Pages:
Author

Topic: Pinagkaiba ng Token sa Coin (Read 601 times)

sr. member
Activity: 700
Merit: 257
November 19, 2019, 10:06:25 AM
#35
Ngayon ko lang alam na magkaiba pala ang token at coins akala ko pareho lang sila salamat sa nagshare nito ngayon alam ko na magkaiba pala ang dalawa tagal ko na dito sa bitcointalk ngayon ko lang nalaman.
Salamat boss sa pag share nito ngayon naiintindihan ko sa mga nabasa ko na magkaiba ng dalawa at least d na ako tangatanga pa tungkol sa coins at token.
So ang mahanda dito kabayan ay alam mo na ang pagkakaiba ng token at ng coin ng dahil sa information na binigay sa atin ni OP.
Marami sa atin king hindi alam kung kailan gagamitin ang term na token gibagawa na nalang nila na coin ang tawag mas nauna kasi ang coin na gamitin kesa sa token kaya nagkaka ng confusion kung ano ba talaga ang pagkakaiba nitong dalawa.

Importante ang pagtatanong at pagsshare ng knowledge sa isa't isa lalo na at naparakaraming newbies ngayon. Ang tanong, ano ang mas magandang pag investan? Depende pa din po yan sa team, sa platform kung feasible ba to or kung maganda at magiging curious ang mga masa dito, at kung may kakayahan kayang ifulfill ang mga dev dito, mahalagang icheck natin lahat bago natin ilagak ang pera natin kung saan mas okay mag invest.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
November 17, 2019, 04:33:57 AM
#34
Ngayon ko lang alam na magkaiba pala ang token at coins akala ko pareho lang sila salamat sa nagshare nito ngayon alam ko na magkaiba pala ang dalawa tagal ko na dito sa bitcointalk ngayon ko lang nalaman.
Salamat boss sa pag share nito ngayon naiintindihan ko sa mga nabasa ko na magkaiba ng dalawa at least d na ako tangatanga pa tungkol sa coins at token.
So ang mahanda dito kabayan ay alam mo na ang pagkakaiba ng token at ng coin ng dahil sa information na binigay sa atin ni OP.
Marami sa atin king hindi alam kung kailan gagamitin ang term na token gibagawa na nalang nila na coin ang tawag mas nauna kasi ang coin na gamitin kesa sa token kaya nagkaka ng confusion kung ano ba talaga ang pagkakaiba nitong dalawa.
sr. member
Activity: 700
Merit: 254
November 17, 2019, 01:32:44 AM
#33
Ngayon ko lang alam na magkaiba pala ang token at coins akala ko pareho lang sila salamat sa nagshare nito ngayon alam ko na magkaiba pala ang dalawa tagal ko na dito sa bitcointalk ngayon ko lang nalaman.
Salamat boss sa pag share nito ngayon naiintindihan ko sa mga nabasa ko na magkaiba ng dalawa at least d na ako tangatanga pa tungkol sa coins at token.
sr. member
Activity: 658
Merit: 256
Freshdice.com
November 16, 2019, 09:41:06 AM
#32
Napaka-informative po ng post na ito. sana lahat ng bago sa crypto industry ay mapatid sa thread na ito at maunawaan ang pagkakaiba ng coin sa token .


Nung kasisimula ko pa lamang mag Bounty ang akala ko talaga yung Tokens at Coins ay magkapareho ngunit sa totoo pala hindi magkaiba yung functions nilang dalawa. kung hindi natin ito alam baka magkaroon tayo ng hindi pagkaka intindihang basehan. mabuti nalang meron akong nabasa na ganito kaya ishinare ko nalang dito para naman malaman ng ib ang pinagkaiba nitong dalawa.
Ganun din ako pero simula nung sumali ako ng mga bounty projects, unti-unti ko ng nalaman at napagkaiba ang token at coin. Sa tuwing natatapos ang isang bounty project, binibigay ang token bilang reward sa mga bounty hunters at para magamit ang mga token sa mga investments, ibinibenta ito ayon sa kung ano ang gamit ng mga token na ito. Makakatulong din ito para sa mga baguhan na naguguluhan pa ng sobra sa pagkakaiba ng dalawa kaya sana ay magamit nila ito sa tagal pa ng kanilang pag iinvest sa crypto.
sr. member
Activity: 756
Merit: 268
November 16, 2019, 08:52:00 AM
#31


Marahil maraming nagtataka sa inyo kung bakit may nagsasabing Token sa iba naman Coins ang tawag nila, pwes ipapaliwanag ko sa inyo na ang dalawang ito ay may malaking pinagkaiba, ang ibig ko pong sabihin ang Tokens ay iba sa Coins.

Ang lahat ng Coins at Tokens ay itinuturing na bilang cryptocurrency, sa kabila ng katotohanan na marami sa kanila ay hindi nagcicirculate bilang pera at hindi kailanman sinadya upang maging ganon. Kaya ang mga coins at mga tokens dalawang iba't ibang mga uri ng mga unit na nilikha gamit ang cryptography na pinangalanan cryptocurrency. Ang katotohanang ito ay namimisslead ng mga Newbie, na gustong bumili ng ilang mga cryptocoins at pagkatapos Tokens pala ang nabili nila, kaya nais kong ibahagi sa inyo ang pinagkaiba ng dalawa.



Coins

(na kadalasang tinatawag na altcoins o alternative cryptocurrency coins) ay mga Digital Money, na ginawa gamit ang mga Encrypton Techniques, na nag store ng value sa bawat oras. Samakatuwid, ito ay isang digital na katumbas ng pera. Ang Bitcoin ay isang magandang halimbawa. Ang Bitcoin ay based sa Blockchain-Public at distributed digital ledger, na kung saan ang lahat ng tracsaction ay pwedeng makita. Ang data ay naka-imbak nang sama-sama at ibinahagi sa pagitan ng mga participant ng blockchain network. Tinitiyak ng Blockchain ang transparency at aalisin nito ang pandaraya. May mga coins na batay sa orihinal na protocol ng Bitcoin, na nilikha ni Satoshi Nakamoto at opened ito sa publiko. (Litecoin, Namecoin) at mga coins na nag ooperate sa Blockchain, partikular na nilikha para sa kanila (Ripple, Monero).

Ang mga Coins ay may parehong katangian bilang pera: sila ay fungible, divisible, acceptable, portable, durable at merong limitadong supply. Karamihan sa mga Ambitious enthusiasts sa crypto ay pinipilit na palitan ang mga coins ang Conventional Money sa hinaharap.

Ang mga pangunahing katangian ng mga Coins ay:

1) ang mga ito ay nakatali sa public-open blockchain - sinuman ay pwedeng sumali at lumahok sa network;

2) maaari silang ipadala, matanggap o imina (mining).



Tokens

Ang mga tokens ay digital assets, na ibinigay ng project, na kung saan pwede itong gamitin bilang payment sa loob ng ecosystem ng project, gumaganap katulad ng mga functions ng Coins, ngunit ang pangunahing kaibahan ay nagbibigay din ito ng karapatan para sa mga holder na sumali sa network. Maaaring gawin itong function ng digital asset, kumakatawan sa share ng kumpanya, magbigay ng access sa functional na proyekto at marami pang iba, sa pag launched ng mga bagong project Ang hindi kilalang mga bahagi ng pagganap ng mga token ay natuklasan. tulad ng Ticket sa Concert "Halimbawa isa itong token" pwede mo itong gamitin sa tiyak na oras, pwede mo itong gamitin sa tiyak na lugar, Pero hindi ka pwede pumunta sa restaurant para ibayad ang iyong Concert Ticket, ang ticket na ito ay para lang dun sa concert hall. kapareho nito ang mga digital tokens  pwede lang silang gamitin sa mga tiyak na proyekto.

Ang mga token ay kumakatawan sa isang asset o utility, kaya ang mga security token at utility token ay nakikilala. Ang security token ay dinisenyo para maging company's share (ang token ng kilalang proyekto na  DAO, na na-hack pagkatapos lamang itong ilunsad, ay kinikilala bilang security token), habang ang mga utility token naman ay may tiyak na paggamitan sa loob ng project katulad ng (Bon Token).

Ang paglikha ng isang token ay mas madali kaysa sa paglikha ng coins, dahil hindi mo kailangang lumikha ng isang bagong code o baguhin ang existing one - gumamit ka lang ng isang karaniwang template mula sa mga platform tulad ng Ethereum, na batay sa blockchain, Ang paggamit ng template para sa paglikha ng mga token ay nagbibigay ng smooth interoperability, kaya maaaring mag-store ang mga user ng iba't ibang uri ng mga token sa iisang wallet. Ang Ethereum ang una gumawa upang pasimplehin ang proseso ng paglikha ng isang token, at ito din ang dahilan kung bakit ang mga token ay nagbaha sa market.


Listahan ng mga Tokens: Tokens

Summary

Ang coins ay paraan lamang ng pagbabayad habang ang mga token ay maaaring magpakita ng bahagi ng kumpanya, magbigay ng access sa mga produkto o serbisyo at magsagawa ng maraming iba pang mga function. Ang coins ay mga pera na maaaring magamit para sa pagbili at pagbebenta ng mga bagay. Maaari kang bumili ng token gamit ang coin, ngunit hindi vice versa. Ang coin ay nagooperate mag-isa, habang ang token naman ay may partikular na paggamit sa ecosystem ng isang proyekto.





Source:
https://medium.com/@bonpay/what-is-the-difference-between-coins-and-tokens-6cedff311c31


Magiging malaking tulong ito para sa mga bago at sa mga taong hindi pa alam ang pagkakaiba ng token at coin. Sa tagal ko dito sa crypto, kusa ko na lamang narealize kung ano ang pagkakaiba nito dahil na rin sa pagsali ko sa iilang bounty projects noon. Doon ko napagtanto ang malaking pagkakaiba ng tokens at coins. Sana ay magsilbing gabay ito sa mga baguhan pa lamang at sa mga nalilito pa lamang para sa mga magiging desisyon nila sa hinaharap na may mga tokens at coins na involved.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
November 07, 2019, 07:43:05 AM
#30
Buti may paliwanag dito, ako kasi nahihirapan din ako na ipaliwanag kung ano ang pinag-kaiba nila pero alam ko na magkaiba sila since bounty hunters din ako dati. Mahalaga na malaman ito ng mga newbie sa crypto since namimisinterpret nila ang mga terms sa crypto, dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng maling desisyon.
Ang mga newbie talaga dapat na malaman ang pagkakaiba ng coin at token,  pero hindi pa rin natin maipagkakaila na marami pa rin sa mga user ng crypto ang naguguluhan sa pagkakaiba ng dalawa.  Dati kasi coin lang alam natin ngayon kasi nacreate na rin ang token kaya ngayon ay buti na lang ay may mga taong may malasakit na gumawa ng ganitong thread para malaman ang coin at ang token sa pagkakaiba nito.
marami pa nga ding mga hindi newbie na nahihirapan i differentiate ang token at coins eh hanggang ngayon lol.

pero malaking bagay ang share ni kabayan dahil minsan ko din naging tanong to pero dahil sa mga nababasa kong sharings sa social media ay nalaman ko din ang pagkakaiba.

Sa madaling salita pag tinawag na token nakikigamit lang sila ang blockchain sa iba for example Pillar tokens kasi wala silang sariling blockchain ung kay ethereum ang gamit niya tinatawag den silang ethereum assets on the other hand pag sinabing coin may sariling blockchain yan at sariling explorer like Binance coin dati eth gamit niya kasi hindi pa live yung mainnet niya pwede pa siyang tawaging token nun pero nung nagmigrate na sila sa sariling network which is Binance chain coin na ang tawag kay BNB.
gandang mga example mate,napaka informative simpleng pagkakapaliwanag pero madaling intndihin.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
November 05, 2019, 03:04:45 AM
#29
Sa madaling salita pag tinawag na token nakikigamit lang sila ang blockchain sa iba for example Pillar tokens kasi wala silang sariling blockchain ung kay ethereum ang gamit niya tinatawag den silang ethereum assets on the other hand pag sinabing coin may sariling blockchain yan at sariling explorer like Binance coin dati eth gamit niya kasi hindi pa live yung mainnet niya pwede pa siyang tawaging token nun pero nung nagmigrate na sila sa sariling network which is Binance chain coin na ang tawag kay BNB.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 253
November 04, 2019, 08:48:58 PM
#28
Correct me if I'm wrong. Ang coin ay pwede bumili token pero ang Token hindi kayang bilhin so coin. Let's say medyo mali lang sa term, sabihin nalang natin na ang token ay pwedeng i-CONVERT hindi IBILI o gawing pambili ng coin.

Nope, para mas madali mong maintindihan ang coin is ung may sarili silang blockexplorer .
Gaya ng BTC, XRP, Monero , LTC,DASH,DOGE ,ETH sila ung mga example ng coin.

Ung token naman is Guamagamit ng ETH platform or other coin na may sariling smartcontact.
Gaya na lamang nila USDT , BAT, OMISEGO etc.
Pwedeng din na waves platform Token din ubg tawag sa coins na ginawa gamit ung platform nila.

Ito din yung sagot ko dyan ang mga coin mayroong sariling blockchain at ang mga token naman ay yung makikita natin sa erc20 wallet natin.  Kadalasan din ay mayroong mga token na gumagawa na ng sarili nilang blockchain kaya naman nagkakaroon ng token swap.  

yan ang uso ngayong taon, ang paggawa nila ng sariling blockchain upang magkaroon na tiatawag na token swap. kailangan din tayong magkaroon ng sapat na information tungkol dito para naman hindi tayo magtaka pagnagkaroon na ng swaping pagkatapos ng sales nila.


Malamang kung marami na ang magkaroon nga sariling blockchain ay tiyak na marami ang susuporta dito. Sa aking kaalaman ukol dito maraming bansa na ang nagplaplano nito at kung sakaling magiging successful na ang lahat ay hinding hindi na basta mahahack na magiging madali na ang swaping ng mga token.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
November 04, 2019, 08:05:08 PM
#27
Correct me if I'm wrong. Ang coin ay pwede bumili token pero ang Token hindi kayang bilhin so coin. Let's say medyo mali lang sa term, sabihin nalang natin na ang token ay pwedeng i-CONVERT hindi IBILI o gawing pambili ng coin.

Nope, para mas madali mong maintindihan ang coin is ung may sarili silang blockexplorer .
Gaya ng BTC, XRP, Monero , LTC,DASH,DOGE ,ETH sila ung mga example ng coin.

Ung token naman is Guamagamit ng ETH platform or other coin na may sariling smartcontact.
Gaya na lamang nila USDT , BAT, OMISEGO etc.
Pwedeng din na waves platform Token din ubg tawag sa coins na ginawa gamit ung platform nila.

Ito din yung sagot ko dyan ang mga coin mayroong sariling blockchain at ang mga token naman ay yung makikita natin sa erc20 wallet natin.  Kadalasan din ay mayroong mga token na gumagawa na ng sarili nilang blockchain kaya naman nagkakaroon ng token swap.  

yan ang uso ngayong taon, ang paggawa nila ng sariling blockchain upang magkaroon na tiatawag na token swap. kailangan din tayong magkaroon ng sapat na information tungkol dito para naman hindi tayo magtaka pagnagkaroon na ng swaping pagkatapos ng sales nila.





sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
November 03, 2019, 02:08:03 PM
#26
Correct me if I'm wrong. Ang coin ay pwede bumili token pero ang Token hindi kayang bilhin so coin. Let's say medyo mali lang sa term, sabihin nalang natin na ang token ay pwedeng i-CONVERT hindi IBILI o gawing pambili ng coin.

Nope, para mas madali mong maintindihan ang coin is ung may sarili silang blockexplorer .
Gaya ng BTC, XRP, Monero , LTC,DASH,DOGE ,ETH sila ung mga example ng coin.

Ung token naman is Guamagamit ng ETH platform or other coin na may sariling smartcontact.
Gaya na lamang nila USDT , BAT, OMISEGO etc.
Pwedeng din na waves platform Token din ubg tawag sa coins na ginawa gamit ung platform nila.

Ito din yung sagot ko dyan ang mga coin mayroong sariling blockchain at ang mga token naman ay yung makikita natin sa erc20 wallet natin.  Kadalasan din ay mayroong mga token na gumagawa na ng sarili nilang blockchain kaya naman nagkakaroon ng token swap. 
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
October 15, 2019, 08:00:14 AM
#25
Buti may paliwanag dito, ako kasi nahihirapan din ako na ipaliwanag kung ano ang pinag-kaiba nila pero alam ko na magkaiba sila since bounty hunters din ako dati. Mahalaga na malaman ito ng mga newbie sa crypto since namimisinterpret nila ang mga terms sa crypto, dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng maling desisyon.
di ka nag iisa kabayan  Grin binasa ko nga ng maige bawat detalye ng buong thread na to,upang lubos ko maunawaan..kasi nahihirapan din ako magpaliwanag sa mga nagtatanong sakin kung ano pinagkaiba ng token at coins,imbes na encourage ko sila na pag aralan ang cryptocurrency eh na bablanko ako pag ito na ang kailangan sagutin  Grin

Correct me if I'm wrong. Ang coin ay pwede bumili token pero ang Token hindi kayang bilhin so coin. Let's say medyo mali lang sa term, sabihin nalang natin na ang token ay pwedeng i-CONVERT hindi IBILI o gawing pambili ng coin.

Nope, para mas madali mong maintindihan ang coin is ung may sarili silang blockexplorer .
Gaya ng BTC, XRP, Monero , LTC,DASH,DOGE ,ETH sila ung mga example ng coin.

Ung token naman is Guamagamit ng ETH platform or other coin na may sariling smartcontact.
Gaya na lamang nila USDT , BAT, OMISEGO etc.
Pwedeng din na waves platform Token din ubg tawag sa coins na ginawa gamit ung platform nila.
but this is the most accurate answer na andaling intindihin at andaling gamiting sagot sa mga magtatanong.
salamat mate and to OP as well
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
October 11, 2019, 08:31:21 AM
#24
Buti may paliwanag dito, ako kasi nahihirapan din ako na ipaliwanag kung ano ang pinag-kaiba nila pero alam ko na magkaiba sila since bounty hunters din ako dati. Mahalaga na malaman ito ng mga newbie sa crypto since namimisinterpret nila ang mga terms sa crypto, dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng maling desisyon.
Ang mga newbie talaga dapat na malaman ang pagkakaiba ng coin at token,  pero hindi pa rin natin maipagkakaila na marami pa rin sa mga user ng crypto ang naguguluhan sa pagkakaiba ng dalawa.  Dati kasi coin lang alam natin ngayon kasi nacreate na rin ang token kaya ngayon ay buti na lang ay may mga taong may malasakit na gumawa ng ganitong thread para malaman ang coin at ang token sa pagkakaiba nito.
hero member
Activity: 1120
Merit: 553
Filipino Translator 🇵🇭
October 11, 2019, 07:42:37 AM
#23
Buti may paliwanag dito, ako kasi nahihirapan din ako na ipaliwanag kung ano ang pinag-kaiba nila pero alam ko na magkaiba sila since bounty hunters din ako dati. Mahalaga na malaman ito ng mga newbie sa crypto since namimisinterpret nila ang mga terms sa crypto, dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng maling desisyon.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 329
October 10, 2019, 11:57:51 AM
#22
Correct me if I'm wrong. Ang coin ay pwede bumili token pero ang Token hindi kayang bilhin so coin. Let's say medyo mali lang sa term, sabihin nalang natin na ang token ay pwedeng i-CONVERT hindi IBILI o gawing pambili ng coin.

Nope, para mas madali mong maintindihan ang coin is ung may sarili silang blockexplorer .
Gaya ng BTC, XRP, Monero , LTC,DASH,DOGE ,ETH sila ung mga example ng coin.

Ung token naman is Guamagamit ng ETH platform or other coin na may sariling smartcontact.
Gaya na lamang nila USDT , BAT, OMISEGO etc.
Pwedeng din na waves platform Token din ubg tawag sa coins na ginawa gamit ung platform nila.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 289
Zawardo
October 07, 2019, 01:12:20 AM
#21
Nalilito din ako eh nung newbie pa ako akala ko pareho lang like token, coin, crypto, altcoin, hehe. Sa katagalan alam ko na ano ang pinagkaiba nila.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
October 06, 2019, 06:51:08 PM
#20
Marami pa rin sa tin ang nacucurious about sa pagkakaiba ng coin at ng token. Pero salamat kay OP dahil nakita naman ang pagkakaiba at mas naliwanagan tayo dahil dito at hindi natayo malilito sa tawag natin kung ito ba ay coin at token. Kahit ako nung una medyo hindi ko alam ang token at pinagkaibaham nola sa coin dahil kailan ko lang nalaman ang token dahil kailan lang naman ata ito nadevelop o nacreate.

Ang coin ang magagamit mo sa pag bibili ka ng token gaya ng mga proyekto ng eth contract na wala pang kaukulang halaga da merkado nito. Pag token kaso limitado lang ang kanyang kakayahan sa mundo ng crypto. Mas matibay na kasi ang pundasyon ng coin kompara sa token, at saka pwede pa itong ma zero value kalaunan. Itong coin ay pwede na ito magkaroon ng kanyang sariling wallet gamit ang windows at ibang operating system.
member
Activity: 504
Merit: 23
Epsilon Omega
October 06, 2019, 10:00:29 AM
#19
Correct me if I'm wrong. Ang coin ay pwede bumili token pero ang Token hindi kayang bilhin so coin. Let's say medyo mali lang sa term, sabihin nalang natin na ang token ay pwedeng i-CONVERT hindi IBILI o gawing pambili ng coin.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
October 01, 2019, 05:05:28 AM
#18
Ako rin dati, Naguguluhan ako kung meron bagong Altcoins na lumalabas mabuti nalang ay nakapag research ako at naibahagi ko na rin dito sa inyo para naman malaman nyo yung pinagkaiba nila. Kadalasan kasi yung mga tokens ay sila yung mga nasa DEX exchange tulad ng Forkdelta at EtherDelta at iba pa na katulad nila. Itong mga coins ay may sariling wallet of blockchain technology na tinatawag, sila yung kadalasan na naililista sa mga big exchange.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 25, 2019, 06:31:30 PM
#17
This information is good to have when the time comes that you want to create like a knowledge base of ideas about cryptocurrencies and altcoins in general. Dapat lang na maging armado tayo ng inpormasyon na ito at dapat talaga na magsumikap tayong mga pinoy para makamit natin ang financial freedom gamit ang cryptocurrency.
sr. member
Activity: 1092
Merit: 271
July 19, 2019, 03:39:54 PM
#16
Mahalagang impormasyon ito lalo na sa mga nagsisimula pa lamang sa cryptocurrency upang hindi sila malito, bagaman wala masyadong pakialam ang iba sa pagkakaiba ng dalawang terminolohiya ay mahalaga paring personal itong malaman para sa personal na batayan at guide sa pag invest sa cryptocurrency. Isang halimbawa na maidadagdag ko dito ay ang token halimbawa sa MRT na doon mo lamang siya pwedeng gamitin at hindi pwede sa mga laro na kung saan ay ibang klaseng token naman ang kailangan. Ang coin naman ay maaring maihalintulad sa mga barya na umiiral na maaring ipambili at ipambayad na kung saan ay mayroong natatanging halaga.
Pages:
Jump to: