good morning bro. taga san ka ba? dito kasi samin ang lakas ng ulan at hangin pero hindi naman nag brownout hehe
Taga Baguio City bro, Ikaw bro?, medyo ngayon mahinang ulan nararanasan namin dito, maslalo na noong last three days akala ko end of the world na,kahit bahay mo concrete puwedeng lipadin, hahaha. Alam mo naman dito sa amin mapuno kaya madaming punong nagsibagsakan damay pa poste at kable ng kuryente. Iwan ko lang sa baba namin.
Balita ko bro matindi daw ang inabot na pinsala dyan sa Baguio. Nagliparan daw ang mga bubong at yung mga pamilihan wala na ding maibenta dahil walang makaakyat na mga supplier. Kamusta ang water supply dyan?
Yes bro, sobrang wasak mga kabahayan dito, halos walang rin ilaw sa buong Baguio City sa ibang parte lang, dahil walang kuryente wala rin tubig, ito pa ang matindi wasak yun bubong ng SM Baguio City.
akala ko dati matibay yang bubong ng SM City Baguio kasi dati malakas yung hangin at hindi npapagalaw yan yun pala nasisira nag bagyo yan xD
Hindi na kinayanan ng SM Baguio City yun lakas ni Bagyong Lando sa tatlong araw na sunod na sunod na malalakas na ulan at hangin. GG na yun negosyo nila, medyo ngayon inaayos naman nila yun mga sira sa loob.
operating pa din ba ngayon ang SM at sa taas lng sarado o buong SM yung sarado ngayon?
Ngayon operating sila bale sa baba at sa taas ng 2nd or 3rd ata yun sarado, kasi ngayon lang din ako nagbukas ng facebook sa tatlong araw na walang kuryente sa amin nakikibalita sa mga friends at konting scan sa mga photos dito sa Baguio caused by bagyong Lando.
san ka ba banda jan nkatira at hindi ka pa nakakabisita sa SM ngayon?
Pacdal pre kung alam mo yun sa may banda ng Botanical Garden, ngayon na sa Maharlika ako sa baba ng Session Road, ngayon nagdodota 2, kanina ko lang kasi nakita sa mga photos sa facebook ko kaya gulat na gulat rin ako sa nangyari sa SM.
ahh hindi ako familiar sa lugar mo sa kabilang side kasi ako nakatira dati sa may bandang SLU to simbahan part hehe