devs ay nadidiscriminate dahil sa past rugs or fails ng kapwa nating pinoy.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
June 04, 2024, 05:03:27 PM
#27
Pero kung titingnan mo yung chart hindi mo akalain na mas madaming gumagamit ng crypto sa Vietnam compared sa Philippines. Kung sabagay yung Sky Mavis dun ang kanilang office sa Vietnam which is isa talaga naman sa mga malaki ang contribution sa Crypto Industry. Ganun din dito sa Pinas, ang daming natuto or nagkaroon ng interest sa crypto dahil kay Sky Mavis which is dahil yun sa Axie Infinity. Pero isa rin ang axie sa mga dahilan bakit takot ang ibang mga Pinoy na mag invest sa crypto.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
June 03, 2024, 08:37:36 AM
#26
Kaya kung pansinin natin ay mostly nasa cities lang ang involved sa crypto dahil sila ang mas exposed sa technology at dahil dyan ay sila rin ang mas open minded at maigi sa research. Unlike sa mga provinces na parang ang tao karamihan sa kanila kung ano ang sasabihin ng media ay tiwala na sila kaagad.

Karaniwan kasi sa mga province natin ay still not literate pagdating sa technology lalo na yun mga old gen na ayaw talaga matuto dahil tingin nila ay hindi na nila kaya I comprehend ang mga new tech ngayon. Karaniwan pati ng mga nasa probinsya ay yung mga pamilya na iniwan sa bahay ng mga anak para magtrabaho sa City or Abroad kaya madalas walang alams sa crypto.


Quote
Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.

I can relate, sobrang hirap i open mind ng mga old gen pero ang daling mahikayat ng mga pawir scam offer lalo na yung KAPA scam.
Totoo to kahit sa pamilya ko ganun din pero nung kumita na ako at sinabi ko na yan yung source of income ko okay na sila pero di sila involved and ayaw din nila sumubok sa pyramiding scheme naman di din sila sumasali kasi walang capital kaya yun ako yung sumali at yun nga nadale yung investment ko haha Sa umpisa lang kasi maganda yung mga ganyan pero kapag aabot na ng mga ilang buwan dyan na yung nakakatakot na part kaya para sa akin crypto parin ang safe lalo na Bitcoin at iba pang may potential na crypto.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
June 02, 2024, 11:14:14 PM
#25
Kaya kung pansinin natin ay mostly nasa cities lang ang involved sa crypto dahil sila ang mas exposed sa technology at dahil dyan ay sila rin ang mas open minded at maigi sa research. Unlike sa mga provinces na parang ang tao karamihan sa kanila kung ano ang sasabihin ng media ay tiwala na sila kaagad.

Karaniwan kasi sa mga province natin ay still not literate pagdating sa technology lalo na yun mga old gen na ayaw talaga matuto dahil tingin nila ay hindi na nila kaya I comprehend ang mga new tech ngayon. Karaniwan pati ng mga nasa probinsya ay yung mga pamilya na iniwan sa bahay ng mga anak para magtrabaho sa City or Abroad kaya madalas walang alams sa crypto.

Out of topic nako dito pero bigla ko tuloy na realized na sobrang laking kawalan pala ang mga educated na mostly dumadayo sa cities at abroad pagdating sa elections. Kaya siguro daming proven basura na mga officials but still elected over and over again. Pano kasi di naman umuuwi majority ng mga nasa malayong cities at lalo na abroad which is national officials lang ang nasa balota nila.


Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.
I can relate, sobrang hirap i open mind ng mga old gen pero ang daling mahikayat ng mga pawir scam offer lalo na yung KAPA scam.

Exactly, noong kasagsagan nung mga investment scams na karamihan based sa Mindanao, si papa tawag ng tawag saken dahil mag invest raw kami. Nag diversify pa talaga kami. Ako alam kung scam pero inisip kung tumalpak lang ako sa sabong. Cheesy
hero member
Activity: 1484
Merit: 597
Bitcoin makes the world go 🔃
June 02, 2024, 08:58:30 AM
#24
Kaya kung pansinin natin ay mostly nasa cities lang ang involved sa crypto dahil sila ang mas exposed sa technology at dahil dyan ay sila rin ang mas open minded at maigi sa research. Unlike sa mga provinces na parang ang tao karamihan sa kanila kung ano ang sasabihin ng media ay tiwala na sila kaagad.

Karaniwan kasi sa mga province natin ay still not literate pagdating sa technology lalo na yun mga old gen na ayaw talaga matuto dahil tingin nila ay hindi na nila kaya I comprehend ang mga new tech ngayon. Karaniwan pati ng mga nasa probinsya ay yung mga pamilya na iniwan sa bahay ng mga anak para magtrabaho sa City or Abroad kaya madalas walang alams sa crypto.


Quote
Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.

I can relate, sobrang hirap i open mind ng mga old gen pero ang daling mahikayat ng mga pawir scam offer lalo na yung KAPA scam.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
June 02, 2024, 08:54:49 AM
#23
~~
     Pero may iba parin naman na mga pinoy na masasabi kung nagsasagawa ng sarili nilang pananaliksik tungkol sa crypto o Bitcoin at nakikita nila kalaunan na maganda parin ito talaga.
Ang nakakainis lang kasi sa mga mainstream media na meron tayo ay lagi nilang hinahighlights na ang Bitcoin o cryptocurrency ay masama sa paningin ng mga pinoy.

     Yung bang lagi nalang pinapakita na sa simula lang maganda magcrypto pero huli scam ito, mga ganitong paglalarawan palagi yung ginagawa nilang pagpapakita ng video, pero yung brighter side mismo ng Bitcoin o crypto ay hindi nila binibigyan ng oras o panahon na malaman ito ng mga pinoy sa bansa natin talaga.
Yeah kadalasang nakikita natin sa news dito sa atin talaga ay negative about crypto pero ganumpaman ay kung interesado talaga tayo ay di tayo papadala sa mga ganyang bagay unfortunately for newbies that would be a red flag for them kaya natatakot. Pero yeah gaya ng sinabi mo ay meron parin talagang mga pinoy na curious and they do a lot of research para lang patunayan na mali ang nag-iisip na scam ang Bitcoin.

Isa kasi sa pinaka mabilis na way para mag earn ka sa crypto ng malaki agad is yung pag pasok sa mga memecoins or even shitcoins kasi nga pag naka hit ka ng good coins at na flip mo agad is easy profit ito sayo or else yung opposite nito yung investment mo is mahoneypot or hindi kana makapag trade or withdraw ng funds mo or mag flop ito or hindi maging profitable at sayang lang sa time and effort. Madalas kasi sa mga pinoy is gusto yung walang investment at least para bang nag play safe sila kaya mas trip nila siguro ung mga not reputable coins at easy profit. Hoping maging aware na ang pinas sa potential ng crypto.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
June 02, 2024, 08:20:38 AM
#22
Kaya kung pansinin natin ay mostly nasa cities lang ang involved sa crypto dahil sila ang mas exposed sa technology at dahil dyan ay sila rin ang mas open minded at maigi sa research. Unlike sa mga provinces na parang ang tao karamihan sa kanila kung ano ang sasabihin ng media ay tiwala na sila kaagad. Tulad ni papa dito, susmeyo ilang beses ko ng kinwento sa kanya ang tungkol kay bitcoin pero bawat bakasyon ko dito paulit-ulit rin niyang sabihin na baka scam raw at bakit hindi raw positive ang karamihan feedback sa media.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
June 02, 2024, 02:50:47 AM
#21
Alam naman natin kung gaano ka active ang mga pinoy pag dating sa earnings at lalo na dito sa crypto space pero kaakibat nun is ganun na din kadali mauto ang mga pilipino so ung iba sa kanila nangyayari is na scam, nasayang ung time and effort sa mga projects and etc. Pero ayun nga pero atleast widely inaaccept na ng country natin ung pag gamit ng crypto, like the recent move ng coins.ph sa pagkakaroon ng stable coins pero until when ang kaya ng pinas maka sabay sa mga ganito.
Yep, consider mo na din ang very non strict governments natin, wala masyadong regulations pag dating sa cryptocurrency right now, that's why napakadali mag paritcipate sa lahat ng crypto activities pag nasa Pilipinas ka compared pag nasa ibang bansa ka na napaka strikto, and that causes a lot of Filipinos na naiiscam.
Well, sa situation natin ngayon which I can see mas madami pang ibang problema ang Pilipinas na unahin kesa sa cryptocurrency.

Totoo yan, kaya nga yung mga scammer na ginagamit na front yung crypto o bitcoin ay galing pa sa ibang bansa yung mismong sindikato na gumagawa wala sa pinas. At ang worst yung iba na involved ay mga pinoy na inakala nilang trabaho sa ibang bansa yun pala isa din sila sa magiging kasangkapan ng tunay na scammer gamit ang crypocurrency.

Kaya ang panget ng imahe ng cryptocurrency o bitcoin sa bansa natin, at karamihan na mga kababayan natin na labas sa field industry na ito ay tingin nila sa crypto ay hindi talaga maganda o isang scam lang daw ito.
Yeah kaya marami ang takot sa crypto imbes na sumubok at kumita dahil dyan sa mga scam na yan which kadalasang involved ay foreigners na may mga sangkot ding Pinoys na basta't may pera kahit na pandurugas ay papasukin though hindi naman lahat but yeah few Pinoys are helping these foreigners spread illegal activities like kidnapping in exchange for crypto and stuff.

     Pero may iba parin naman na mga pinoy na masasabi kung nagsasagawa ng sarili nilang pananaliksik tungkol sa crypto o Bitcoin at nakikita nila kalaunan na maganda parin ito talaga.
Ang nakakainis lang kasi sa mga mainstream media na meron tayo ay lagi nilang hinahighlights na ang Bitcoin o cryptocurrency ay masama sa paningin ng mga pinoy.

     Yung bang lagi nalang pinapakita na sa simula lang maganda magcrypto pero huli scam ito, mga ganitong paglalarawan palagi yung ginagawa nilang pagpapakita ng video, pero yung brighter side mismo ng Bitcoin o crypto ay hindi nila binibigyan ng oras o panahon na malaman ito ng mga pinoy sa bansa natin talaga.
Yeah kadalasang nakikita natin sa news dito sa atin talaga ay negative about crypto pero ganumpaman ay kung interesado talaga tayo ay di tayo papadala sa mga ganyang bagay unfortunately for newbies that would be a red flag for them kaya natatakot. Pero yeah gaya ng sinabi mo ay meron parin talagang mga pinoy na curious and they do a lot of research para lang patunayan na mali ang nag-iisip na scam ang Bitcoin.
member
Activity: 574
Merit: 18
Eloncoin.org - Mars, here we come!
June 01, 2024, 05:24:58 PM
#20
Alam naman natin kung gaano ka active ang mga pinoy pag dating sa earnings at lalo na dito sa crypto space pero kaakibat nun is ganun na din kadali mauto ang mga pilipino so ung iba sa kanila nangyayari is na scam, nasayang ung time and effort sa mga projects and etc. Pero ayun nga pero atleast widely inaaccept na ng country natin ung pag gamit ng crypto, like the recent move ng coins.ph sa pagkakaroon ng stable coins pero until when ang kaya ng pinas maka sabay sa mga ganito.
Yep, consider mo na din ang very non strict governments natin, wala masyadong regulations pag dating sa cryptocurrency right now, that's why napakadali mag paritcipate sa lahat ng crypto activities pag nasa Pilipinas ka compared pag nasa ibang bansa ka na napaka strikto, and that causes a lot of Filipinos na naiiscam.
Well, sa situation natin ngayon which I can see mas madami pang ibang problema ang Pilipinas na unahin kesa sa cryptocurrency.

Totoo yan, kaya nga yung mga scammer na ginagamit na front yung crypto o bitcoin ay galing pa sa ibang bansa yung mismong sindikato na gumagawa wala sa pinas. At ang worst yung iba na involved ay mga pinoy na inakala nilang trabaho sa ibang bansa yun pala isa din sila sa magiging kasangkapan ng tunay na scammer gamit ang crypocurrency.

Kaya ang panget ng imahe ng cryptocurrency o bitcoin sa bansa natin, at karamihan na mga kababayan natin na labas sa field industry na ito ay tingin nila sa crypto ay hindi talaga maganda o isang scam lang daw ito.
Yeah kaya marami ang takot sa crypto imbes na sumubok at kumita dahil dyan sa mga scam na yan which kadalasang involved ay foreigners na may mga sangkot ding Pinoys na basta't may pera kahit na pandurugas ay papasukin though hindi naman lahat but yeah few Pinoys are helping these foreigners spread illegal activities like kidnapping in exchange for crypto and stuff.

     Pero may iba parin naman na mga pinoy na masasabi kung nagsasagawa ng sarili nilang pananaliksik tungkol sa crypto o Bitcoin at nakikita nila kalaunan na maganda parin ito talaga.
Ang nakakainis lang kasi sa mga mainstream media na meron tayo ay lagi nilang hinahighlights na ang Bitcoin o cryptocurrency ay masama sa paningin ng mga pinoy.

     Yung bang lagi nalang pinapakita na sa simula lang maganda magcrypto pero huli scam ito, mga ganitong paglalarawan palagi yung ginagawa nilang pagpapakita ng video, pero yung brighter side mismo ng Bitcoin o crypto ay hindi nila binibigyan ng oras o panahon na malaman ito ng mga pinoy sa bansa natin talaga.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
June 01, 2024, 10:40:37 AM
#19
Alam naman natin kung gaano ka active ang mga pinoy pag dating sa earnings at lalo na dito sa crypto space pero kaakibat nun is ganun na din kadali mauto ang mga pilipino so ung iba sa kanila nangyayari is na scam, nasayang ung time and effort sa mga projects and etc. Pero ayun nga pero atleast widely inaaccept na ng country natin ung pag gamit ng crypto, like the recent move ng coins.ph sa pagkakaroon ng stable coins pero until when ang kaya ng pinas maka sabay sa mga ganito.
Yep, consider mo na din ang very non strict governments natin, wala masyadong regulations pag dating sa cryptocurrency right now, that's why napakadali mag paritcipate sa lahat ng crypto activities pag nasa Pilipinas ka compared pag nasa ibang bansa ka na napaka strikto, and that causes a lot of Filipinos na naiiscam.
Well, sa situation natin ngayon which I can see mas madami pang ibang problema ang Pilipinas na unahin kesa sa cryptocurrency.

Totoo yan, kaya nga yung mga scammer na ginagamit na front yung crypto o bitcoin ay galing pa sa ibang bansa yung mismong sindikato na gumagawa wala sa pinas. At ang worst yung iba na involved ay mga pinoy na inakala nilang trabaho sa ibang bansa yun pala isa din sila sa magiging kasangkapan ng tunay na scammer gamit ang crypocurrency.

Kaya ang panget ng imahe ng cryptocurrency o bitcoin sa bansa natin, at karamihan na mga kababayan natin na labas sa field industry na ito ay tingin nila sa crypto ay hindi talaga maganda o isang scam lang daw ito.
Yeah kaya marami ang takot sa crypto imbes na sumubok at kumita dahil dyan sa mga scam na yan which kadalasang involved ay foreigners na may mga sangkot ding Pinoys na basta't may pera kahit na pandurugas ay papasukin though hindi naman lahat but yeah few Pinoys are helping these foreigners spread illegal activities like kidnapping in exchange for crypto and stuff.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
June 01, 2024, 05:05:16 AM
#18
Alam naman natin kung gaano ka active ang mga pinoy pag dating sa earnings at lalo na dito sa crypto space pero kaakibat nun is ganun na din kadali mauto ang mga pilipino so ung iba sa kanila nangyayari is na scam, nasayang ung time and effort sa mga projects and etc. Pero ayun nga pero atleast widely inaaccept na ng country natin ung pag gamit ng crypto, like the recent move ng coins.ph sa pagkakaroon ng stable coins pero until when ang kaya ng pinas maka sabay sa mga ganito.
Yep, consider mo na din ang very non strict governments natin, wala masyadong regulations pag dating sa cryptocurrency right now, that's why napakadali mag paritcipate sa lahat ng crypto activities pag nasa Pilipinas ka compared pag nasa ibang bansa ka na napaka strikto, and that causes a lot of Filipinos na naiiscam.
Well, sa situation natin ngayon which I can see mas madami pang ibang problema ang Pilipinas na unahin kesa sa cryptocurrency.

Totoo yan, kaya nga yung mga scammer na ginagamit na front yung crypto o bitcoin ay galing pa sa ibang bansa yung mismong sindikato na gumagawa wala sa pinas. At ang worst yung iba na involved ay mga pinoy na inakala nilang trabaho sa ibang bansa yun pala isa din sila sa magiging kasangkapan ng tunay na scammer gamit ang crypocurrency.

Kaya ang panget ng imahe ng cryptocurrency o bitcoin sa bansa natin, at karamihan na mga kababayan natin na labas sa field industry na ito ay tingin nila sa crypto ay hindi talaga maganda o isang scam lang daw ito.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
May 31, 2024, 07:02:42 AM
#17
Although maganda pagmasdan na nasa top tayo pagdating sa bilang ng gumagamit ng crypto ay nakakabahala lang din kasi na ang totoo ay karamihan sa crypto holder sa bansa natin ay mga shitcoin holders.

Madali kasi marecruit ang ,ga pinoy na maginvest sa mga shitcoins kagaya ng me,ecoin, game coin at iba dahil tingin nila sa Bitcoin ay sobrang taas na ng price kaya halos puro high risk trading lang ang napapasok ng mga pinoy.

Maganda siguro kung naging solid Bitcoin holders yang number na yan para naman may katuturan ang holdins ng karamihan.
Well tumpak ka dyan kabayan at isa din ako sa mga shitcoin holders na yan literally. Pero hindi ako narecruit but I invested on it myself dahil sa posibleng huge return lalo na sa memecoins. Pero game coins at NFT talaga isa sa dahilan kaya tumaas adoption dito sa ating bansa nung nagboom ang Axie but unfortunately for me di ako nakasabay dun at ako lang yata ang nagkicrypto na di kumita doon dahil napangitan ako sa graphics tapos sa MIR4 naman minalas din ako dahil nagkasuper typhoon dito sa amin natengga character ko dahil more or less 7 months bago nakabalik yung stable data connection at kuryente dito sa amin.

At yes kokonti lang mga active dito sa forum na pinoy way back 2016-2017 at bago lang din ako that time dito pero ngayon dami na bago at yung ibang active noon di ko na din makita ngayon both global at local.

Simula noong 2017 which maraming yumaman o nagkaroon ng malaking pera dahil sa bull run at kokonti palang din scam projects the following years dumadami na mga pinoy na nag-jump-in at ang ibang mga merchants at local businesses ay nagkainteres na din sa crypto which based on available info online ay umabot yata sa 400+ before pandemic not sure lang ngayon if bumalik yung ibang nagclose or baka may nadagdag na din siguro.

Yan siguro reason why we are one of the top crypto friendly countries in the world today.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
May 31, 2024, 04:44:05 AM
#16
Grabe, di ko inaasahan na halos nasa 16 million tayo na cryptocurrency owners dito sa Pilipinas, imagine nalang kung lahat yan ay madiskubre tong forum, sigurado ako na magkakagulo dito sa Pilipinas board at tataas talaga ng sobra yung activity sa forum, problema lang talaga ay sa surface, forum lang 'to at hindi mo aasahan na may pwede kang pagkakitaan dito, pero hopefully magkaroon ng trend na sumali yung ibang mga Pinoy na crypto users for the sake lang na may matutunan.
Pages:
Jump to: